"Wait kuya, akala ko ba uuwi na tayo?" Tanong ko kay kuya KZ. Kami lang kasing dalawa ang magkasabay ngayon at siya ang nagmamaneho ng sasakyan.
"Samahan mo lang ako saglit, may pupuntahan lang ako. Di ko to pwedeng palampasin." Sagot naman niya
Medyo nagtaka naman ako sa sinagot ni kuya pero binalewala ko na lamang ito.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.
MOONLIGHT BAR
"Seriously kuya? What are we doing in this kind of place?" Iritadong tanong ko sa kanya. Hindi ko naman alam na pumupunta pala siya dito, and it's my first time to be in this kind of place.
"Wait lang bunso, treat kita later, meron lang akong kakakitain eh." Sagot niya naman
Nang makapasok kami ay pina upo muna ako ni kuya at sinabing antayin ko raw siya.
"Kuya, alam mo namang I'm not used to this kind of place, diba?" Nagaalala kong sabi sa kanya
"I know bunso, this is just so urgent. Sorry, promise I'll treat you later. Pizza? Ice cream? I'll give any food you want." Pangungumbinsi niya naman
"Ginawa mo naman akong baboy eh. Fine fine whatever. Bakit di mo nalang kasi ako isama sayo?" Tanong ko
"Eh, private matter." Nag aalangan niyang sagot
"Haay, kuya, just make sure na wala kang kabulastugang ginagawa dahil isusumbong talaga kita kanila daddy." Sermon ko dito
"Yes bunso, wala, promise. So, punta na ako. Wait for me here. Wag na wag kang aalis dito, okay?" Bilin niya
"Sige na sige na. Hurry up!" Sagot ko naman at kaagad din naman siyang umalis.
Napakalaki nitong bar na to, 3rd floor at napakaraming tao.
Maya maya pa habang kinakalikot ko ang cellphone ko ay may napansin akong umupo sa harapan ko.
"Uhm, hi! Are you alone?" Tanong nung lalake
Pagtingin ko rito, parang matanda siya sa akin ng dalawa o tatlong taon. Medyo malaki rin ang katawan at lalakeng lalake ang dating.
"A-ah n-no." Kinakabahan kong sabi.
"So, saan ang mga kasama mo?" Tanong nito. Sasagot na sana ako nang magtanong ito ulit.
"Can you join me for a drink? Nagiisa lang rin ako eh." Tanong nito
"A-ah sorry but I don't drink." Sagot ko
Natawa lamang ito at lumipat sa tabi ko at inakbayan ako na ikinatindig naman ng balahibo ko sa sobrang kaba.
"Come on, just try it. You know, the firsts are unforgettable. Atsaka ang sarap kaya." Pangungumbinsi nito.
"Uhm, could you get your hands off of me? Please?" Nagaalala kong sabi sa kanya at pilit na inaalis ang kamay niya sa balikat ko
"Ano ka ba, ayaw mo pa, ako na to ang lumalapit sayo, pakipot ka pa. Huwag kang mag alala, papaligayahin ko ang gabi mo." Sagot naman niya habang sout ang pilyong ngiti nito
"Ku-kuya meron po akong ka-kasama. Please po, layuan niyo na ako. I-I don't feel comfortable." Niiyak kong pagmamakaawa dito habang pilit na tinatanggal ang kamay kamay nito sa akin
"Bakit? Let's have some fun first. Natatakot ka ba? Bakit nandito ba ang jowa mo?" Tanong niya
"OO!" Nagulat na lamang ako nang may marinig akong sumagot sa likuran namin.
Doon ko lamang ito nakilala nang lingunin namin ito. Si Zach. Galit na galit ang aura niya.
"Get that filthy hands off of him." Madiin niyang sabi.
Kaagad din naman nitong tinaggal ang mga kamay sa akin. "Relax bro, nakikipagkilala lang ako dito sa jowa mo? Magshuta kayo? Haha! Mukhang first time dito eh. Masyado ka naman atang posse-" Parang nang aasar na sabi nito kay Zach.
Di na nito natapos ang sasabihin ng bigla siyang kinuwelyuhan ni Zach. Makikita ang sobrang galit sa mukha niya dahil sobra niyang pamumula.
"Listen asshole! Lumayo layo ka sa boyfriend ko kung ayaw mong basagin ko yang bungo mo dito mismo!" Galit na sabi nito.
Natakot rin naman ito dahil na rin siguro sa sobrang galit ni Zach na parang anytime babasagin niya na talaga ang mukha nung lalake kaya umalis na rin ito.
Nang lumingon si Zach sa kinaroroonan ko ay bigla na lamang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
Napalitan ng pag aalala.
Ewan ko pero naiiyak ako nang papalapit siya sa akin.
Siya nalang parati ang nakakaligtas sa akin. Oo na ako na ang marupok. Ugh!
Nang makalapit si Zach ay di ko napigilan ang sarili at tuluyan nang bumuhos ang luha ko.
"Ssshh, I'm already here. You're safe now." Pagpapatahan niya sa akin. Bigla ko tuloy naalala nung sinagip rin niya ako mula sa mga tambay.
"Anong ginagawa mo dito?" Umiiyak kong tanong sa kanya.
"Nagkita kita lang kami ng mga classmates ko noong elementary, umuwi kasi yung isa kong classmate dati galing Canada. Teka lang, diba dapat ako ang nagtatanong sayo nito?" Balik niyang tanong habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Sino ba kasi nagdala sayo dito?" Tanong niya ng biglang dumating si Kuya KZ
"Why are you with him bunso?" Nagtatakang tanong ni kuya KZ
"Hoy, ikaw anong ginagawa mo sa kapatid ko ha?" Maangas na tanong ni kuya
"Kuya, ano ba, niligtas nga niya ako eh." Pag saway ko kay kuya KZ
"A-ah, kuya KZ, ikaw po ba nagdala kay Kean dito?" Malumanay na tanong ni Zach
"Oo. At bakit?" Sagot naman ni kuya
"Ah kuya, alam kong sasabihin niyo na wala akong karapatan para sabihin to pero, sana huwag niyo na pong dalhin sa lugar na katulad nito si Kean, alam ko pong di siya sanay sa lugar na tulad nito. Kanina muntik na po siyang mapahamak. Sana po hindi na po ito mangyari ulit, dahil hindi ko po kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya. Ingatan niyo po sana siya palagi." Mahabang litanya ni Zach na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko.
Natigilan naman si kuya sa sinabi ni Zach. Mukhang na guilty ata siya sa ginawa niya at napagtanto ang kanyang kamalian.
"Pano po kuya KZ, mauna na po ako sa inyo. Kean, take care always." Pagpapaalam nito at umalis na.
Nang nasa sasakyan na kami pauwi ni kuya ay wala siyang tigil sa paghingi ng sorry sa akin.
"Bunso, sorry talaga. Patawarin mo si kuya. Nako pag nalaman ito nila mommy at daddy siguradong grounded na naman ako." Sabi niya
"Ano ka ba kuya, okay na nga ako. Ang hiling ko lang sayo, sana makipagbati ka na kay Zach." Sabi ko naman sa kanya
"You know what, you're right bunso. Maybe I should. Kanina, nakita ko sa kanya kung gaano siya ka seryoso sa mga sinasabi niya. At wala nang patutunguhan kung magagalit pa ako sa kanya. Wala na rin naman na siyang kailangan pang patunayan.
"After all the shit he has done, he really still loves you."
VOTE • COMMENT • SHARE

BINABASA MO ANG
Winning Him Back (boyxboy)
Genç Kurgu"Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together." ~ Colleen Hoover