"Kuya where are we going?" Tanong ko kay Kuya KP dahil napansin kong iba na ang dinadaanan namin. Siya na kasi ang kasabay kong umuwi.
"Babawi nga ako sa ginawa ko sayo kanina bunso." Sagot naman niya habang deretso ang tingin sa daan.
"Kuya, how many times do I have to tell you na wala yun, oo nagtampo ako nung una pero yun lang ba ikakagalit ko sayo? I'm matured enough kuya, alam ko kung ano ang dapat at di ko dapat ikagalit."Mahabang paliwanag ko naman dito."
"Okay, let's just say na hindi na ito tungkol doon sa nangyari. Let's just say that we will have our brothers' day out." Nakangiti niyang sabi.
"What do you mean?" Nagtataka ko namang tanong.
"Inaantay na tayo nila kuya sa Star City. We'll have our bonding daw kasi hindi na tayo nagkakasamang magkakapatid." Nakangiting sagot ni kuya. Bigla naman akong na excite sa narinig ko.
"Really kuya? Paano sila mommy and daddy?"
"Sabi ni mommy, tayo na lang daw muna, alam mo naman yun na ayaw niya sa mga rides. At tsaka, mag oovertime daw siya ngayon sa duty niya. And si daddy, he can't also make it today, pero babawi daw siya sa linggo." Sagot naman niya.
Nang makarating kami ay sinalubong naman kami ng iba pa naming mga kapatid sa may entrance.
"Atlast! Dumating rin kayo. We've been waiting here for years!" Sabi ni kuya KZ
"You're overreacting dude. Atsaka medyo matraffic." Sagot naman ni kuya KP
"Are you ready bunso? Alam kong namiss mo tong lugar na to." Sabi naman ni kuya Cyan
"Of course kuya. Ang huling punta ko ata dito, noong grade 6 pa ako." Sagot ko naman.
"By the way, where's kuya arch?" Tanong ko
"Ayun nakapila, siya na daw bibili ng tickets." Sagot naman ni kuya KZ
Maya maya pa ay nakabili na kami ng ticket at nakapasok na sa loob.
"Sooo, anong una nating sasakyan?" Tanong ni kuya Arch
"Ikaw bunso, saan mo gusto?" Tanong ni kuya Cyan
"Doon tayo sa Surf Dance kuya!" Excited kong sabi.
"Let's go!" Sabay sa sabay naming sigaw at pinuntahan na ang ride.
"Sure ba kayo dito? Kayo nalang muna sumakay." Nagaalalang tanong ni kuya KP.
"Bakit? Wag mong sabihin natatakot ka?" Panunukso naman ni Kuya KZ sa kanya
"Of course not. I-its just that..."
"Oh hindi naman pala eh. Kaya tara na kuya. Tsk. Akala ko pa naman babawi ka sa akin ngayon." Tampu tampuhan kong sabi sa kanya
"Fine fine, for you bunso, sasakay ako." Sagot niya.
Nang matapos ang unang mga sumakay ay sumakay na rin kami.
"Kuya arch, dyan ako sa gilid uupo please?" Pakiusap ko dito.
"No bunso, dito ka sa gitna namin ni kuya cy mo." Sagot naman ni kuya arch
"Pero kuya mas maganda pag sa gilid eh."
"Bunso, makinig ka nalang kay kuya okay? Mas safe ka pag dito ka sa gitna namin. Atska ang liit mo pa naman, baka lumusot ka jan at mahulog. Tingnan mo nga si kuya KP mo oh, sa gitna agad umupo. Haha!" Natatawang sabi naman ni kuya Cy.
"Fine kuya." Pagsuko ko at pumwesto na sa pag upo.
Habang umaandar ang ride ay sigaw lang kami ng sigaw, lalo na pag nasa taas na. Matapos naming sumakay sa surf dance ay sumakay pa kami sa ibang rides tulad ng Star flyer, ferris wheel, vikings at iba pa. Mga bandang 6:00 ng gabi ay napag desisyunan na naming kumain.
BINABASA MO ANG
Winning Him Back (boyxboy)
Novela Juvenil"Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together." ~ Colleen Hoover