XI

3.1K 104 3
                                    

"Oh, paano, uuwi na ako."

"Zecke, Zend, I'll go home na ha." Sabay ko rito sabay halik sa kambal

"Sila lang?" Tanong naman ni Zack sakin

"Ha? Anong sila lang?" Balik na tanong ko naman

Ngumuso naman siya at sumenyas ng "kiss" sabay turo sa labi niya.

"Asa ka pa!" Sigaw ko naman dito

Sumimangot naman ang loko dahil sa sinabi ko. Hay nako! Isip bata talaga.

"Oh sige na, aalis na ako." Muling paalam ko sa kaniya.

"Ihahatid na nga kita." Pagpigil niya sa akin

"I can handle myself Zach. No need to worry. Sige na, pumasok na kayo, nahahamugan na ang kambal oh." Di naman na siya nag pumilit pa at pumasok na sa bahay nila kasama ang mga kapatid niya.

Nang nasa labas na ako ng subdivision nila, ay nag antay na ako ng masasakyan pauwi. Wait, ano nga ba ang dapat kung sasakyan pauwi? Bahala na, magtatanong nalang ako kung saan yung papunta sa lugar namin, hindi naman gaanong malayo eh.

Ilang sandali pa ay nagulat na lamang ako nang biglang may tumabi sa aking dalawang lalake, parang mga ka edad ko lang pero matatangkad sila at medyo payat.

"Saan ka papunta?" Tanong nung isa

"A-ah pauwi po." Kinakabahang sagot ko naman dito. Mas kinabahan ako ng bigla akong akbayan nung isang lalake. Amoy alak siya.

"Tara, hatid ka na namin." Pang aaya nito

"Aa-ah hindi na po may sundo p-po ako eh." Sabi ko sa kanila at tatanggalin na sana ang pagkakaakbay niya sa akin ngunit nagpumilit ito.

"K-kuya p-please, lumayo p-po kayo sa akin." Naiiyak kong sagot. Sumasakit na ang dibdib ko, di ako makahinga sa sobrang kaba.

"Easy lang, papasayahin ka naman namin eh. Diba yun naman gusto niyong mga bakla?" Sagot naman ng kasama niya

"P-please kuya my parents are already waiting for me. P-please." Pag mamakaawa ko dito. Di ako makagalaw sa sobrang kaba, tanging malilit na hikbi na lamang ang lumabas sa akin.

"Uy, engleshero din pala ito pare siguro——

Di na niya natapos pa ang sasabihin niya ng bigla na lamang silang dalawang bumulagta sa sidewalk.

"Tangina niyo! Huwag ninyong ginagalaw boyfriend ko! Mapapatay ko talaga kayo! Mga gago!" Sigaw niya habang dinuduro ang dalawa

Aktong sisipain na niya ang dalawa at mababakas ang takot sa kanilang mga mukha ang takot kaya bigla na lamang silang kumaripas ng takbo.

Pag lingon niya sa akin, doon ko nakilala ang nagpatumba sa dalawang lalakeng balak akong pagsamantalahan kanina.

Si Zach. Nanlilisik ang mga mata niya. Ngayon ko lamang siya nakitang ganun kagalit. Agad niya akong nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Yan! Muntik ka na namang napahamak! Huwag mo kasing pilitin kung hindi mo kaya, paano nalang ko hindi ako dumating ha, Kean? Ano?" Bulyaw niya saakin.

Mas napaiyak na lamang ako at niyakap siya dahil sa sobrang takot ko. 

Oh God, thanks to this man.

Napagtanto niya ata ang nagawang pagsigaw sa akin kaya ginantihan din niya ako ng mahigpit na yakap.

"Ssshhhh, tahan na, nandito na ako. Sorry nabigla lang rin ako, hindi ko na kaya kung mawala ka pa sa akin ulit." Litanya niya

Winning Him Back (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon