"You were mine before and you will be mine in the future."
Happy reading KT's!
*
AFTER 3 months ..
"Tara na, Kisses!" napalingon siya sa lalaking sumigaw. Katatapos lang ng last subject niya ng araw na iyon at kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit niya para umalis ng tinawag siya ng binata.
"Sandali lang, Tony. Inaayos ko pa ang mga gamit ko." sagot niya habang nakatalikod. Ayaw niyang humarap dito baka makita nito ang pamumula ng mukha niya. Hindi na siya nagulat kung bakit nandoon na naman ang lalaki. Palagi itong pumupunta sa classroom niya para sunduin siya.
When the months past by ay mas lalong nakilala niya ang lalaki. Palagi na silang magkasama nito kahit break time at palagi din silang sabay umuuwi minsan naman ay kumakain sila sa mga restuarant na malapit lang. It was not a date but a friendly dinner. Iyon ang palagi niyang ipinaalala sa sarili niya.
Hindi siya nito hinayaang mag isa na umuwi, nang tanungin niya ito minsan ay sinagot lamang siya nito na iyon daw ang gawain ng magkaibigan. Alam niya iba na ang nararamdaman niya sa lalaki, maliit lang ang kaligayahan niya at madali lang siya mahulog sa isang tao lalo na at alam niyang mabait ito. Pero hindi na muna niya aaminin iyon dito lalong-lalo na at alam niyang kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya. She just need to erase that small feelings for him hangga't maaga pa. Pero paano ? Kung sa mga oras na iyon ay mas lalo nang nahulog ang loob niya sa lalaki. Simpleng bagay lang na gawin nito sa kanya ay kinikilig na siya.
Noong nakaraang buwan ay sinubukan niyang iwasan ito pero talagang traydor ang damdamin niya. Hindi niya matiis na hindi pansinin ito, palagi kasi itong bumubuntot sa kanya at nagtatanong kung bakit ayaw niya itong pansinin o kung bakit daw niya iniiwasan ito. Sa huli ay sumuko siya, naghanap lang siya ng ibang rason para masagot ang mga tanong nito.
Pagkatapos na ayusin ang mga gamit ay naglakad na siya palabas ng classroom. Inikot niya ang mata ng pilyong ngumiti ito sa kanya. Ano na naman kaya ang iniisip nito ?
"Hindi ako pwedeng maglakwatsa ngayon, Tony. Hindi ako nakapag paalam kay Tita. Ano nalang ang sasabihin nila pag late na naman akong umuwi ngayon ?" Hindi naman nagrereklamo sina Tita Karen pero ayaw niyang may masamang masabi ito sa kanya. Nakikitira lamang siya sa bahay ng mga ito, ng libre!
Sa mahigit tatlong buwan kasi ay palagi silang namamasyal ni Tony. Kung hindi sa Amusement park o sa parke na pareho silang nasaktan ay namamasyal din sila sa mall. Para silang mga tanga dahil wala naman talaga silang balak na mag shopping. Ang ginagawa lang talaga nila doon ay umupo sa isang café at kung may makitang tao na dumaan sa kanilang harapan tapos katawa-tawa ang kasuotan ay pinagtatawanan niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya lang naranasan iyon, alam niya masama ang pagtawanan ang iba pero may part sa kanya na sobrang saya niya. Kung hindi sa mall, ay nanonood sila ng sine pero parang wala sa pelikula ang atensyon nila dahil palagi lang silang nagkukwentuhan ng mga bagay-bagay. Dahil sa mga ginawa nila ay naging masaya ang mga araw niya. Nakalimutan niya ang mga problema at napalitan iyon ng saya. Sayang hindi mapapalitang ng kalungkutan sa mga oras na iyon.
Sa tatlong buwan na iyon ay mas naging malapit sila sa isa't-isa. Siguro mas nalamangan pa nila ang mag bestfriend na five years na ang ikinatagal dahil sa closeness nilang dalawa.
"Oo na, ihahatid lang naman kita ngayon eh. Tss!" kinuha nito mula sa kanya ang bag niya at nauna nang maglakad.
Napangiti siya. Bakit ba kahit ano ang galaw nito ay napaka cute nito. Mabilis na naglakad siya at sinundan ito. Kinurot niya ang pisngi nito. "Bakit ? May lakad ka ba ? May date ba ang Tonyo ngayon ?" Tonyo ang tawag niya dito pag naglalambing siya dito. Nanlaki ang mga mata niya ng kurutin din nito ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
MEANT TO BE
FanfictionKisses Delavin - matalino, mabait, hindi mayaman at anak ng magsasaka. Tony Labrusca - mahirap, matalino, masipag at higit sa lahat gwapo. Donny Pangilinan - kaibigan ni Tony, mapapangasawa ni Kisses sa takdang panahon, mayaman at gwapo Sa dalawa...