Chasing Sunsets

223 4 0
                                    

Chasing Sunsets

By: Kier Andrei

Author's Note: Happy New Year to everyone! This is kind of embarrassing but I'm about to take back what I said that Indigo Chapters would be the last one I'd write for this site. I got bored last Christmas vacation and checked the comments for the last story I submitted at nanaba ang puso ko sa mga komento, so I decided that if I get some free time, I'd write some stories for this site again. And since work doesn't start for a few more days, here's one.

This is my thank you for all the good and bad things na pinag-aksayahan niyong ilagay sa comment section.

Nais ko ring pasalamatan ang kaibigan kong si Kevin (his real name, and he's grinning from ear to ear behind me as I'm writing this) sa walang habas niyang pagdi-detalye ng kanyang sex-life para lamang malagyan ko man lang daw ng konting libog ang mga kwentong ito. Sa kanya din po galing ang linyang, "Bakla lang ako, hindi pokpok!" na kasama sa kwento. Please don't hesitate to comment, makabasag pagkatao man iyan o nakakataba ng puso.

********************

"Bakit ba kasi taeng-tae kang magka-boyfriend? Neil, naman! Kung titi lang ang habol mo," Kinuha ni Tristan ang kamay ko at ipinatong sa harapan niya.

"Ayan, magpakasasa ka!"

Iniangat ko ang tingin ko mula sa librong aking binabasa at saka tinignan ang kamay kong nakapatong sa bukol niya bago umakyat ang aking mga mata sa mukha niya.

Halatang-halata ang iritasyon sa mukha ni Tristan. Salubong na ang may kakapalan niyang kilay at gaguhit na lang ang singkit niyang mga mata. Namumula na din ang pisngi at ilong niya sa inis. Maging ang mapupula niyang labi ay isang manipis na linya na lang.

Binalingan ko si Chelsea na nakaupo sa sofa na nasa likuran ni Tristan. Pigil na pigil ang tawa nitong nakatingin sa eksena sa kanyang harapan.

There we were in front of her, my hand on her boyfriend's crotch, and she was just sitting there, trying so hard not to burst out laughing.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mukha ni Tristan bago ako nagsalita.

"You're offering your body, to me, in front of your girlfriend, while you have my hand on your crotch." Monotone kong sabi. Hindi ko kasi alam kung paano ba ako magre-react lalo pa nga at nararamdaman kong unti-unting lumalaki ang nasa loob ng pantalon niya.

Tinaasan ko siya nang kilay nang maramdaman kong pumintig iyon. Saka pa lamang niya binitawan ang kamay ko. Patay-malisya ko iyong binawi at saka ipinatong sa librong akong binabasa habang pinaglalabanan ang pag-iinit ng aking mukha.

"Okay lang 'yan, kapatid. Share-share! Saka nag-e-enjoy ako sa live show. Ituloy niyo lang." Bulalas ni Chelsea at saka niya tuluyang pinakawalan ang kanina pa kinikimkim na tawa.

"Kaloka! Nagwala ang matres ko sa eksena! Gora na, kapatid! Pretend I'm not here." Dagdag pa niya. Ngani-ngani ko nang inihampas sa kanilang dalawa ang hawak kong libro.

Best friend ko si Tristan simula pa high school. Pareho kasi kaming nakapasok sa Philippine Science High School Main Campus sa Diliman.

Taga-Pampanga talaga ang pamilya nila samantalang ako naman ay ipinanganak at nagka-isip na sa Maynila. Imbes na magdormitoryo katulad ng iba naming kaklase, sa bahay namin sa North Fairview siya tumira. College friends kasi ang mama ko at si Nanay Nita, ang mama ni Tristan. At dahil pareho naman kami ng paaralang papasukan, minabuti na nilang sa amin na lang siya tumira.

Nag-iisang anak ni Nanay Nita si Tristan sa una niyang asawa. Namatay kasi sa isang aksidente ang papa ni Tristan noong pitong taon pa lamang kami. Nagkataon pa na hindi niya kasundo ang bagong asawa ni Nanay Nita kaya nang sabihin ni Tristan na gusto niyang sa Maynila mag-aral ng high school ay pumayag na lang si Nanay Nita. Nagkataon naman na pareho kaming pumasa sa Pisay kaya ganoon nga ang naging arrangement namin.

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon