All These Maybe's
By: Kier AndreiAUTHOR’S NOTE: So here’s a new one. Sorry at medyo naging busy. Ang hirap maghanap ng bagong anggulo ng kwento eh. I hope you enjoy this one too. Baka po mas matatagalan na naman bago ako makapagsulat. Honestly, reading your comments and e-mails makes me want to write more. I didn’t expect the LGBT community to be as receptive as this when it comes to the things I write. Pero gaya po ng paulit-ulit kong ssinasabi, WALANG FOREVER, Lifetime lang. :-)
Thank you guys for always being nice to me.
“Please… Come back to me…”
Hindi ko na naituloy ang pagpasok sa loob ng private room na iyon sa hospital kung saan ako nagtratrabaho bilang isang nurse nang marinig ko ang boses ni Kurt. Bigla kasi ay nanghina ang tuhod ko ng wala sa oras. Nagsimula na ding manginig ang kamay kong nakahawak sa seradura ng pintuan. Bago ko pa man namalayan, umagos na ang luha ko. Kung hindi pa siguro iyon tumulo sa kamay kong nakahawak pa rin sa seradura ay hindi ko talaga mapapansin.
Dahan-dahan kong hinila pasara ang pinto at tumitig lamang doon. Pinigilan ko ang sarili kong mapahagulgol. Naka-duty pa rin ako ng mga oras na iyon at siguradong tatanungin ako ng head nurse namin kung sakaling makita niyang namumula ang mga mata ko, iyon pa kayang bigla akong humagulgol sa hallway.
Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim habang pinipilit kalmahin ang aking sarili. Isang ngiti na din lang ang pinakawalan ko sa nakapinid na pintuan.
“It took you long enough…” Sabi ko kahit alam kong hindi ako naririnig ni Kurt bago naglakad pabalik sa Nurses’ station. Sakto namang nasalubong ko sina Mandy, Ate Kris, at Anne.
Nang makita nila ako ay agad na bumakas ang pag-aala sa mga mukha nila. Ngumiti lang ako sa kanila saka umiling para sabihing huwag na muna silang tumuloy. Sigurado kasi akong sa kwartong iyon din ang punta nila.
“He’s finally here…”Nangingilid ang luhang sabi ni Ate Kris. Halatang-halata sa boses niya ang pinaghalong paggaan ng dibdib at pag-aalala para sa akin. Ngiti lang ulit ang isinagot ko.
Naramdaman ko na namang muli ang pagtulo ng mga luha ko at hindi ko na iyon pinigilan pa. Nang mga oras na yon, wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. I’ve always known that this day would come. Ilang beses ko na nga ding inihanda ang sarili ko para doon pero hindi pa rin pala talaga kaya. Masakit pa rin pala.
“Ang sama-sama ko…” Sabi ko na gumagaralgal ang boses.Iyon naman kasi ang totoo. Kung magpapakatotoo lang ako, sigurado akong isusumpa ako ng tatlong pinakamalalapit na kaibigan kong nakatayo sa harapan ko, na isusumpa ako ni Kurt.
“I wanted him to die…” Dagdag ko pa bago tuluyan nang napahagulgol. Nabitiwan ko pa ang patient record na hawak ko at umalingawngaw ang pagbagsak ng clipboard sa sahig kasabay ng paghagulgol ko. Ni hindi ko magawang tignan silang tatlo sa mata dahil ayaw kong makita ang reaksiyon nila.
Alam ko sa sarili ko na mali. Alam ko sa sarili ko na hindi tama, na hindi dapat ako madamot. Pero hindi ko mapigilan. Tao lang ako. Maramot, makasarili. Pero ang kalahating parte ng pagkatao ko ay gusto akong pagmumurahin na nagawa ko pang isipin iyon, na sabihin ng malakas.
One of our closest friends almost died and there I was wishing that he was dead. Ang sama-sama kong tao.
Lalo akong napahagulgol ng malakas nang bigla akong sugurin ng yakap noong tatlo. Ramdam ko ang pagyugyug ng mga katawan nila sa pag-iyak. Iyon bang pinagsamang saya na sa wakas, nahanapan din ni Kurt ang bayag niya para puntahan si Kuya Rafael and in the process, ako naman ang iwanan niya nang tuluyan. He finally made a choice, and as I have expected, kapag umabot sa puntong iyon, hindi ako ang pipiliin niya.