Chances Are Few

277 5 1
                                    

Chances Are Few
By: Kier Andrei

Authors Note: Hi, again. Ako na ang nag-enjoy na magsulat para dito. Hahaha Thank you for all the positive and negative feedbacks regarding "You Again" and "Somewhere along the Line." I don't really proofread the things that I write kaya pasensiya na po sa mga grammar lapses at mga spelling mistakes. I'm actually enjoying writing these things for some reason. Again, this is a work of fiction at medyo hinulaan ko lang kung paano iyong industry na isinama ko sa kwento. As usual, this would be a little long, so konting tiyaga lang po sa mga gustong magbasa. I hope you guys enjoy this too just like the first two stories.m Just leave me a comment on the comment boxes if you have something to tell me. Happy reading!
P.S. I didn't proofread this one either. Hahaha.

"Naniniwala ka ba sa forever?"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong beer hindi lang dahil sa pagkabigla kundi na din sa kakornihan ng pick up line na iyon. Nagkanda-samidsamid pa ako at humapdi ang ilong dahil kahit doon ay muntik nang lumabas iyong beer. Halos mapamura sa sobrang hapdi.
"Excuse me?" Iritable kong tanong sabay lingon sa taong nasa likuran ko pagkatapos kong makabawi ng konti. Lalo pa akong nainis dahil para akong may malalang sipon sa tunog ng boses ko.
Madilim sa loob ng bar kaya hindi ko agad nabistahan ang itsura niya pero ang ganda ng pagkakangiti niya sa akin, pantay-pantay ang mapuputing ngipin na bumungad sa akin. Kung hindi lang talaga ako banas ng mga oras na iyon, baka sinuklian ko na din ang pagkakangiti niya. Eh kaso, bad trip ako, kayo talo-talo na muna. May pagkasuplado pa man din ako.
"I'm Derek," Sabi pa ng lalaki sa akin sabay lahad ng kamay, hindi pa rin inaalis ang pagkakangiti. Posible pala iyon, iyong nakangiti ka pa rin kahit nagsasalita.
Pero dahil bad trip, tinignan ko lang ang kamay niya sabay harap muli sa bar. Nangingiti na inabutan ako ng tissue noong bartender, palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
Hindi naman na bago sa akin ang ganoon. Sa awa naman kasi ng Diyos, hindi naman ako ipinanganak na mukhang nasagasaan ng rumaragasang bus ang mukha. Maingat din naman ako sa katawan at dahil na din sa trabaho ko bilang isang creative director sa isang advertising firm, sinisigurado kong maayos akong magdala. Sabi nga noong isang commercial ng facial wash na panlalaki, pogi matters, lalo na sa industriyang ginagalawan ko.
Ang industriya ding kinabibilangan ko ang dahilan kung bakit ako nagdi-gym. Kung ako lang talaga, wala akong pakialam kung mukha akong drug addict o lumba-lumba. Ang kaso, dahil sa madalas na nakakasalamuha ko ay mga modelo na animo ay na-photoshop ang katawan, nauunahan ng insecurities ko ang aking katamarang magpunta ng gym.
Isa pa, its part of the job, sabi nga ng boss ko. Ganoon naman sa industriya kung saan mukha at katawan ang puhunan kahit pa nga sabihing nasa likod lang naman kami ng produksiyon. You always have to look the part.
Saka tama naman ang ibang tao eh, walang nala-love at first sight sa inner beauty dahil hindi naman iyon ang unang nakikita nila. Mababaw mang pakinggan, sa kahit na anong trabaho, mukha mo at katawan mo ang unang makikita. Kaya nga kung may ipagmamalaki ka naman kahit papaano, ibalandra mo na.
Sumenyas ako sa bartender na bigyan ako ng isa pang bote kahit pa nga may natira pa naman sa beer na iniinom ko kanina. Kahit na sabihin kasing sariling laway ko naman iyong naibalik doon, nandidiri ako. Aminado naman ako na may kaartehan talaga ako sa katawan. At dahil kaya ko namang tustusan ang kaartehang iyon, pinagbibigyan ko madalas ang sarili ko.
"Let me pay for that."
Muli akong napalingon sa lalaking nasa likuran ko, naniningkit pa rin ang mata. Nakangiti pa rin siya sa akin, iyong tipong nagpapa-cute. Tinignan ko lang siya ulit ng masama at saka muling humarap sa bar. Sakto namang iniaabot sa akin noong bartender ang bagong bote ng beer. Hindi ko na pinigilan si Derek nang abutan niya ng pera ang bartender.
Tumingin sa akin ang bartender at saka tinaasan ako ng kilay na tipong nagtatanong kung okay lang ba. Tumango na lang ako. Eh sa gusto niyang bayaran iyong beer, ako pa ba ang tatanggi? Nakangiting prinoseso na lamang ng bartender ang bayad.
Umupo sa tabi ko si Derek, nakatingin pa rin sa akin. Hindi ko pa rin siya pinapansin pero hindi talaga umalis. Hinayaan ko na lang. Kung gusto niyang tumitig habang napapanisan ng laway, bahala siya sa buhay niya, sabi ko na lang sa sarili ko.
Maya-maya ay pasimple ko siyang tinignan sa sulok ng aking mga mata. Sa tantiya ko, nasa eighteen o nineteen years old pa lang si Derek. Mukha kasi siyang bata kahit na nga sabihing may katangkaran.
Simpleng round neck muscle shirt na kulay puti lamang ang suot niya na napapatungan ng isang kulay itim na bicker jacket. Dark grey ang suot niyang maong na skinny at saka isang itim na sneakers. Typical na teenager get up, ikanga nila. Kung sa ibang tao lang siguro iyon nakasuot, ni hindi mo bibigyan ng pansin. Pero iba ang dating noon sa kanya. Kung packaging ang pag-uusapan, pasok na siya sa banga.
Hindi naman kasi maitatanggi na may itsura si Derek. Siya iyong tipo ng lalaking pinagpala na kahit anong ipasuot mo, meron at merong mapapalingon kapag siya ang dumaan. Matangos ang ilong, bilugan ang mata, may kakapalan ang kilay na lalong nagbigay ng karakter sa mukha niya, may kanipisan ang labi na kahit sa madilim na ilaw ng bar ay halatang kulay pink.
Kung naging blue lang siguro ang mata niya ay pagkakamalan na talagang siya iyong Louis sa pabebeng boy band na One Direction na kinahuhumalingan ng kapatid kong si Michelle. Lalo pa nga at katulad din ng nasabing entertainer ang ayos ng buhok nito. Iyong tipong magulo pero alam mong ganoon talaga ang ayos. Mukha siyang modelo, iyon ang tumatak sa isip ko.
"Harapin mo na lang kasi ako para hindi ka nahihirapan," Maya-maya ay narinig kong sabi niya. Sinundan pa niya iyon ng tawa. Imbes na patulan ay kinawayan ko ang bartender at saka hiningi ang bill. Agad namang iniabot sa akin iyon.
Naglabas ako ng pera mula sa wallet ko at iniabot ito sa bartender. Ni hindi ko na hinintay ang sukli ko at nagmadali na akong lumabas. Wala ako sa mood na makipaglandian sa kahit na sino. Kaya lang naman ako nagpunta ng bar ay para magpaantok ng kaunti.
Malapit na ako sa kotse ko sa parking lot nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. Paglingon ko sa likuran ko, hindi nga ako nagkamali. Nakangiting nakasunod si Derek. Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad.
Aaminin ko, pumasok sa isip ko na may masama siyang balak sa akin pero hindi ako natakot. Black belt ako sa Judo dahil varsity ako noong college at kahit pa sabihing mas matangkad siya sa akin, mas malaki ang katawan ko sa kanya.
"Hindi mo yata ako narinig kanina. I'm Derek. And you are?" Aniya na nakasunod pa rin sa akin, nasa mood yata talagang mangulit.
"Not Interested." Kako na hindi man lang siya nilingon.
"Ang cute naman ng pangalan mo. So, can I call you Not?" Sabi pa niya na hindi pa rin ako tinitigilan. Napilitan tuloy akong harapin siya.
"How about not calling me at all, totoy?" Tanong ko sa kanya, sadya ang diin sa huling salita. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"I'm 24. Hindi na ako totoy. Tuli na din ako. Gusto mong makita?" Nakangiti lang niyang sabi sa akin, nang-aasar. Isang masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Kung nakamamatay lang siguro ang masamang tingin, kanina pa siya bumulagta. Kaso mukhang hindi effective.
"Again, not interested." Sabi ko na lang. Gusto ko sanang patulan pero medyo umeepekto na ang nainom kong alak. Idagdag pang napagod din ako sa maghapong shoot para sa isang commercial kaya ng mga oras na iyon, gusto ko na lang talagang umuwi. Sakto namang nasa tapat na ako ng kotse ko.
Agad kong inapuhap ang susi ko sa aking bulsa. Nanlaki ang mata ko ng wala akong makapa doon. Akmang babalik na ako sa loob ng bar para tignan doon nang magsalita siya.
"You left this." Sabi ulit ni Derek na naging dahilan ng muli kong paglingon sa kanya. Iniabot niya sa akin ang aking susi. Walang salitang tinanggap ko lang iyon at binuksan ang pinto ng kotse ko. Papasok na sana ako ng bigla niya akong hawakan sa braso at pigilan.
"Wala man lang bang thank you?" Tanong niya.
Napabuntong-hininga muna ako bago ako nagsalita. "Salamat." Matipid kong sabi.
"Not enough, Not." Sabi niya sabay hila sa akin at basta na lamang ako siniil ng halik sa labi. Hindi pa siya nakuntento at talagang pilit pa niyang ipinapasok ang dila niya sa bibig ko. Kung hindi ko pa siguro siya naitulak ay baka nagalugad na niya ang bunganga ko. Imbes na malibugan, nainis lang ako lalo.
"Now that's a thank you." Sabi niya nang nakangiti bago siya nagmamadaling bumalik sa loob ng bar.
Naiwan ako sa parking lot na nakatulala at nakatingin lang sa likod niyang naglalakad. Kumaway pa siya sa akin bago siya tuluyang pumasok ulit doon. Kating-kati akong sundan siya sa loob ng bar para lang bigwasan pero inunahan na ako ng nararamdaman kong antok.
"Nakaisa sa akin ang hayop," sabi ko na lang sa sarili ko na naiiling.
Mabilis na nawala sa isip ko si Derek lalo na at naging abala ako ng mga sumunod na araw. Sunod-sunod kasi ang naging proyekto ng kumpanya lalo na at magpapasko. Isa pa, hindi ko naman kasi inaasahan na magkikita pa kami ulit. Oo nga at talagang may itsura at may dating siya pero sa dinami-dami ng mga modelong nakakasalamuha ko, mas malamang sa hindi na mabura siya agad sa isipan ko. Kung gwapo at gwapo din lang naman kasi ang hanap ko, literal silang nagkalat sa harapan ko lalo na sa trabaho.
Kararating ko lang sa location ng isa na namang shoot para sa isang tv at print commercial nang may mapansin akong isang pamilyar na likod. Hindi ko naman maisip kung sino iyon at dahil sa madami pa akong dapat gawin hindi ko na hinintay na lumingon sa akin iyong tao. Dumiretso na lang ako sa director's tent.
Kapapasok ko pa lang ay gusto ko nang pagsisihan ang desisyong iyon nang madatnan kong naglalambingan sina Alfred at Pete. Pakiramdam ko ay tinadyakan ako ng wala sa oras lalo na nang makita ko silang maghalikan.
Nasabihan na ako ng boss namin na si Pete ang magiging direktor ng tv commercial na iyon samantalang ang kaibigan ko namang si Andrea ang magiging photographer sa print. Dati kong live in partner si Pete na umabot din ng dalawang taon mahigit. Wala namang problema sa akin iyon dahil mahigit isang taon na din naman kaming hiwalay kahit pa nga sabihing hindi naging maganda ang hiwalayang nangyari. Ang sa akin kasi, ang trabaho, trabaho lang, dapat nakahiwalay sa personal na buhay.
Iyon nga lang hindi ko pa rin kasi maiwasang masaktan paminsan-minsan lalo na nga at ang best friend ko pang si Alfred, technically ex-best friend, ang ipinalit niya sa akin. Ang nakakainis pa, minsan kasi ay parang nanadya si Alfred na ipamukha sa akin na sila na.
Nauna naman kasi talagang nagkagusto si Alfred kay Pete. Graphic artist si Alfred sa kumpanya kung saan ako nagtratrabaho at nakilala niya si Pete sa isang shoot. Isang linggo yatang wala itong naging ibang bukambibig kundi si Pete na ikinapurga ko na kung tutuusin. Hindi ko pa man nakikita ay pakiramdam ko kilala ko na iyong tao.
Nataon naman na nakatrabaho ko si Pete sa sumunod na project na hinawakan ko at nagkalapit kami ng dahil na din kay Alfred. Akala ko nga noong una ay sila na kaya nagtaka ako nang biglang magparamdam si Pete sa akin.
Nang magsimulang magparamdam sa akin si Pete, kinausap ko pa si Alfred tungkol doon. Ang sabi niya noon, okay lang dahil wala naman daw siyang magagawa kung ako ang nagugustuhan noong tao. Nalaman ko na lamang na nang malasing siya minsan, pinagmumura daw niya ako at tinawag na ahas. Kung hindi ba naman siya isang-libo't isang plastic.
Malas lang niya dahil noong mga panahong iyon, nahuhulog na din ang loob ko kay Pete. Kaya masabihan nang ahas, pinanindigan ko na lang. Nagi-guilty ako, sa totoo lang dahil alam kong nasaktan ko si Alfred pero ano nga ba namang magagawa ko eh nagmahal lang ako.
Malambing naman kasi talaga si Pete kaya hindi ganoon kahirap ang mahulog sa kanya. Iyon nga lang at talagang may pagkamalandi. Minsan nga ay nasabihan ko siyang ipinaglihi siya sa higad pero tinawanan lang niya ako.
Siya kasi iyong tipo ng tao na kapag may nanlandi sa kanya, nakikipaglandian din siya. Hinahayaan ko naman siya pero isa lang ang kundisyon ko, huwag kay Alfred. Ang kaso, harapharapan pa kung landiin siya ni Alfred, tipong nang-aasar at naghahanap ng away. Aaminin ko, ilang beses ko nang gustong sapakin si Alfred ng dahil doon pero nagpigil ako. Una, kahit paaano, iginagalang ko pa rin kung ano man iyong natira sa pagiging magkaibigan namin. Pangalawa, masaya na ako sa kung anong meron ako.
Ang kaso, minsang mag-away kami ni Pete ng dahil din kay Alfred, nabigyan ng oportunidad ang aking ex-best friend na kalantiriin ang malandi kong boyfriend. Nagpalandi din naman ang hayop at ayun, nahuli ko silang nagkakanaan sa mismong apartment kung saan kami nakatira ni Pete.
Halos sumabog ang utak ko noon sa sobrang galit pero hindi ako nagwala. Ang cheap lang kasi noong ginagago ka na nga, magpapakapalengkero ka pa samantalang pwede mo naman silang patayin ng paulit-ulit sa utak mo.
Halatang hindi nila inaasahan na madadatnan ko sila dahil hindi man lang sila nagsara ng pintuan. Nagkalat pa ang damit nila sa sahig. Maaga lang din naman kasi akong nakauwi mula sa isang out of town na shoot dahil biglang umulan. Ang sabi ko kay Pete, medaling araw na ako darating.
Nakatingin lang ako sa kanila habang parang gigil na gigil na binabayo ni Alfred ang nakatuwad na si Pete sa ibabaw ng kama. Ni hindi man lang nila napansin na nakapasok na ako sa kwarto. Hindi ako nagsalita o gumawa ng kahit na anong esena. Pero nang hindi na ako nakatiis, walang sabi-sabing pinulot ko ang kumot na nasa ibaba na ng kama at saka ikinumot sa kanila.
"Baka kabagin kayo, nakakahiya naman sa inyong dalawa," sabi ko pa. Para silang namatanda na napatingin sa akin pareho.
Walang imik na dumiretso ako sa closet at inilabas mula doon ang isang travelling bag at saka sinimulang ayusin ang mga gamit ko doon. Pinilit kong gawing normal ang mga galaw ko. Iyon bang tipong parang naghahanda lang talaga sa pagbabakasyon, taking my own sweet time. Nang maramdaman kong nakatingin sila sa akin ay muli ko silang hinarap.
"Ituloy niyo lang at baka sumakit pa ang mga puson ninyo, kasalanan ko pa." Sabi ko pa sa kanila bago ko ipinagpatuloy ang pag-imis sa mga gamit ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko kahit na gustong-gusto ko nang magwala.
Nang makuha ko lahat ng damit ko, dumiretso ako sa banyo para kunin ang mga gamit ko doon. Pagbalik ko sa kwarto, pareho na silang nakadamit at nakaupo sa kama, hindi makatingin sa akin.
"Ngayon pa talaga kayo nahiya?" Panunuya ko sa dalawa.
"Una ko siyang minahal, alam mo yan!" Maangas pang sabi ng hayop na si Alfred. Ewan kung talagang kumawala na lang talaga ng tuluyan ang turnilyo ko ng mga oras na iyon pero napahagalpak ako sa tawa. Gusto kong mapamura sa linya niyang iyon.
"Anong akala mo sa sitwasyon natin? Telenovela kaya dapat may ganyang linya?" Dagdag panunuya ko kay Alfred. Nilapitan ko pa silang dalawa at saka hinarap si Alfred. Kitang-kita ang takot sa mga mata nila. Hindi naman iyon kataka-taka dahil sa aming tatlo, ako ang pinakamatangkad at pinakamalaki ang katawan. Kung gugustuhin ko, baka magawa ko pa silang pagbuhulin.
"You can have him. Pero tatandaan mo lang na kung saan mo isinasalaksak iyang titi mo, I've been there. You can never change that. And basing from what I saw earlier, I've been to places you will never even reach." Sabi ko sa kanya sabay tingin sa kanyang harapan na may halong malisya bago ko sila iniwan.
Ilang beses din akong nilapitan ni Pete noon na humihingi ng tawad pero ni minsan hindi ko siya pinansin. Maging sa opisina ay halos araw-arawin niya ako kung dalawin at nakikita iyon ni Alfred na lalong nagpalalim ng galit niya sa akin. Siya pa talaga ang may ganang magalit noon at paringgan ako. Kaya mula sa pagiging best friends, daig pa namin ang Japan at USA noong World War II. Mabuti na nga lamang at hindi kami nagsasama sa trabaho dahil siguradong walang mangyayari.
Sigurado din ako na sinadya niya talagang magpakita sa shoot dahil alam niyang ako ang makakatrabaho ni Pete.
Kung tutuusin, naka-move on naman na ako sa paniniwala ko ng mga oras na iyon. Ni hindi ko sila iniyakan. Expected ko na rin naman kasi iyon. Kailan ba naman nagkaroon ng matinong relasyon ang mga katuld ko di ba? Mas madalas naman kasi talaga na kung hindi perahan ang usapan, sex-sex lang.
Ang mahirap lang talagang tanggapin para sa akin ay iyong nasirang tiwala dahil kahit balibaliktarin ang mundo, pareho ko silang minahal. Sa tingin ko nga, kung hiniling lang siguro noon ni Alfred na huwag kong patulan si Pete, baka pinagbigyan ko pa siya. Relationships don't last, lalo na sa mga katulad kong may alternatibong pamumuhay kaya kung papipiliin, mas bibigyang halaga ko ang pagkakaibigan. Kaso, huli na ang lahat para doon.
Muli na lang akong lumabas at saka naglakad na lamang muna sa beach. Nagse-set up pa din lang naman ang ibang kasamahan namin. Nang mapagod sa paglalakad, naupo na lang ako sa ilalim ng isang puno ng niyog. Nag-text na din ako sa mga PA na tawagan na lang ako kapag kailangan na ako sa set.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang biglang may magsalita sa likuran ko.
"Naniniwala ka ba sa destiny?"
Akala ko pa noong una ay hindi ako ang kinakausap ng kung sino man iyong nagsalita kaya hindi ako lumingon kaya nagulat na lang ako ng may tumabi sa akin. Lalo pa akong nagulat nang makitang si Derek iyon na nakangiti na naman sa akin.
"Hi Not! Na-miss mo ako?" Aniya sabay kindat. Hindi ako agad nakaimik at tinitigan ko lang siya. Ilang beses din akong kumurap para siguraduhing hindi ako namamalikmata.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng makabawi.
"Sabi kasi nila, follow your dreams, kaya ayun, sinundan kita." Sabi pa niya sabay pa-cute. Isang masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya bago ako tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa set. Pakiramdam ko nga, siya ang magiging dahilan ng pagdami ng wrinkles ko sa mukha.
"Bakit ba ang suplado mo?" Narinig kong tanong ni Derek sa akin kaya ako napahinto at muli siyang hinarap.
"Kung hindi pa obvious, totoy, wala akong balak patulan ang mga kakornihan mo. Iyang mga banat mo at pagpapa-cute mo na mas luma pa sa tastas na panty ng lola ko, hindi uubra sa akin. Hindi ako interesado sa iyo. Maliwanag?" Mahaba kong litanya pero ni hindi man lang nawala ang pagkakangiti niya sa akin.
"For now!" Aniya na kitang-kita ang kumpiyansa sa sarili. Sinabayan pa niya iyon ng kindat na talaga namang nagpalakas sa dating niya.
Ang kaso, wrong timing na naman siya. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay na-cute-tan pa ako sa pinaggagagawa niya, nainis lang ako ng mga oras na iyon.
Ganoon din kasi ang ginawang pangungulit sa akin ni Pete noon at dahil kakikita ko pa lamang na nakikipaglambutsingan ang taksil kong ex-boyfriend sa ahas kong ex-best friend, kahit himala ay hindi makakatulong para matuwa ako sa ginagawa niya.
"Totoy, go play with boys your age." Sabi ko sa kanya at akmang tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang ibinaba ang suot niyang shorts kasama ang kanyang underwear. Naeeskandalong napatingin ako sa paligid.
"What the hell are you doing?" Iritado kong tanong sa kanya.
"Totoy ka ng totoy eh. Nakakainsulto na. Sabi ko naman sa iyo, tuli na ako di ba?" Aniya sabay hawak pa sa may kalakihang nakabitin sa harapan niya na tila ba talagang ipinapakita sa akin.
Putakte! Ano yun, paa ng bata? Tanong ko sa sarili ko pero agad ko ding pinilit na alisin sa isip ko. Ilang segundo din na natutok doon ang tingin ko bago ako natauhan.
"God! You're imposible!" Frustrated kong sabi saka ko siya tinalikuran at iniwan. Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko ng mga oras na iyon.
"Malaki lang imposible na agad? Saka hindi ako si God pero kung gusto mo, pwede kitang dalhin sa langit!" Sabi pa niyang tumatawa. Hindi ko na lang siya nilingon. Sa awa ng Diyos, hindi na niya ako sinundan.
Naging abala na ako pagkatapos noon. Ilang na ilang pa nga ako dahil sa wala pala talagang balak umalis si Alfred. Kulang na lang ay kumalong siya kay Pete habang pinag-uusapan namin kung paano ang magiging takbo noong shoot. Ang maganda lang ay hindi siya sumasabat dahil kapag nagkataon, ako mismo ang kakaladkad sa kanya palabas ng directors tent. Magkalantarian sila kung gusto nila basta huwag lang maapektuhan ang trabaho ko dahil ibang usapan na iyon.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni Pete ng bigla kong marinig ang usapan sa likuran namin.
"Tissue." Sabi nang isang boses kaya napalingon ako. Nag-uusap pala ang dalawang PA sa likuran namin.
"Hindi mare. Bimpo na yan. Ang OA eh." Sagot naman noong isa. Pareho silang nakatingin sa monitor na nasa harapan namin ni Pete. Maging ako tuloy ay napatingin na din doon.
"Nope. That's all him." Wala sa sariling nasabi ko sa pagkabigla. Kasama ang dalawa pang modelo ay kitang-kitang nakikipagbiruan si Derek sa isang make up artist na walang ibang suot kundi isang puting bikini brief. Ganoon din naman ang suot noong dalawa dahil iyon naman talaga ang iniendorso pero halatang-halata na lamang si Derek kung umbok ang usapan. Mukha kasing puputok na ang suot nitong brief.
Kung hindi ko pa siguro naramdaman ang mga tingin sa akin ay hindi ko pa lilingunin ang mga tao sa paligid ko. Tutok na tutok na naman kasi ang mga mata ko sa umbok na iyon kahit pa nga nakita ko na in all its naked glory.
"What?" Tanong ko sa kanila na nagpapatay malisya. Tinaasan lang ako ng kilay ni Pete na walang kangiti-ngiti.
"Kilala niyo siya sir?" Tanong noong isang PA.
"Obviously," Punong-puno ng malisyang kumento ni Alfred. Tinignan ko lang siya ng walang emosyon kahit na gusto ko siyang barahin. Iba kasi talaga ang dating ng komento niya eh, may halong panlalait at panghuhusga. Talagang basta mabigyan ng pagkakataon, gagawa at gagawa siya ng paraan para ipahiya ako.
"He flashed me earlier." Sabi ko na wala pa ring kaemo-emosyon.
"Flashed?" Si Pete ang nagtanong, nakabusangot.
"Tinawag ko siyang totoy at para patunayan na hindi na siya bata, ipinakita niya sa akin na tuli na siya." At bago pa man sila makapag-react ay kinuha ko na ang cellphone ko at saka nag-dial para tawagan ang PA naming si Trish na nasa set. Agad naman itong sumagot.
"Trish, change Derek's bikini to the black one because what he is wearing now is totally indecent. Give the other model, the blond one, the grey bikini as well. And then get me some jeans that would fit all three of them, same color." Sabi ko sabay patay ng kuneksiyon bago pa man siya nakasagot. Nakita ko sa monitor na nilapitan ni Trish si Derek at ang isa pang modelo.
"Can you do that?" Tanong sa akin ni Pete.
Tinignan ko muna siya bago ako nagsalita. "I'm the boss. Unless gusto mong paputulan ko ang titi noong modelo para lamang hindi magmukhang porn ad ang commercial na ito, iyon lang ang nakikita kong solusyon."
"We need them in the white bikinis," Angal ni Pete. "Iyon ang nasa story board na na-approve ng kliyente."
"They will be, but with pants, showing as much of the bikini without the porn-ish quality. At huwag mong problemahin ang kliyente. Ako ang bahalang mamrublema doon. After all, that's my job, not yours." May katarayan kong sabi at saka ibinalik ang atensiyon sa story board na tinitignan namin kanina. Hindi na din naman nagkomento si Pete.
Natapos naman ang shoot ng walang problema. At para din matahimik lang si Pete, hinayaan ko siyang kunan pa rin ang orihinal na plano na nakabikini lamang ang tatlo. Hindi ko na iyon pinanood.
Pagkatapos ng TV commercial shoot, agad ko nang ipinasunod ang photoshoot para sa print ad. Parehas din lang naman kasi ng set up. At dahil ang gusto ni Andrea ay katabi lang niya ako habang kumukuha siya, napilitan akong pumunta sa mismong set. Hindi ko alam na nakasunod pala sa akin sina Pete at Alfred.
Agad akong niyakap ni Andrea na kararating-rating din lang. Hinalikan pa niya ako sa labi na normal niyang ginagawa.
"Sorry, babe. Traffic sa Edsa." Sabi niya ng nakangiti.
"Tarantado. Hindi ka dadaan ng EDSA para makarating ng Batangas." Kunwari ay kastigo ko sa kanya na tinawanan lang niya.
Napansin kong nakatingin siya sa likuran ko kaya napatingin na din ako. Napataas na lang ang kilay ko nang makita ko sina Pete at Alfred. Ewan kung anong pumasok sa isip ni Andrea at muli na naman akong kinabig at hinalikan ng madiin. Hindi ko alam kung anong paandar iyon pero hinayaan ko na lang. Ano pa nga bang magagawa ko kung hawak na niya ang ulo ko, di ba?
"Holy shit! You're straight?" Bulalas ng isang boses sa kanan namin na sa hindi ko malamang kadahilanan ay nakilala kong kay Derek.
Kunot ang noong kumalas sa akin at napatingin sa kanya si Andrea. Kaso, naka-bikini brief na ulit na puti si Derek kaya pareho kami ni Andrea na doon sa pagitan ng hita niya humantong ang mga mata. Nakatayo siya sa tabi ng isang makeup artist pero sa amin nakatingin.
"Oh my God! I can see the head!" Wala sa sariling bulalas ni Andea. Nagkatinginan pa kaming dalawa bago sabay na natawa. Si Andrea na ang sumagot kay Derek.
"I can be straight for you, honey." Sabi niya pero halatang nagbibiro sabay tingin ulit sa nakaumbok sa harapan ni Derek. Maging ang crew tuloy ay napatawa ng wala sa oras. Alam naman kasi ng lahat na nandoon na isa siyang lesbiana.
"Sorry, maganda ka pero hindi ako sa iyo interesado." Diretsang sabi ni Derek sabay tingin sa akin. Napataas lang ang kilay ni Andrea pero halatang amused. Pinandilatan ko lang ang bruha nang ako naman ang tinignan nito ng makahulugan.
"Hoy, Not! Huwag mo nga akong kinakaliwa. Akin ka lang!" Sabi pa niya bago siya lumapit sa akin at saka ako biglang hinalikan. Hindi ako agad naka-react dahil hindi ko iyon inaasahan.
"See? He's mine." Sabi pa niya bago parang batang nagmamadaling lumayo sa akin.
Nakatulalang napasunod lang ako sa kanya ng tingin. Nag-peace sign pa siya sa akin bago niya muling nilapitan ang make-up artist na katabi niya kanina para maituloy ang pag-aayos nito sa kanya. Pagbaling ko ng tingin kay Andrea ay isang makahulugang ngiti ang ibinungad niya sa akin.
"Mahabang kwento." Sabi ko na lang kaso lalong nanlaki ang mga mata niya.
"Sampalain kita!" Sabi ko sa kanya ng paangil.
Humahagikgik na sumagot siya sa akin. "Wala naman akong sinasabi ah!"
"Letse! Hindi mo kailangang magsalita para makita ko kung anong iniisip ng madumi mong utak!" Sabi ko sa kanya na lalo lang niyang ikinatawa. Natawa na din ako ng wala sa oras.
"Are you dating him?" Maya-maya ay narinig kong tanong ni Pete. Nawala na sa isip ko na nandoon sila. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Andrea.
"At ano namang pakialam mo?" Mataray niyang tanong. Hindi nakasagot si Pete. Dahil siguro sa napahiya, nagmamadali siyang umalis. Palingon-lingon naman sa amin na sumunod si Alfred.
"I hate those guys," Anunsiyo pa ni Andrea kapagdaka.
"Hindi obvious," Sabi ko na lang kahit na medyo nagtataka ako sa inasal ni Pete. Kung wala lang siguro akong trabaho ay nagtagal pa ako sa kakaisip tungkol doon.
Mabilis namang natapos ang photoshoot. Hindi na din naman umeksena si Derek kaya naging maayos ang lahat hanggang sa matapos iyon.
Dahil kailangan ko pang bantayan ang pagse-settle ng bill namin sa resort, hinayaan ko nang mauna ang mga crew namin pabalik ng Maynila. Dala ko naman ang kotse ko kaya hindi ako mamumroblema sa pag-uwi. Nauna na ding nagpaalam si Andrea dahil may shoot pa daw siya sa kabilang resort.
Nang maayos namin ni Trish ang lahat, sabay na kaming naglakad papunta sa parking lot. Naghihintay na din kasi sa kanya ang boyfriend niya doon. Kinakausap ko na din siya at binibilinan sa dapat gawin sa mga files na nakuhanan namin ng araw na iyon. Siya kasi ang magdadala ng mga raw files sa editing team.
