XX

1.5K 58 4
                                    

ZACH

"Yes tito. I understand."

"Opo."

"Yes po."

Yan na lamang ang mga naisagot ko nang magusap kami ng mga magulang ni Kean kasama ang mga kapatid nito sa labas ng kwarto nito dahil sa sobrang kaba ko. Ikaw ba naman kausapin ng masinsinan ng pamilya niya? Akala ko nga mamamanhikan na ako eh. Haha! Soon.

"Zach, ijo, binibigay namin ang tiwala namin sa iyo. I know, there's no perfect relationship but I hope, you do your best na hindi na maulit ang dati. Alam mo naman yung kalagayan ni Kean diba? We can't afford to see our son being in that situation again. So please, do your best to make our son happy. Okay?" Mahabang litanya ng ina ni Kean

"Yes tita. Seryoso po talaga ako sa kanya. Alam ko pong sobrang mali nung ginawa ko noon pero pinagsisihan ko na po lahat nang iyon. I'll do everything to make him happy." Sagot ko naman

"It's good to hear it from you Zach." Tugon naman nito saakin

"Welcome to the family bro!" Dagdag naman ni kuya KP at nakipag fist bump.

"But remember Zach, pag nagloko ka ulit, hmm, do you see the four of us? Gagawin ka naming Cadaver at pagpa practice-san ka namin." Dagdag ni Kuya Cyan na ikinagulat ko naman.

"Im just joking bro, relax. Welcome to the family by the way." Tugon nito at nasundan naman ito ng mga halakhak. Napatawa nalang din ako.

"You can now see Kean ijo, baka gising na siya." Tugon ng daddy nila at kaagad na akong pumunta sa loob at naabutan ko naman si Kean na nakahiga. Kaagad ko naman siyang nilapitan.

"Thank God you're okay now. Kamusta ka na? May masakit pa ba sayo? Ano gusto mo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya habang mahigpit kong hawak ang kamay na ikinatawa naman niya ng mahina

"Oh bakit?" Taka kong tanong dito

"You look cute when you're worried." Nakangising sagot nito na kaagad namang ikinainit ng mukha ko. Ewan ko pero kinikilig talaga ako. Pigilan niyo ako, pigilan niyo ako.

Tumawa naman ito at sinagot ang mga tanong ko

"I'm okay now Zach. No need to worry." Nakangising sagot nito. That smile. Ugh! It makes my day.

"Kean?" Pagtawag ko sa kanya

"Yes?"

"Sobra akong nag alala nang malaman kung sinugod ka dito. Kaya matapos akong tawagan ni Kuya KP, dumeretso agad ako dito. Kean, listen. I can't afford to lose you again. Hindi ko kakayanin. So please, take care of your self okay?" Mahabang litanya ko. Bigla na lamang tumulo ang mga luha niya matapos ang mga sinabi ko na ikinataranta

"Are you okay? May masakit ba? Tawagin-" napahinto naman ako ng bigla niya akong yakapin.

"I'm okay Zach. Im just happy that you're here with me. Don't leave me again please." Sagot niya na ikinakirot ng puso ko. He doesn't need to beg na hindi ko siya iwan dahil hinding hindi ko magagawa sa kanya iyon. I already lost him once and I cant afford to lose him this time.

"Shhh. Tahan na. You don't need to ask babe. Hindi ako papayag na maghihiwalay pa tayo this time. I just said it earlier. Hindi ko kayang mawala ka pa ulit. I love you Kean." Tugo ko naman habang mahigpit na nakayakap sa kanya

"I love you too Zach."

Kumalas na kami sa pagyakap sa isat isa at inaya ko siyang kumain ng mga prutas na nakalagay sa lamesa.

"Wait babe, babalatan ko yung kiwi and apple. Susubuan kita. You need this para ma regain mo yung strength and health mo. Okay?" Kaagad naman siyang tumango.

Matapos kung balatan at ma slice ang mga prutas ay pumwesto na ako sa tabi niya at sunubuan na siya. Habang kumakain siya ay di ko naman mapigilang mapangiti. Fvck bakit ang cute niyang ngumuya? Haha! I find everything about him cute. Oo ganito kalalalim ang pagkakahulog ko sa babe ko.

Nabalik naman ako sa aking wisyo ng may tumapik sa akin.

"Oh? Wala nang laman bibig ko." Sabay nganga at turo dito. Ugh! Ang cute talaga ng batang ito.

"Anwo ba kasheng inhiishif mo?" Tanong nito habang puno pa ang kanyang bibig ng kinakain

"Naalala ko lang yung dati." Sagot ko

"Dati?" Nagtatakang tanong naman niya

"Oo. Noong una nating pagkikita."

TO BE CONTINUED...


VOTE • COMMENT • SHARE


A/N: AYAN NA YUNG UPDATE! SORRY PO IF SHORT UPDATE LANG, MEDYO LUTANG PA PO AKO. HAHA! FLASHBACK NA PO ANG SA SUSUNOD NA CHAPTER. BY THE WAY, THANK YOU SA LAHAT NG MGA NAG ANTAY AT PATULOY NA SUMUSUPORTA SA KWENTO NINA ZACH AT KEAN. BAKASYON NA PO NAMIN. PA THANK YOU GIFT KO NA RIN PO ITO SA LAHAT NG MGA UMINTINDI SA AKIN NUNG MGA BUSY PA AKO SA ACADS. AND TO MY SURPRISE, I GRADUATED WITH HONORS SO AYUN SOBRANG SAYA DAHIL ALL THE SACRIFICES WAS WORTH IT AND NAGPAPASALAMAT PO AKO SA MGA SUMUPORTA AT PATULOY NA PAGSUSUPORTA SA AKIN AT SA KWENTONG ITO. GOD BLESS! ❤️💖

Winning Him Back (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon