Nagising ako na masakit at nanilalamig ang buong katawan ko.
Pag lingon ko sa tabi ko, nandoon si Zach, nakaupong natutulog sa tabi ng higaan ko habang nakapatong ang ulo niya sa kamay ko.
Nang matanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya ay naalimpungatan naman ito at agad na nataranta ng makitang gising na ako.
"Kean, you're awake. Thank God. Masama pa ba pakiramdam mo? You want water? Gutom ka ba?" Natatarantang sabi niya habang kinakapa ang noo ko.
"Fvck this is all my fault. Kung hindi dahil sa akin hindi sana ito nangyayari sa iyo ngayon." Paninisi niya sa sarili.
Napangiti na lamang ako. After all, he's still the old Zach that I used to know. Yung tipong maangas lang sa labas pero maalahanin din.
Alam ko naman hindi rin niya alam yung nangyari kahapon. Naipaliwanang na rin naman niya yung side niya. So I guess it's not bad if I give him a chance at all. At tsaka ayaw ko na ring palakakihin pa ang gulo, na hindi ko naman talaga matatawag na gulo in the first place. After all, we're matured enough to understand the situation.
"Thank you Zach." Mahinang sabi ko sa kanya suot ang pilit na ngiti dahil na rin sa karamdaman ko ngayon.
"Kean, Im very sorry. Hindi ko talaga alam na pupunta rin sila kahapon doon. Sorry kung naiwan kita. Sorry kung pinag antay kita. Sorry sorry sorry." Naiiyak na niyang pagpapaumanhin
"Zach. Okay lang. Parehas lang naman nating hindi gusto ang nangyari eh. Mas mabuti pa sigurong pabayaan nalang natin." Sagot ko naman
"Don't worry. Babawi ako sayo." Sabi nito at hinalikan ang kamay ko.
Napangiti na lamang ako ng malamlam.
"Teka lang, I know you're already hungry. Kaya ka ata nawalan ng malay kanina dahil na rin sa lagnat at sobrang gutom. Ikukuha kita ng pagkain. Nasa baba na rin ang mga kuya mo. Papuntahin ko nalang muna dito." Sabi niya naman
Tumango nalang ako at lumabas na siya ng kwarto ko. Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto ko at pumasok na sila. Ang mga kapatid ko.
"Bunso, how are you feeling now?" Tanong ni kuya Arch at lumapit sila sa akin
"Medyo mainit pa ako pero hindi na rin naman ganun kasama yung pakiramdam ko kuya." Sagot ko
"That's good. Don't forget to take your medicine on time, okay?" Pagpapaalala naman ni Kuya Cy
"You know what bunso, mas napabilib ako diyan kay Zach kanina." Sabat naman ni kuya KP
Agad naman akong nagtaka sa sinabi niya.
"And why?" Takang tanong ko dito
"Kanina kasi, agad siyang tumawag sa amin, tarantang taranta kaya nataranta na rin kami. Sabi niya ang taas taas daw ng lagnat mo kaya agad na rin kaming umuwi ng malaman namin. Pag dating namin, kaagad niya kaming sinalubong at tinanong naman namin siya kung bakit nangyari to sayo. Nagpaliwanag rin naman siya. Alam mo bang, hingi siya ng hingi ng sorry sa amin kanina?" Sagot ni kuya KP
"Hindi rin naman namin magawang magalit dahil nakikita naman naming hindi niya rin ginusto yung nangyari at nagsisisi na rin naman siya." Pagsabat naman ni kuya KZ
"At ito pa, umiiyak siya kanina habang nagpapaliwanang sa amin. Kaya mas napatunayan naming seryoso talaga siya sayo." Dagdag pa ni kuya KZ
"Siya rin nag asikaso sayo." Kuya Cy
"At nagbihis sayo." Dagdag ni Kuya KP. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa kahihiyan ng marinig iyon.
"Yes bunso. Pagdatig kasi namin, nasa kwarto mo na ikaw. At tsaka siya na nagbantay sayo hanggang sa nagising ka." Ani kuya Arch
Naputol na lamang ang paguusap namin ng kumatok na si Zach.
"Ah, kuya Arch, ako na lang po ang magpapakain kay Kean. Naghanda na rin po ako doon ng makakain niyo sa kusina. Mainit pa po yun." Sabi nito
"Oh thanks! So bunso, baba muna kami. Kumain ng marami okay? By the way, parating na rin sila mommy and daddy." Paalala ni Kuya Cy at isa isa naman nila akong hinalikan sa noo at pisngi at tuluyan ng nilisan ang kwarto ko.
"Ah, ito sabaw Kean. Mainit pa to. Ako na magsusubo sayo."
"Ah, hindi ba masyado na ata akong nakakaabala-
"Hshhhh, hindi ka nakakaabala, okay? At tsaka kasalanan ko kung bakit ka may lagnat ngayon and I will do everything to take care of you. So don't feel bothered okay?" Sagot nito.
Napatango na lamang ako sa kanya.
Pagkatapos niya akong pakainin ay kaagad na rin niyang niligpit ang pinagkainan ko.
"A-ah pwede ba akong tumabi sayo?" Tanong nito
Tumango naman ako sa kanya
"Here, thermometer." Malambing niyang sabi sa akin at nilaya ito sa kilikili ko. Nang tumunog na ito, ay kaagad na rin niya itong tinanggal at sinuri ito.
"Hindi na masyadong mataas lagnat mo." Nakangiti niyang sabi sa akin. Ginantihan ko na rin naman siya ng ngiti.
"Can I hug you?" Tanong nito, pero di pa ako nakakasagot ay niyakap na niya ako
"A-ah Kean, sorry ulit ha." Sabi nito
Kaagad naman akong humarap sa kanya.
"Ang kulit. Sabi ko diba, okay na." Nakangiti kong tugon sa kanya
Napangiti na rin naman siya.
"I love you boobear." Sambit nito
"Can you wait until I already have the strength to respond to that Zach?" Tanong ko sa kanya
"I'll be willing to wait Kean. Even if it will take forever." Sagot niya naman
"That forever is near Zach."
VOTE • COMMENT • SHARE
BINABASA MO ANG
Winning Him Back (boyxboy)
Fiksi Remaja"Sometimes, two people have to fall apart to realize how much they need to fall back together." ~ Colleen Hoover