Indigo Chapters
By: Kier Andrei
Authors Note: Hi! It's me again. :-) By the time I finished writing this, hindi pa naka-post iyong pangatlong kwentong isinulat ko na "Chances Are", so gusto ko munang pasalamatan lahat ng mga nagtiyagang nagbasa ng "You Again" at "Somewhere Along The Line". I hope you would enjoy "Chances Are" and this story.
This is way longer than the first three. Doble yata ang haba. Sinadya ko iyon dahil ito na rin po ang huling kwento na ipapasa ko para sa site na ito. I have enjoyed writing these stories and I do hope that you enjoyed reading them too.
Muli, maraming-maraming salamat po sa maganda ninyong pagtanggap sa mga sinulat ko. This site has shown me the warmest audience I have ever had when it comes to the things that I write. I really appreciate all of your comments.
To the moderator/s of this site, maraming salamat po sa opportunity. I can only imagine how you feel pagbukas ninyo noong world file nang mga isina-submit ko na pagkahahaba. :-)
Again, maraming salamat. :-)
I didn't proofread this one either so pasensiya na po kung may mga mali-mali.
---------------------------------------------------------------------------------
"Noong umulan ng katangahan sa mundo, nauna ka talaga sa pilahan at may dala ka pang drum, ano?"
Kung nakamamatay lang siguro ang salita ay kanina pa ako nangisay sa lahat ng pinagsasabi ni Kristine. Nagamit na yata niya ang lahat ng murang alam niya sa akin. Mag-iisang oras na niya akong binubungangaan pero mukhang madami talaga siyang dalang bala kaya't hindi pa rin tumitigil. Pakiramdam ko nga, literal na isinulat pa niya ang lahat ng iyon at saka iminemorya bago niya ako pinuntahan.
"Hindi kaya! Naka-swimming trunks ako at nagtampisaw sa baha." Pambabara ko sa kanya na lalo niyang ikinainis. Ni hindi ako nakaimik sa sobrang sakit ng sampal na isinagot niya sa akin. Kung lumakas pa siguro iyon ng konti ay nawalan na ako ng malay.
Wala pang limang talampakan ang taas ni Kristine maliban na lamang kapag nakasunot ng high heels pero isang malaking pagkakamali ang maliitin siya. Kung ano ang iniliit niya ay ganoon din naman kalaki ang personalidad niya.
Siya iyong tipo ng babae na lilingunin ng kahit na sino dahil bukod sa maganda ay sexy din ang katawan. Lalo pa nga at madalas ding daring ang mga damit na suot niya. Huwag mo lang talagang gagalitin dahil hindi siya magdadalawang-isip na umbagin ka na akala mo ay isang tambay sa kanto. Naka-heels pa siya sa lagay na iyon kapag nagkataon.
"What the fuck are you thinking? O baka naman mas magandang tanungin kung nag-iisip ka pa ba?" Aniya habang dinuduro-duro ako. Mahilo-hilo pa ako sa ginawa niyang pagsampal sa akin kaya hindi ako nakasagot.
"James naman! Tinarantado ka na niya at lahat! Tapos ngayon, ikaw pa ang mag-aalaga sa kanya? Anak ng puta naman! Eh kahit si Rizal pagtatawanan na iyang katangahan mo eh!" Patuloy niyang litanya. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko siya hinarap.
"First, don't slap me like that ever again if you don't want me to press charges. Pangalawa, ano bang gusto mong gawin ko? Pabayaan na lang siya?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko na sanang tumayo mula sa sofa kung saan ako naka-upo pero sigurado akong lalo lang kukulo ang dugo ni Kristine.
Malayong mas matangkad ako sa kanya sa taas kong mahigit anim na talampakan at isa sa pinakaayaw niya ay iyong kailangan niyang tingalain ang isang taong sinesermunan niya. Kaya nga kapag ganoong alam kong pupurgahin niya din lang ako ng sermon, uupo na lang ako. Mas maganda na kasi iyon kesa hintayin ko pang sikmuraan niya ako para lang hindi niya ako kailangang tingalain.