XVIII

2.2K 85 5
                                    

Lumipas ang mga araw, patuloy pa rin si Zach sa kanyang pangliligaw. 

"Oh, kanina ka pa nagaantay dito?" Tanong ko kay Zach ng makita ko siya sa labas ng room namin

"Ah oo." Sagot niya

"Tara labas tayo. How about kain tayo sa Mcdo? My treat, nanalo kami kanina sa basketball eh." Pagaya niya

"Ganun ba? Sige. Kasama ba natin sila?" Tanong na tintukoy ang mga ka team mates niya.

"Of course not. Actually, inaya nila akong kumain to celebrate our victory kaso hindi na ako sumama." Sagot niya

"Ha? Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Nagtatakang tanong ko naman.

"Gusto kitang masolo eh. I want to celebrate my victory with you, alone." Sagot nito na nakapagdala ng kuryente sa aking puso. Di ko naman mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya.

"Seryoso Zach?" Natatawa kong tanong para matago ang kilig na nararamdaman ko.

"Seryoso ako sayo Kean." Seryoso niyang sagot. Agad ko naman siyang hinarap at hinawakan ang magkabila niyang balikat.

"I know, binabawasan ko lang pagiging awkward ko dahil sa sinabi mo." Katuwiran ko naman

"And why?" Nagtatakang tanong niya naman. Agad ko naman siyang sininyasan na yumuko ng kaunti dahil hindi ko siya abot at may ibubulong ako.

"Kinikilig kasi ako." Bulong ko sa kanya.

Agad naman siyang natulala na parang di makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko alam kung magsisisi ba ako dahil nasabi ko yun dahil pagkatapos nito baka tuksu-tuksuhin na niya ako.

"Tara na nagugutom na ako." Sabi ko rito at nauna na maglakad.

"W-what did you just say again?" Parang di makapaniwalang sabi nito

"Na nagugutom na ako?" Sagot ko

"No, the one that you said earlier."

"Ha? Wala naman akong matandaan ah." Maangmangan ko rito

"Kinikilig ka na pala sa akin ha." Nakangising sambit nito habang sumasabay maglakad sa akin.

"Neknek mo!" Natatawa kong sabi rito at tumakbo na patungung kotse niya. Kaagad naman siyang nagtaka sa sinabi ko. Mukhang di niya ata naintindihan.

"What? Wait, where did you get that word?" Nagtataka at natatawa niyang tanong. Actually I just read that also from a story.

Agad niya rin naman akong hinabol hanggang sa makarating na kami kung saan naka park yung sasakyang gamit niya.

"Alam mo ba, ang saya ko ngayon Kean." Nakangiting sambit nito habang nagda-drive.

"Isipin ko pa lang nandito na tayo, magkasama na ulit. Ang saya saya ko na. Alam mo ba noong ma realize ko na mahal pala talaga kita, hindi ko alam kung paano kita kakausapin ulit dahil sa nagawa ko sayo. 

Pero ito na tayo ngayon, pinatawad at binigyan mo pa rin ako ng pagkakataon sa kabila ng kataramtaduhan ko. At ngayon, mas napapatunayan ko lang sa sarili ko na mas nahuhulog at araw araw nahuhulog ako sayo. 

Yang mga ngiti mo, mga tawa mo, kahit na pagsasalita mo, yung parang gustong gusto ko na araw araw kong marinig at masilayan." Mahabang litanya nito. Ito, ito yung nagustuhan ko sa kanya, yung pagiging expressive niya sa kung anong nararamdaman niya. Kung iniisip ng iba na hindi showy yung mga lalake sa pagmamahal nila sa kanilang partner, pwes ibahin nila si Zach. Eh mas showy pa itong lalakeng to kaysa sa akin eh.

Ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya. Nabigla naman siya pero kaagad rin niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.

"Hindi ko na maantay ang araw na mapasaakin ka na ulit. Mahal kita at pag binigay mo na ang matamis mong oo, hindi ko maipapangakong hindi kita masasaktan pero ipinapangako ko, hindi ako magsasawang ipaparamdam sayo na mahal na mahal kita. I want to always make you happy and feel loved, because your happiness is also my hapiness." 

This time, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Kaagad akong tumayo ng bahagya at hinalikan siya sa pisngi na ikinabigla niya.

"Then let's start our happiness, together."

I know this is so risky, but I'm willing to take that risk. 

I know, pain can't be avoided, after all its part of love. 

Pain is not the one that entirely makes a relationship miserable, rather it's the one that makes partners grow which strengthens the bonds between them.

It is in us if we will just allow it to ruin us or to take it as our lesson to make our bond stronger.


Happy 5k reads! Salamat po sa lahat ng sumubaybay sa estoryang ito! Sana ay patuloy niyo pa rin pong basahin ang estorya nila Kean at Zach hanggang sa huli! Hindi pa po dito ito nagtatapos, marami pa po kayong dapat abangan! Maraming salamat!

VOTE • COMMENT • SHARE

Winning Him Back (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon