Revised on 2017.
Chapter 1: The Last
Ash's Point of View:
"Kuya! Hatid mo naman ako oh." Paglalambing ko sa kakambal ko. He insisted me to call him kuya kahit na ba't minuto lang naman ang itinanda niya saakin. Niyakap ko siya't tumingin sa mukha niya.
"Gwapo mo kuya!" I then smiled pero poker face lang siya. I pouted. Pogi naman talaga si kuya, kahit na ba't sobrang laki ng eyebags. There are times when kuya is either very sweet or a total snob. Sana sweet siya ngayon para mauto ko! I badly need a ride.
"Baby you know that I'm grounded right? Nangiinis ka ba?" He cocked a brow at me. I let go of kuya, his today's mood is at the middle. Sayang oras hmp!
Nakalimutan kong grounded nga pala si kuya. Meaning, he can't use his cars. Hindi ko na din ipipilit na hiramin ang mga kotse niya kasi isang matigas na 'no' yun sakanya. Mas mahal niya pa nga ata yung collection niya kesa sa'kin e! Kung bakit naman kasi ngayon pa walang available na kotse?
"It's a sign, you should stop chasing that bastard!" Tumaas ang boses ni kuya. Hindi ko na siya pinansin at kinuha na ang bag ko. Aalis na 'ko! Mag co-commute nalang ako kesa sa sermunan na naman ako! Sayang oras ko at baka malate pa 'ko! Championship pa man na din!
Paalis na 'ko nang hatakin ako ni kuya't hinarap sakanya. He sighed and look at me with so much sadness, "I'm sorry baby. Ingat ka." Hinalikan niya ang noo ko at pumanhik na sa kwarto niya.
Ulol. Love daw pero ni-hindi man lang ako hahatid sa sakayan ng jeep.
Okay lang naman saakin ang mag commute. Nag-iinarte lang ako kasi umuulan. I really hate the rain. I shrugged.
"Rain, Rain Go Away! Mmm... mmm!" Kanta ko habang naglalakad palabas ng subdivision ng bahay namin. Di ko alam ang lyrics kaya hinum ko nalang. Ingat na ingat pa ako at baka mabasa ako. Sayang blower ko ng buhok!
Late na ko ng makarating sa gymnasium ng school. Nagkalat naman ang mga studyante't ang ilan ay naka uniform pa. Siguro may mga tatlong school ang nasa school namin ngayon. Meyciprissa kasi.
Nasa 4th Quarter na ng game ng makarating ako. Lamang ang school namin syempre, The best kasi ang Captain Ball namin! Nilabas ko ang ginawa kong banner at nagsisisigaw. Naagaw ko ang atensyon ng players pero hindi ako nilingon ni Harper.
Harper my loves! hihihi!
"Go Harper! Whoo Hoo!" Hiyaw ko at nakita kong natawa ang ka-teammates ni Harper at nailing-iling. Kinawayan ko sila at nginitian naman nila ako pabalik.
Malamang ay kilala na 'ko ng mga iyan no! Araw-arawin ko ba namang bigyan ng tubig si Harper! Nakita ko namang nagbulong-bulungan ang mga tao sa bleachers. The hell I care with them! Hindi ko sila pinansin kahit na lantaran na netong kwinekwestyon ang pagiging role model ko.
"Desperado"
"Maganda, Mabait at Matalino nga... pero Mukhang Harper. Yan ba nanalong role model?"
"Okay naman na talaga si Ash e, makire lang talaga..."
Napairap nalang ako sa ilang narinig ko. I came here for Harper anyway.
Binigay ko nalang ang atensyon ko kay Harper na ngayon ay naka-kunot ang noo't drinidrible ang bola pabalik sa ring nila. Nang umakto itong ithree points ang bola ay napasigaw ako,
"Go baby harper!" Kasabay non ang pagtugtog ng varsity band namin. Itinira niya iyon pero nasangga't pinasa ng kalaban sa ka-teammate neto. Lumingon saakin si Harper at tumitig sa mga mata ko. Napalunok ako. He's mad. Fuming mad.
Napalunok ulit ako. I know where this is going. Pero come to think of it, Atleast napansin ka Ash! Oo tama, tama!
Napatunayan kong tama ang hula ko nang mag call siya for sub. Padabog itong pumunta sa kinaroroonan ko. Okay, inhale then exhale Ash!
"Tubig harper?" I smiled at him at inabot ang isang bottled water. Hindi niya iyon pinansin at hinawakan ang pulso ko't hinatak papuntang locker room.
Trav Harper Sake's POV:
"Ano ba naman, Abo?!" Bulyaw ko sakanya nang marating namin ang locker room. I could've shot that ball kung hindi ko lang narinig yung nakakainis niyang boses! Nabitawan niya yung bote ng tubig na hawak niya.
'for the best captain ball' naman ang nakasulat dito.
"I told you to fucking stay away, Abo! Lalo na't championship! Hinahayaan kitang manood ng practice, kahit mag-cut ka pa. Sige lang, wag lang kitang makita sa championship! Pero tangina Ash! May usapan tayo, diba?!" Huminga akong malalim pero fuck! Nanggagalaiti talaga ako! Nakakasakal siya, feeling girlfriend!
"I hate it when you're around! Nakakapraning! Parang akong aso't ikaw yung buntot ko! Ewan ko kung sumasama ka saakin kahit umiihi ako e! Tangina. Tinuringang role model pero ganyan! Kahit na ba't ikaw yung gusto dito ng mga lalaki! The hell I care! You can't force somebody to like you! I don't like desperate girls like you. Hindi ba't matalino ka? Gamitin mo naman! Hindi yung ibinabalendra mo lang yung medals mo!" Napahilamos ako ng mukha. This championship means a lot to me tapos heto na naman siya't sisirain ang trinaining ko! Bumuntong hininga ako't napaupo.
How I hate this girl before me.
Ilang minuto ang lumipas na tanging hikbi lang niya ang naririnig ko. Great! Nagpaiyak na naman ako ng babae! Pero the hell I care, asa naman akong kakalat ang tungkol dito. Yan pa ba? Ni walang ginawa yan kung hindi pagandahin ang image ko.
Nagulat ako ng lumabas siya ng tahimik sa lockeroom. It is the first time that she walks away without having me hear her side.
BINABASA MO ANG
Protecting Ms.Target
RomantizmAsh, Ash go away. Travis Harper loves to play. ©tanyaxgabrielle