The Perfect Ending

188 3 0
                                    

The Perfect Ending

By: Kier Andrei

Author's Note: Hi, again! After re-reading Chasing Sunsets, saka ko lang na-realize na mas naging malaking parte noong kwento iyong mismong struggle ni Neil kesa sa mismong love story nila ni Derek. Kaya pagkatapos noon, nag-isip agad ako ng pwedeng isulat na pambawi kumbaga. So here it is. I hope you guys enjoy reading this one too. If you have any suggestions for a story, just put it on the comments below. To the moderators of this site, maraming-maraming salamat po sa pagbibigay ng espasyo sa mga pagkahaba-habang kwentong isinusulat ko.

"Nah! It can't be me. I wouldn't have the patience to wait for you to finally change your mind and fight for me."

Pagkatapos bitawan ang mga salitang iyon ay parang balewalang ibinalik na ni Jacob ang atensiyon sa monitor ng kanyang laptop. Napalingon pa ako sa paligid para tignan kung may nakikinig sa amin. Sigurado kasi akong kung may taong nakarinig sa naging palitan namin sa loob ng coffee shop na iyon, nag-iisip na ng kakaiba.

Binungaran ba naman kasi ako ng linyang, "I'm writing your gay love story," kaninang pagdating ko sabay tanong kung sino daw ba ang pwede kong maging kapareha sa kanyang ginagawa.

Hindi na ako nabibigla sa mga ganoong eksena lalo na pagdating kay Jacob. Ganun naman kasi siya talaga kapag may naisip na sulatin. Madalas kasi, inia-angkla niya ang mga sinusulat niya sa mga tao sa paligid niya. Noong huli nga siyang makunbinsi ng kaibigan naming si Patrick na magsulat ng ganoong uri ng kwento ay ang barkada naming sina Julius at Daniel ang ginawan niya ng gay love story na ikinatuwa ng mga girlfriend ng mga huli. At ngayon naman, ako ang gusto niyang maging topic.

"You need someone who would force you to come out of your shell and make you see just what a big hypocrite you are." Iyan ang linya niya sa akin kanina. Ako naman si loko-loko, sabi kong baka siya na iyon kaya ako nasabihan ng isang mahabang version ng hindi.

Ganoon siya kapag nagsusulat, mapa-normal na prosa man iyon na siya niyang hanapbuhay o iyong mga paminsang-minsang short gay love story na ipinapagawa sa kanya ni Patrick para sa gay magazine kung saan ito nagtratrabaho bilang assistant editor.

"How can you even write something like that?" Tanong ko pa sa kanya noon. Hindi naman kasi siya bading sa pagkakakilala ko.

"Love doesn't care if you have a dick or a pussy." Iyon ang maikli niyang sagot. At kahit taliwas iyon sa paniniwala ko, tinanggap ko na lang. Kapag kasi magkukumento pa ako, isa lang naman ang isasagot niya, na ipokrito lang daw talaga ako.

Napangiti na lamang ako at naupo sa harap niya at hinayaan siya sa kanyang ginagawa. Hindi naman nagtagal ay dumating sa lamesa namin ang inorder kong kape bago ko siya nilapitan kanina. Ni hindi man lang nag-angat ng tingin si Jacob mula sa sinusulat niya.

"Do you think you'd ever fall in love with a guy?" Tanong ko kay Jacob maya-maya.

"I'm not sure," Sagot lang niya na hindi man lang tumigil sa pagtipa sa keyboard ng kanyang laptop.

"If it happens, then it happens. Hindi ako magsasalita ng patapos dahil ayokong kainin ang salita ko in the end. I don't care much anyway. As long as magiging masaya ako kapag nagkataon."

Napangiti uli ako. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit kahit magkaibang-magkaiba kami ng paniniwala ni Jacob ay naging malapit ako sa kanya. He was open to things that I don't even have the courage to consider. Hindi din niya binibigyang halaga ang anumang sabihin ng ibang tao. Makikinig siya, oo, pero gagawin pa rin niya kung ano sa tingin niya ay tama.

Jacob is stubborn and strong-willed and dances to his own beat. Hanggat sa wala naman siyang napeperwisyo sa kung paano niya patakbuhin ang buhay niya, wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Sabi nga niya, hindi niya responsibilidad na pasayahin ang ibang tao in exchange of his own happiness.

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon