VIII

3.4K 128 3
                                    

Pagpasok ko sa classroom ay may napansin agad akong bagay na nakapatong sa arm chair ko. Nang makalapit ako ay dun ko napansing chocolate pala ito. Ang paborito kong tsokolateng KitKat.

Nang makaupo ako ay kaagad ko namang tinanong si Ross.

"Ross, kanino ito?"

"Hindi ko alam. Baka sayo kasi nasa upuan mo naman." Sagot naman niya

Ilalagay ko na sana ito sa kabilang armchair dahil baka hindi ito akin nang may mapansin akong sticky note sa ilalim nito.

"Good morning boobear! Have a nice day."
                                                    Your love, Zach

"Seriously?! My love? Ang kapal talaga ng mukha." Di makapaniwala kong sabi

Bakit, di mo na ba siya mahal? Tanong ng kabilang parte ng isip ko. Noon yun, pagsingit naman ng kabilang isipan ko.

"Oo sayo nalang. Busog pa ako eh." At binigay ko na kay Ross ang KitKat kahit gustong gusto ko na ito kainin. Para malaman niya, meron akong pambili at hinding hindi ako tatanggap na kahit ano man mula sa kanya.

Ikaw na Kean, ikaw na ang dakilang hari ng mga ampalaya. Singit naman ng kabilang parte ng isipan ko. Di ka pa ba magiging bitter kong ikaw na mismo ang sinaktan? Sagot naman ng kabilang parte ng isipan ko.

Natigil na lamang ang namumuong tensyon sa aking isipan ng dumating na ang aming guro. Argh! Nababaliw na ata ako.

.
.
.

"Okay class, that's all for today. Class dismissed." At lumabas na ang aming guro

"Ross, mauna ka na sa cafeteria, dadaan lang muna ako sa cr. E-reserve mo nalang ako ng upuan." Sabi ko dito

"Sige. Dalian mo ha." Tugo naman niya

Pumunta na ako sa cr upang umihi at maghilamos.

Habang pinupunasan ko ang bagong hilamos kong mukha ay bilang may nagsalita sa tabi ko.

"Nakita mo ba yung iniwan ko kanina sa upuan mo?" Its Zach.

Natigil naman ako sa pagpupunas ng mukha ko at tiningnan siya.

"Yung kitkat? Binigay ko sa kaklase ko." Walang ganang sagot ko naman dito at humarap ulit sa salamin.

"I know it's your favorite." Nakangiti naman niyang sabi

"Hindi na ngayon." Sagot ko naman

"Naalala ko pa, every monthsary natin noon yun ang pinapa-" pinutol ko na siya sa pagsasalita ng tingnan ko siya ng masama

"Okay, I'll stop." Nakangiti pa ring sabi nito

Lumabas na ako ng cr pero nakasunod pa rin siya.

"Want to have a snack with me sa cafeteria?" Tanong nito sa akin

"May kasama na ako kaya leave me alone." Sabi ko dito habang mabilis na naglalakad

"Paano natin mapaguusapan yung sa project natin?" Tanong niya. Napatigil naman ako at hinarap siya.

Winning Him Back (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon