"Okay ka lang bunso?" Tanong sa akin ni Kuya KZ habang nasa kotse kami papuntang school
"Bunso, you look pale, is there something wrong? Masama ba pakiramdam mo?" Sunod sunod na tanong naman sa akin ni Kuya KP habang nagda-drive. Siya na nagdrive since sa iisang school lang naman kaming tatlo.
"Kuya, I'm nervous." Nanghihina kong sagot
Kuya KZ just hugged me. "Bunso, relax, first day of school pa lang ngayon, you're just going to introduce yourself, then make friends with your new classmates."
"What if pumiyok o mahimatay ako habang ini-introduce ko yung sarili kuya? What if walang gustong makipagkaibigan sa akin? What if—" nang putulin ni kuya KP ang pagsasalita ko
"Bunso, ayan ka na naman, you're overthinking again. Relax. Everything will be just fine." Kuya KP said
"Kuya KP's right bunso. Basta, kung may problema, sabihan mo agad kami ha." Kuya KZ said
"Okay po kuya." I answered
Mga ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa paraalan namin. Sinamahan muna ako ng mga kuya ko habang hinahanap ang classroom ko at di naman kami nahirapang hanapin yun. Nasa 2nd floor naman yung classroom ko which is nasa building for senior highschool.
"Oh paano bunso, we have to go." Kuya KP said and he kissed me on my forehead.
"Good luck bunso. Bye!" Sabi naman ni Kuya KZ at niyakap ako tsaka tuluyan ng umalis
I just watched them walk away as they slowly disappeared from my sight. I took a deep breath and fixed myself before I entered the room. This is it Kean, go! I whispered and finally entered.
Nang makapasok ako ay kaunti pa lang ang tao sa room, humanap na ako ng mauupuan at pinili ko nalang umupo sa bandang dulo.
I was staring on the outside, since nakaupo ako malapit sa may bintana, when I felt someone sat on the chair beside mine. I turned my head to see who it is.
"Ahm, hello, may nakaupo na dito?" Tanong niya
"Ah-ah w-wala." Nauutal ko naman sagot. Gosh Kean, compose yourself. I know, you're not into this kind of situation but you have to be used to it. I just smiled at him para mawala ang pagka awkward ng atmospehere and he smiled back.
"Are you okay? You look pale?" Tanong niya at akmang hahawakan ang noo ko, nang pigilan ko siya, "Ah n-no!" Nabigla naman siya ng mapataas ang boses ko. Omg help me God.
"I'm okay thanks by the way. Sorry, di kasi ako sanay na nakikipag usap sa mga di ko pa kilala eh." Nakayuko kong sabi
"Ah ganun ba, sorry for that, di ko alam-" paghingi niya ng paumanhin ng putulan ko ang pagsasalita niya
"No no no, you don't need to say sorry, actually I'm practicing my self to get used to this kind of situation. Sorry if naapagtaasan kita ng boses, nagulat lang ako." Pagpapaumanhin ko naman
"Forget it, so magpapakilala na ako sayo para di na ako "stranger" sayo." Natatawa niya namang sabi
"I'm Ross Dela Fuente, and you are?" Pagpapakilala naman niya
"Kean. Kean Ashlee Ezekiel Montreal." Pagpapakilala ko naman
"Ang haba naman ng pangalan mo." Natatawang sabi niya naman
![](https://img.wattpad.com/cover/135148354-288-k857451.jpg)
BINABASA MO ANG
Winning Him Back (boyxboy)
Teen Fiction"Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together." ~ Colleen Hoover