"Trish, sinasabi ko na sa iyo. Bantayan mo ang pag-e-edit. Mapapatay kita kapag pumalya iyan." Sabi ko pa sa kanya.
"Yes, boss." Sabi niya sa akin ng nakangiti. Ginulo ko pa ang buhok niya bago ko siya hinayaang lapitan ang boyfriend niya na naghihintay. Tinanguan ko silang dalawa bago ako dumiretso sa kinalalagyan ng kotse ko.
Nasa bandang dulo kasi iyon ng parking lot at hindi agad makikita. Napakunot na lang ang noo ko nang makita kong nakatayo doon si Derek. Naka-itim na tank top lamang ito at saka board shorts na kulay krema at saka tsinelas. Litaw na litaw tuloy ang ganda ng katawan niya at ang mabalahibo niyang mga binti.
"Ang tagal mo! Gutom na ako." Bungad niyang reklamo sa akin.
"At problema ko iyon dahil?" Pabalang kong tanong sa kanya.
"Dahil wala kang choice kundi problemahin iyon. I'm demanding na problemahin mo iyon. Hinintay kaya kita." Sabi lang niya sa akin. Natawa na lang ako sa kakulitan niya.
In fairness, ang cute niya lang, sabi ng isang parte ng utak ko.
"You're crazy." Sabi kong nailing. Tinitigan pa niya ako ng matagal bago siya nagsalita.
"Crazy for you." Sabi niya na pakanta pa pero sintunado. Napatanga ako sandali sa kanya bago ako napahagalpak ng tuluyan.
"Oh my God! That's so corny it should be illegal." Sabi ko habang hinahabol ko ang paghinga ko dahil sa kakatawa.
"Why are you still here anyway? May sasakyan ka bang dala?"
"Wala. Hindi ako marunong mag-drive. Pero sabi ni Miss Andrea, dala mo daw kotse mo." Nakangiti niyang sagot sa akin.
"You don't put Miss before the first name unless bubuuin mo ang pangalan noong tao." Pagtatama ko sa kanya.
"At sinabi din niyang gagawin mo yan," Natatawa niyang sabi.
"Close kayo?"
Nagpa-cute pa ang hayop bago ako sinagot. "Slight lang. Pero sabi niya, boto daw siya sa ating dalawa. Kita mo yun? Hindi pa nagsisimula, may fans club na. Ako din, boto sa ating dalawa. So tayo na?"
Hindi na lang ako nagkumento at binuksan ko na lang ang pintuan ng kotse. Sinubukan din niyang buksan ang pintuan sa may passenger side pero hindi niya iyon nabuksan. Pumasok ako sa loob ng kotse at agad na isinara ang pintuan. Katok siya ng katok sa may bintana pero hindi ko siya pinapansin.
Nang mapaandar ko ang kotse, walang lingon-lingon sa kanya na nag-drive ako papaalis. Nakangangang nakasunod lang siya ng tingin sa kotse. Nang malapit na ako sa gate ng resort, saka pa lamang ako nagmaniobra para balikan siya. Halos hindi maipinta ang mukha niya nang huminto ako sa tapat niya at ibinaba ko ang bintana.
"Ang sama ng ugali mo!" Inis niyang sabi sa akin pero agad din namang binuksan ang pintuan at umupo sa tabi ko. Inirapan pa niya ako at saka parang batang nagtatampo na humarap sa may bintana. Kulang na lang talaga ay talikuran niya ako. Natatawang nag-drive lang ako paalis ng resort.
Nasa SLEX na kami ng harapin niya ako at tinitigan. Kunot ang noo niya at tila seryosong-seryoso.
"What?" Tanong ko sa kanya.
"Nakalimutan kong tanungin sa mga tao sa shoot kung ano ang pangalan mo." Sabi niya. "Nawala din naman sa isip ko dahil lahat sila, maliban kay Miss Andrea eh boss ang tawag sa iyo."
"Again with the Miss followed by a first name." Kastigo ko sa kanya.
"Not the point." Aniya na hindi tinatanggal ang pagkakatitig sa akin. Medyo nailing tuloy ako.
Ewan ko ba pero sanay naman akong natititigan, madalas ay iyong masama pang titig, pero iba ang dating sa akin ng pagkakatitig ni Derek. Lalo at nakatingin lang siya na hindi umiimik.
"Matthew," sabi ko na lang para mabasag man lang ang katahimikan. "Matthew Garcia."
"So it is you!" Bulalas niya.
Napakunot ang noo ko ng wala sa oras ng dahil doon. Kung hindi lang ako nagdadrive ay baka nilingon ko na siya.
"What do you mean?" Tanong ko kay Derek.
"Sikretong malupet! Walang clue!" Sabi niya sabay tawa.
Hindi ko na lang pinatulan. Ng mga oras na iyon, inisip ko na lang na bahala siya kung ayaw niyang sabihin. Hindi ko naman ikamamatay.
Pagbalik ng Maynila ay ibinaba ko lang si Derek sa SM Makati dahil malapit lang naman daw doon ang condo niya at saka ako dumiretso ng Fairview kung saan ako nakatira.
Niyaya niya akong kumain pero tumanggi na ako kahit pa nga halos magmakaawa na siya. Obvious naman kasi kung ano ang gusto niyang mangyari at hindi pa ako handa sa mga ganoong bagay. I wasn't ready to get my heart broken again at wala din akong balak na makipaglandian lang. Iyon din naman kasi ang kababagsakan noon eh.
