You Again
By: Kier Andrei
This is a work of fiction. Any resemblance to real events or people are merely coincidental.
Hi! A friend of mine gave me a dare, magsulat daw ako ng isang gay love story. Akala ko noong una, biro lang pero sabi niya kasi, kapag nagawa kong makatapos ng isa na magugustuhan niya, may premyo daw akong trip to Palawan. Hindi nga lang ako sure kung tutuparin niya.
Nasanay na kasi siya na nagsusulat ako ng mga kwento pero ni minsan, hindi ko pa nagawang magsulat ng gay themed. This is going to be my first ever gay love story.
Nang ma-i-send ko sa kanya, he gave me this e-mail address and your blog collection of gay stories. Hindi man ako sanay na magbasa ng ganitong uri ng literatura, nakakatuwa naman iyong iba dahil talagang pinag-isipan. Madalas pa yata ay hango sa tunay na buhay.
This story I have written isn't a true story though. Talagang gawa-gawa lang. Pagpasensiyahan na lang po lalo na iyong love scene dahil wala po talaga akong experience when it comes to this kind of relationships. I do hope you like it though. I had fun writing the whole thing kahit medyo nakaka-awkward at times. :-)
Lahat naman siguro ng tao, nangangarap na darating iyong pagkakataon na matatagpuan nila iyong taong mamahalin nila at magmamahal din sa kanila. Mahilig man sa fairy tales at happily ever after o di kaya iyong tipong mas mapait pa sa ampalaya sa sobrang pagiging bitter, umaasam pa rin na darating iyong pagkakataon na makakahanap din sila ng taong makakasama nila habang-buhay.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat. Kasi ang buhay ko, parang mga shorts stories lang talaga, madalas pa, ending lang, walang kasamang happy kapag nagtatapos.
Una pa lang naman, aminado na ako na bisexual ako, pwede sa babae, pwede sa lalaki, tipong parang blue corner lang, unisex kumbaga. Basta may nagustuhan, walang pakialam kung lalaki man o babae. Kasi para sa akin, hindi mo naman mapipigilan iyon eh. Mapapansin mo na lang, hulog ka na pala. Pero hindi ko din naman masasabi na mas madalas akong magkagusto sa kapwa ko, kasi minsan, depende din lang talaga sa mood. Idagdag pang may pagkatarantado talaga ako.
Ako nga pala si Alvin, at palayaw ko talaga iyan. Twenty-eight na ako ngayon. Hindi naman ako ambisyoso para sa bihing sobrang gwapo ako pero hindi naman ako panget. Moreno ako at may katangkaran sa height kong five-nine. Hindi ko din sasabihing maskulado ako dahil totoo namang hindi. May kapayatan pero may laman. Parang high school students lang, ganun. Hanggang sa ngayon nga, kinukuhanan pa rin ako ng ID sa 7-11 kapag bumibili ako ng yosi. Minsan pa, ayaw nilang maniwala na ako iyong nasa-voter's ID na ibinibigay ko.
May katangusan ang ilong ko, at madalas na napagkakamalan akong may lahing Pakistani, kahit wala naman. May lahing Espanyol ang tatay ko pero mukhang tangkad lang ang nakuha ko sa kanila dahil ang kulay ko, Pilipinong-pilipino talaga. Dahil maiitim, hindi talaga mapula ang labi ko, tapos nagyoyosi pa ako pero sabi naman nila, mukhang masarap pa din namang halikan. Hindi ko nga lang alam kung totoo dahil hindi ko na naman nahahalikan ang sarili ko. Pero ang pinaka-nagugustuhan daw nila sa akin eh ang mga mata ko. Mukha daw kasing laging iiyak at para daw ang lalim lagi ng iniisip.
Kahit papaano naman, medyo nangungulekta din ako ng mga naglalandi sa akin, babae man o lalaki. Pero hanggang ganoon lang. Landi-landi lang kumbaga, pero walang seryosohan. Hindi pa naman kasi stable ang trabaho ko ngayon kaya ayaw kong magseryoso lalo at wala pa akong maipapakain sa kung sino man ang minalas na makakatuluyan ko.
Eighteen ako noong una akong talagang magkagusto sa kapwa lalaki. Dati kasi, naguwaguwapuhan lang ako pero hanggang doon lang. Wala akong ginagawa. Tipong may dumaan eh magsasabi lang ng, "Ang gwapo naman noon," pagtapos eh wala na. Crush lang kung crush pero hanggang doon lang talaga. Kahit pa nga naging kaibigan ko iyong ibang naging crush ko, parang wala pa rin lang sa akin.