"Where are you going?" Tanong ni Kuya Cy nang makita akong papalabas ng bahay.
"To my classmate's house. We will make our project kuya." Sagot ko naman
"Then ihahatid na kita." Sabi naman nito na agad ko namang tinanggihan
"I'm okay kuya. I can handle myself. Saglit lang rin naman to eh."
"Are you sure? Marunong ka na palang magcommute ha. " Tanong rin naman niya at napahagikhik
"Of course kuya." Pinagmamalaki ko namang sagot dahil baka magbago pa ang isip nito at pag nagkataon baka mahuli niya pa ako. Actually, pangalawang beses ko pa lang magko-commute ngayon.
"Okay, take care bunso." Sabi naman ni kuya
"Thanks kuya." Sagot ko naman sabay halik sa kanyang pisngi.
"By the way, saan yung iba nating mga kapatid? Mukha atang tayo lang ang nandito ah." Tanong ko
"Ah, may pupuntahan daw eh, isasama nga sana nila ako kaso di na ako sumama, tinamad ako eh." Sagot naman nito
"Okay kuya. I got to go na. Bye!" Sabi ko dito at umalis na.
Papalabas na ako ng gate ng biglang may tumawag sa cellphone ko.
"09xxxxxxx23 calling....."
Agad ko rin naman itong sinagot.
"Hello?" Bungad ko rito
"Saan ka na?" Tanong nito sa akin. Agad ko rin namang nakilala kung sino ang tumawag.
"Naglalakad pa ako palabas ng subdivision namin." Sagot ko naman
"Okay. Wag mong papatayin ang tawag ha." Sagot rin naman niya
"Ha?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Nasa labas ako, malapit sa guard house." Sagot rin naman niya
"What?! Bakit ka nandito?" Gulat ko namang sagot.
"Susunduin ka malamang." Sagot rin naman niya
"Did I ask you na sunduin ako?" Iritang tanong ko naman sa kanya.
"Marunong ka bang magcommute ha? Naalala mo pa ba last time na sinubukan mong magcommute?" Balik na tanong rin naman niya sa akin
Wala kami ngayong last subject kasi absent daw yung teacher namin kaya nadismissed kami agad. 3:00 pm pa lang at 5:00 pa ako masusundo ni Kuya Arch. Sila kuya KZ rin naman 5:30 pa matatapos yung class nila. Sobrang inaantok ako ngayon kaya kailangan ko nang umuwi.
I tried to call Zach para tanungin kung nasaan siya pero cannot be reached.
May nakita naman akong jeep na naghihintay ng mga sasakay sa labas ng gate ng school namin. Binasa ko naman ang mga nakasulat sa jeep. Ito ata yung mga lugar na mga madadaanan nitong jeep. Nakita ko naman yung pangalan ng subdivision namin. Madadaanan kasi sa highway yung subdivision kung saan kami nakatira. Nagdadalawang isip pa ako nang sumagaw na ang driver na isa nalang at aalis na kaya sumakay na rin ako.
Nagising na lamang ako ng may tumatapik sa balikat ko.
"Boy, boy saan ka ba bababa?" Tanog ng driver sa akin.
"Sa **** subdivision po. Malayo pa po ba?" Tanong ko dito
"Naku kanina pa natin nadaanan. Malayo na." Sagot naman nito.
"Ha? Pano po na to kuya?" Naiiyak kong tanong
"Sumakay ka nalang ulit ng jeep pabalik. Gagarahi na ako eh." Sagot rin naman nito.

BINABASA MO ANG
Winning Him Back (boyxboy)
Teen Fiction"Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together." ~ Colleen Hoover