When the Stars Fall Down (Part 2)

192 1 0
                                    

When the Stars Fall Down (Part 2)

By: Kier Andrei

"So... What do you guys want?"

"True love." sabay pang sagot nina Philippe at Joshua sa tanong ko. Nagkatinginan pa sila at sabay uling napabuntong-hininga. Napaka-depressing lang nilang tignan nang mga oras na iyon.

"I'm supposed to be the token gay guy in this trio but the two of you sounded even gayer than me." natatawa ko na lang na sabi bago tinawag iyong waiter at saka umorder ng isang bucket ng beer at saka isang order ng sisig. Nagpadagdag lang ng chicharong bulaklak si Joshua bago kami iniwan noong waiter.

It's been almost fifteen years simula noong maghiwahiwalay kami pagkatapos ng aming high school graduation. Sa Cebu na kasi nag-kolehiyo si Philippe dahil doon nadestino ang papa niyang pulis. Si Joshua naman ay sa state university na katabi lang ng St. Jerome nag-aral. Ako naman, dahil nakapasa sa Ateneo, ay lumuwas ng Maynila. Mabuti na nga lang at ginawa akong scholar ng congressman ng bayan namin dahil kung hindi, baka ni tumapak ng kolehiyo ay hindi ko nagawa.

Hindi ganoon kadalas ang naging komunikasyon namin pagkatapos ng high school kung tutuusin. Idagdag pang pagkatapos noong nangyari kay Mike ay ako na rin talaga mismo ang umiwas. Nagkataon lang na noong parepareho na kaming naghahanap ng trabaho ay nagkita-kita kami. At dahil doon, napagkasunduan na namin na magkita-kita kahit paminsan-minsan lang, for old times sake kumbaga. Ang kaso, kaming tatlo din ang madalas na nagkakasama paglipas ng mga taon.

Senior Accountant na si Philippe sa isang kilalang accounting firm sa Makati samantalang si Joshua naman ay isa nang teacher sa isang exclusive school for boys sa QC. Ako naman ay nasa pitong taon na rin na arkitekto sa isang firm sa Pasay.

We've all grown up, ika nga nila, pero kung pakikipagrelasyon din lang ang pag-uusapan, malayong-malayo ang agwat nila sa akin. Not that their relationships were successful anyway pero at least sila, nasubukan nilang makipag-relasyon sa iba.

"I'm starting to think that I should just start dating guys." sabi ni Joshua na bahagyang ikinataas ng kilay ko. Hindi lang ako agad nakasagot dahil dumating na iyong waiter dala iyong beer. Mukhang depress talaga ang mokong dahil tumungga agad.

"What made you think that you'd have better luck with guys?" hindi ko napigilang pambabara. Nabulunan tuloy si Joshua sa iniinom niyang beer. Napahagalpak naman ng tawa si Philippe.

"Sama din talaga ng ugali mo ano?" angil ni Joshua noong makabawi.

"It was a valid question." Diretsang sagot ko pa rin.

Muntik ko nang pagsisihan iyon ng makita ko na lalong lumungkot ang mga mata niya. Namura ko pa ang sarili ko ng wala sa oras.

"We are all in our thirties. We were supposed to know who we are and what we want at this point, have a family, maybe a kid or two. Yet here I am, drinking with a gay guy who'd probably end up alone and lonely for the rest of his life and that guy who slept with my last girlfriend." bigla ay mahabang pagdradrama ni Joshua.

"At ako pa talaga ang masama ang ugali sa lagay na 'yan." Natatawa ko na lang na sabi. Sa mag-iisang dekada na din naman na halos buwan-buwan kaming lumalabas ay nasanay na ako sa kataklesahan ni Joshua.

"Oy! Break na kayo noong nagkakilala kami. Saka malay ko ba namang ex mo 'yun!" depensa naman ni Philippe sa sarili.

"Bakit ba kasi kayo nag-aapura? Wala namang expiration date ang semilya niyo ah." kako na lamang. Sabay pa silang napatingin sa akin.

"Don't you ever get lonely?" tanong sa akin ni Joshua.

"Not enough reason to get married. Not that I can in this country anyway." sagot ko na lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon