Pagdating ko sa school ay sinalubong agad ako ni Ross.
"Kean, dumeretso na daw tayo sa social hall sabi ni Ma'm Dizon. Masyado daw kasi tayong marami if sa classroom lang tayo. Nandoon na daw yung Section B."
"Let's go, baka magsisimula na." Sagot ko.
Pagdating namin sa social hall ay madami na talagang nandoon. Sinalubong naman agad kami ng professor namin at pinaupo.
"Good morning everyone! So I know everybody is asking kung bakit pinag isa namin kayo. It's our way of teaching you how to socialize with others, para matuto kayong mag makihalubilo sa bawat isa. And the fun part is that, makakahanap pa kayo ng bagong kaibigan. So now, we will announce kong sino ang magkakapartner." Mahabang litanya ng guro ng section B.
Nagsimula na itong mag tawag ng mga pangalan ng magkakapartner. Since di pa naman ako tinatawag at parang mamaya pa ako tatawagin, naglaro muna ako sa phone ko.
Maya maya ay natatarantang tinawag ako ni Ross. " Kean kean, ano ba kanina ka pa tinatawag di ka nakikinig, nandun na yung partner mo sa unahan, nagpapalista."
"Ha-ha? Sige sige." Sagot ko at nagmadaling pumunta sa unahan ng nakayuko. Pansin ko naman ang mga tinatapong tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadaan ko.
Nang makapunta na ako sa harapan ay tinawag na ako ni Maam Dizon upang isulat na ang pangalan ko sa listahan, agad ko namang sinulat ang pangalan ko, di ko na natingnan pa ang pangalan ng makakapartner ko, malalaman ko rin naman yun eh. Nang mapansin kong may tao sa tabi ko, naisip ko na siya ata kapartner ko.
"Kuya, ikaw ba ang kapartner ko?" Sabi ko habang nakatoun ang atensyon ko sa pagsusulat ng pangalan ko sa attendance sheet.
I received no response, kaya nilakasan ko na yung loob kong magpakilala. Okay this is it. Be ready Kean, at the count of 3. 1, 2, 3...
"Im Kean Ashlee-" Naputol na ang sasabihin ko nang masilayan ko ang mukha ng taong kinausap ko kanina. He's smiling.
It's him.
"I missed you." My heart just skipped a beat after hearing those words when memories came back. The pain, the betrayal. How dare you say that to me?
Is this even real? I secretly pinched my self. When I realized that this is all for real. He is in front of me.
I composed myself.
"Hi." I said with a forced smile
"Ahm, so, apparently, ikaw ang partner ko. Let's talk about our project later this afternoon, may pupuntahan pa ako." Sabi ko sabay talikod
Dumeretso kaagad ako sa CR.
Hinarap ko ang salamin. Tears. I can see them again. Flowing down my cheeks.
I'm crying again.
Why?
W-why can't I move on?
Nang pumasok si Ross, halata ang pagaalala sa mukha niya.
Lumapit siya sakin. "Anong nangyari? Why are you crying?" Tanong niya na nagaalala
Di na ako sumagot at niyakap ko nalang siya at doon na ako napahagulgol.
Hinahaplos niya ang likod ko habang pinapatahan ako sa pag iyak "Shhhhh. Stop crying. Gusto mo bang makita ka ng kuya mong nagkakaganito?" Malumanay niyang tanong.
"Tara sa cafeteria, treat ko. Pwede mong sabihin sa akin kung anong problema." Sabi niya.
Tumango na lamang ako at pumunta na kami sa cafeteria at doon ko na kinwento sa kanya lahat.
"Ross, I'm gay. If you want na lumayo sa akin okay lang maiintindihan ko naman." Sabi ko habang nakayuko
"I know. Matagal ko nang alam. Halata naman sa kilos mo. Pero hindi kita lalayuan. Why would I do that? Hindi naman nakabasi sa kasarian ang pakikipag kaibigan ah. Sa akin basta may mabuting puso, kaibigan ko na. At isa ka na doon sa mga kaibigan ko." Litanya niya na nakapagpagaan ng loob ko.
"Thanks Ross." Nasabi ko nalang sa kanya. Haay sana lahat ng tao katulad niya.
Kinahapunan ay nakipagkita ako kay Zach. I have to face this. Hindi naman pwedeng takbuhan ko na lang ito palagi. Atsaka tapos na kami, so dapat di na ako magpa apekto sa kanya.
But, I'm still on the moving on stage, so I should do things that can help me forget him. Ano pa nga ba edi ang iwasan siya habang pwede pa.
"Kanina ka pa ba? Sorry if medyo natagalan ako." Pagpapaumanhin niya.
"It's okay. Zach I'll go straight with you. Can you help me ask both of our teachers na sa iba nalang tayo e pair?" Deretso kong tanong
Biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkadismaya at...... lungkot? Nag-aasume na naman ata ako.
"I just dont think this will work. Look-" nang putulin niya ang pagsasalita ko
"No." Madiin niyang sabi
"Look Kean, I'm sorry. Pinagsisisihan ko lahat ng ginawa ko sayo dati. Please, let's start a new beginning." Dagdag niya nakapagpalito sa akin
"That's also what I wanted to happen. Start a new beginning, alone. Isipin mo nalang na di tayo nagkakilala at ganun na rin ang gagawin ko." Tanong ko
"I'll go to Maam Dizon's office para sabihin sa kanya na hindi tayo pwede magkapartner." Sabi ko at akmang tatayo nang pigilan niya ako.
"Kean please I'm begging you. Wag mo naman akong palayuin sayo oh. Give me another chance." Sabi niya ng bigla niya akong niyakap. I was shocked. I cant even move. Hanggang sa napansin kong humihikbi na siya.
Pilit kong tinanggal ang pagkakayakap niya at nakawala naman ako agad at naglakad na ako palayo.
Hindi pa ako nakakalayo nang magsalita siya.
"I still love you boobear. I'll do everything to win you back. I won't give up on us."
A/N: If there are any typographical errors, wrong spellings, or wrong grammar, feel free to make a comment. Thank you for reading! 😘
VOTE • COMMENT • SHARE

BINABASA MO ANG
Winning Him Back (boyxboy)
Fiksi Remaja"Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together." ~ Colleen Hoover