Sabihin nang bitter pero ako mismo ay naniniwala na walang umaabot ng forever. Lalo na sa katulad kong may alternatibong pamumuhay. Sabi nga nila, natural sa tao ang pagiging polygamous at darating at darating ang panahon na maghahanap ang tao ng ibang putahe, may karelasyon man siya o wala. Lalo na sa industriyang ginagalawan ko na mas mabilis pa sa isang 30 seconds na patalastas ang isang relasyon kung minsan.
Nagkamali na ako kay Pete. Hindi ko na hahayaang maulit pa iyon. Not even with someone as good looking and "gifted" as Derek. Hindi naman kasi ako katulad ng iba na mangati lang, magpapakamot na. May pera akong pambili ng chamomile lotion. Kapag hindi pa rin iyon effective, ibababad ko na lang ang sarili ko sa suka hanggang mawala iyong kati.
Para sa akin kasi, sex should be between two people who are in love. Gaano man katagal o kaikli magtagal ang love na iyan, ang mahalaga, mahal niyo pa ang isa't isa noong may mangyari sa inyo. Old fashioned nga siguro ako pero iyon kasi talaga ang paniniwala ko. Isa pa, may gusto ko munang tutukan ang trabaho ko. Natatakot din kasi akong magaya na naman sa nangyari sa amin ni Pete ang lahat.
Dalawang lingo pa ang ginugol ko sa TV at print commercial na iyon bago ko tuluyang iprinisinta sa kliyente. Tama nga ako ng hinala. Maging sila ay hindi kumportable doon sa commercial kung saan naka-bikini brief lamang sina Derek. Mabuti na lang talaga at nakaisip ako agad ng paraan noon at nagstuhan din iyon ng kliyente.
Kinagabihan ng presentation, naka-ere na agad sa mga television network sa bansa iyong ad. In short, tapos na ang trabaho. Kaya naman na ng iba na asikasuhin iyong mga natitirang paperworks.
Sakto namang magpapasko na noon kaya nagdesisyon akong umuwi na lamang muna ng Cebu para mabisita ko din sina Daddy at ang bago niyang pamilya.
Eleven pa lamang ako ng mamatay si Mama dahil sa kumplikasyon na dulot ng ovarian cancer. Pagkatapos ng dalawang taon, nakilala ni Daddy si Tita Mindy at nagdesisyon agad na magpakasal. Wala naman akong reklamo doon dahil mabait naman si Tita Mindy. Kung tutuusin, mas close pa kaming dalawa kesa kay Daddy. Si Tita Mindy din ang unang nakaalam ng preferences ko at siya pa ang tumulong sa akin na magsabi kay Daddy.
Tulad ng inaasahan namin, halos magwala si Daddy noon. Ilang araw din siyang naglasing kasabay ng paulit-ulit niyang panunumbat sa akin na ako na nga lang daw ang natitirang ala-ala ni Mama, bakla pa ako. Ewan ko kung sino sa aming dalawa ni Tita Mindy ang mas nasaktan noong mga panahong iyon.
Kitang-kita naman kasi na mahal na mahal pa ni Daddy si Mama. Akala ko nga noon, maghihiwalay na sila Daddy at Tita Mindy ng tuluyan ng dahil lang sa pagkampi ni Tita Mindy sa akin. Mabuti na nga lang at hindi nagtagal ay nalaman namin na buntis si Tita Mindy. Dahil doon, may naging maluwag sa akin si Daddy. Nasaktan ako noong una pero ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya ako tinitignan na parang isang may ketong.
Ang nakakatuwa pa, kahit na lumaking bratinela ang kapatid kong si Michelle, siya ang naging pangunahin kong tagapagtanggol kay Daddy. Kaya nga kahit alam kong gagawin lang nila ako ni Tita Mindy na aliping sagigilid sa paghahanda para sa pasko ay taon-taon akong excited na umuwi. Lalo na at magbibirthday din sa mismong araw ng pasko ang bunso naming si Erik.
Isang araw bago ang flight ko ay nagpunta muna ako ng PGH para bisitahin ang cancer ward doon. Naging taunan ko na kasing gawain iyon simula noong mamatay si Mama. Dati ay sinasamahan pa ako nina Daddy at Tita Mindy pero simula nang lumipat na sila ng tuluyan sa Cebu kung nasaan ang pamilya ni Tita Mindy ay madalas na ako na lang. Kapag tinotopak si Michelle ay lumuluwas silang dalawa ni Erik kasama ang yaya nila para sunduin ako kaya naisasama ko sila doon.
Pagdating ko ng PGH ay agad akong sinalubong ng mga nurse na nandoon. Kilala na din naman kasi nila ako. Katulad ng nakasanayan, may dala akong mga regalo. Karamihan doon ay mga simpleng laruan para sa mga bata at kung anu-ano lang para sa mga may edad ng konti at para na din sa mga bantay nila.
Natuwa pa ako nang madatnan kong may kumakanta sa may hallway ng ward. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi ko makita ang mukha niya. Minsan kasi, nakakataba dn ng puso iyong makitang hindi lang ikaw ang may ginagawa para sa ibang tao.
Nasa kalagitnaan na ng pagkanta ang lalaki ng awiting Raindow ng South Boarder ng dumating kami. A capella lamang iyon pero sinasabayan siya ng pagpalakpak ng mga nandoon.
Life's full of challenges
Not all the time we get what we want
But don't despair my dear
We'll take each trial
And we'll make it through the storm 'cause we're strong
My faith in you is clear
So I'll say once again this life's beautiful
Let us celebrate life, it's so beautiful, so beautiful

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon