"What? Y-you mean-" Hanggang ngayon ay hindi gulat at di pa rin makapaniwala si Kuya KP dahil sa sinabi ko sa kanya.
"Oo nga kuya. Huwag ka ngang maingay. Naghahanap pa ako ng right timming para sabihin sa kanila. Ikaw lang naman yung sinabihan ko kasi alam kong di mo ako papagalitan." Sagot ko naman
"Bakit? I mean, bakit mo siya sinagot kaagad?" Tanong naman nito.
"Seriously kuya? You're acting stupid. Ano ba sa tingin mo kung bakit ko siya sinagot kaagad?" Balik na tanong ko naman sa kanya
"Because you still love him?" Sagot naman nito
"Exactly." Ano pa nga ba ang ibang irarason ko? E mahal ko pa rin eh.
"I'm just worried you know, eh baka naman kasi gaganti ka lang sa kanya." Dagdag pa nito
"You know me kuya, hindi ako ganyan." Sagot ko naman
"Fine fine, kayo na ang nagmamahalan." Pagsuko nito
"Ewan ko kuya, pero it's like, you're acting weird today." Hindi naman kasi siya ganito. Most of the time, hindi naman kasi siya yung sobrang daming tanong. Parang ang usisa niya ata ngayon.
"Wala naman akong rason para maging weird ngayon." Depensa naman nito
"Oh ano na naman yang pinaguusapan niyo?" Biglang pag singit ng iba pa naming kapatid galing sa kusina habang dala dala ang fries at popcorn na request ko. Nandito kami ngayon sa aming sala at manonood kami ng movie at para magkaroon naman ulit kami ng quality time magkakapatid. Babalik na rin kasi bukas sila kuya sa Canada dahil one month lang leave nila sa trabaho.
"Sabihin mo na sa kanila habang maaga pa." Pagbulong naman ni kuya KP sa akin.
"Aaah, kuya, I have s-something to a-admit." Nakayuko kong sabi at umaasang wala lang silang magiging reaction sa sasabihin ko
"What is it bunso?" Tanong ni Kuya Cyan
"A-ah, k-kasi a-no uhm.-"
"Bunso. Spill it out. Come on. Kinakabahan ako sayo eh." Nagaalalang sabi ni Kuya Arch
"K-kami na ulit n-ni Zach." Naiiyak ko nang sabi. Hay napakaiyakin mo talaga Kean.
Ilang segundo na ang lumipas ngunit nababalot pa rin ng katahimikan ang paligid namin. Nilakasan ko na ang loob kong iangat ang aking ulo at tingnan ang reaksyon nila.
"S-sorry kuya." Umiiyak kong sabi.
Hindi nakapagsalita si Kuya Cyan at tila gulat gulat ito sa kanyang narinig, kalaunan ay biglang makikita ang tampo at galit sa ekspresyon nito at biglang padabog umalis at pumunta sa taas. Susubukan ko sana siyang habulin pero pinigilan na ako ng iba ko pang kapatid. Tuluyan na akong napahagulgol.
Kaagad naman akong niyakap ni Kuya KZ at pinatahan.
"Ssshhh, hayaan muna nating lumamig ang ulo ni kuya bunso okay? I'm sure magbabati rin kayo nun. Ikaw pa ba, hindi ka matitiis nun eh." Pagpapatahan sa akin ni Kuya KZ
"K-kuya galit ka rin ba sa akin?" Umiiyak kong tanong dito
"No bunso. In fact, masaya ako para sa inyo. Nakuha naman na ni Zach yung tiwala ko eh." Sagot niya naman na napagpaluwag naman ng kunti sa nararamdaman ko.
"Bunso?" Pagtawag naman sa akin ni Kuya Arch kaya agad naman akong lumingon sa kanya at pinuntahan siya para yakapin.
"Kuya sorry huwag kang magagalit sa akin please." Pagmamakaawa ko dito.
"Stop crying na bunso. I'm not angry okay. Oo nabigla lang rin ako pero alam ko namang doon din yung bagsak niyo ni Zach eh. So please, stop crying na. Nagtatampo lang si Kuya Cy mo eh. Syempre kasi mahal ka niya and he wants to protect you. Nabigla ka pa ba, eh ayaw ka nga niyang pahawakan sa iba dati noong baby ka pa eh." Mahabang litanya nito

BINABASA MO ANG
Winning Him Back (boyxboy)
Fiksi Remaja"Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together." ~ Colleen Hoover