Chapter 8 ♥

171 10 2
                                        

Jared's POV

"Kuuuuuuyaaaaaa! Gising na! Tignan mo kung anong oras na oh! May camping ka pa! Kuuuyaaa!" ugh! Ang ingay talaga ng kapatid kong ito! San ba ito nagmana?!

Unting unti ko na minulat ang mga mata ko. Maliwanag na pala sa labas. Tinignan ko ang wall clock ko. 11:37 na pala. Mabuti pang maligo na ako. 

Maligo, tapos na. Mag bihis, tapos na. And--- 

*beeeep* *beeeepEh? May nag text?

Walanamannagtext. Nagbeeplangyungphonemofornoreason

Sabi ko nga meron. Edi ako na. Ako na tong kinakausap ang sarili ko!

From: RetardKayesha

GoodMorning! Gisingnamgasection 1 maycamppatayongayun! Godbless!

GM

Alam namin may camping ngayun! Hindi mo na kailangan mag GM jan! Tss. Hinagis ko na lang ang phone ko sa bed. Tsk.

Tumingin ako sa salamin. Tss. Di ko na kailangan magpa gwapo. Pag gagawin ko yun mag pipila na ang babae jan sa labas ng bahay. Tsk. Ayoko nun.

Bumaba na ako para kumain.

"Manang san niyo po nilagay ang gamit na inihanda ko para sa camp ni Jared? Dito ko lang yun nilagay kahapon ah." narinig kong sabi ni Mama sa baba. Mukhang mas excited pa si Mama sakin ah.

"Di ko po alam mam." sabi ni Manang Rosita habang nakayuko.

"Ma, nilagay ko na po sa car ko." nagulat si Mama at sinenyasan ako na bumaba.

"Akala ko tulog ka pa."sabi ni Mama habang inaayos ang buhok ko.

"Paanong hindi ako magigising eh kung makasigaw tong si Janna akala mo wala ng bukas. Aish" pag susumbong ko kay Mama at natawa lang siya.

"Sige. Mabuti pa kumain na tayo. Sabayan na natin yung kapatid mo." tumango lang ako at pumunta na kami sa dining room.

"Good noon mama! Kuya!" ugh. Tignan mo nga to. Ang lapit lapit na namin sa kanya sumisigaw pa siya. Tss. Parang si Kayesha lang! Maka sigaw wagas na wagas!

Teka nga.. Bakit ko nga ba siya iniisip?!

"Hoi Janna Annika Cruz ilang megaphone ba ang nakain mo ngayon at kung maka sigaw ka akala mo nasa rally!" sigaw ko pabalik sa kanya. Akala mo magpapatalo ako ha!

"Mama ang bad ni kuya Jared. Sinisigawan niya ako! Huehue" aba nagsumbong kapa ha!

"Hoy bubwit! May guts ka pa talaga para mag sumbong kay Mama ah!" at yun. Nagpatayan kaming dalawa pero sa tingin lang. We're killing each other with our eyes.

Si Mama naman tawa lang ng tawa!

"Tama na yan. Kumain na tayo. Aalis pa yang kuya mo." awat ni Mama samin at kumain na rin kami.

After ilang minutes natapos na ako at nagpaalam na kay Mama at Janna.

Matawagan na nga yung Retard na yun.

"Yah! Retard!" tawag ko sa kanya.

["Ano nanaman ba?!"] Tsk. Bakit ba ako napapalibutan ng mga babaeng mahilig sumigaw?!

"Hoy retard pang isang tawag palang to! Anong ano nanaman ba? Bakit tinawagan ba kita kanina?! Tsk! Anyway, san ka na?"

["Nandito pa ako sa bahay. Cge bye na! Pupunta na ako sa school"] sabi niya sakin. Sasagutin ko sana siya pero tinawag ako ni Mama.

Meeting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon