Third Person's POV:
Nasa locker area si Kyla ng makita niya si Ayen na nakatalikod papuntang CR.
"Ayen!! Ayen!!"
Sigaw ni Kyla sa babaeng nakatalikod sa kanya. Tawag siya ng tawag pero di parin ito lumilingon sa kanya.
'Aiiish bingi ba siya? Isasauli ko na mga libro niya eh!'
Bulong ni Kyla sa kanyang sarili habang napakamot nalang ng ulo.
Ibinalik nalang muna niya sa kanyang locker ang paper bag na may lamang mga librong hiniram niya kay Ayen nung isa pang araw. Saka dumeretso papunta sa kanilang room.
Si Kyla palagi ang unang estudyanteng dumadating sa school nila dahil nasa kanya ang susi ng room nila at siya din ang president sa klase nila at the same time, running for Valedictorian din siya.
Habang naglalakad siya papunta sa classroom nila, bigla namang umihip ang napakalamig na hangin.
"Uulan ba? Ang lamig naman nun."
Bumuntong hininga na lamang siya at pinagpatuloy ang paglalakad.
'Tulungan mo ako!'
'Tulungan mo ako Kyla!'
'Kylaaaa... Kylaaaa...' bulong ng isang napakalamig na tinig kay Kyla.
"Aiiish wala akong naririnig! Wala. Wala. Wala. Inhale... Exhale..." Bulong ni Kyla na tinatakpan pa ng dalawang kamay ang mga tenga. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
Bata palang si Kyla ay nakakarinig na siya ng iba't ibang tinig ngunit hindi niya naman malaman kung saan nanggagaling ang mga ito. Ito ang dahilan kung bakit palipat lipat siya ng paaralang pinapasukan noong nasa elementarya palang siya.
★★★★★★★★
Papalapit na si Kyla ng bigla siyang banggain ng isang taong nakahood dahilan sa pagkatumba niya.
"Aray!! Sigaw ni Kyla na tila nasaktan sa pagkakatumba.
Iaangat na sana niya ang kanyang ulo nang bigla namang tumakbo papalayo ang nakabangga sa kanya.
"Loko yun ah! Di manlang ako tinulungan? Tss." Kyla na pinapadpadran ang palda.
Dahil nasa kanya ang susi, agad niyang binuksan ang pintuan ng classroom nila at excited na pumasok sa loob.
Ngunit biglang nawala ang ngiti sa labi nang makita niya ang hindi inaasahang nakasulat sa board.
"O MY GOD!!!"
Gulat na sigaw ni Kyla na napatakip ng mga palad nang makita niya ang nakasulat sa blackboard at kalat na dugo sa sahig ng kanilang classroom.
"DIE KYLA! DIE!"
Nanginginig si Kylang linapitan ang pisara. Lakas loob niyang hinawakan ang umaagos na dugo mula sa kanyang pangalan.
Nang mahawakan niya ito ay saka siya napaupo sapagkat hindi niya kayang maitayo ang mga tuhod sa sobrang takot. Natulala siya sa dugong nasa mga kamay niya saka tuloy tuloy na bagsak ng mga luha.
"A-ano ito? B-bakit...?" Kyla na hindi alam ang gagawin.
Mula sa loob ay rinig na ni Kyla ang palapit na mga yapak na nagmumula sa labas. Hudyat na parating na ang mga kaklase at parami ng parami na rin ang mga estudyante sa paaralan.
YOU ARE READING
SCHOOL OF DEATH
Mystery / ThrillerSCHOOL OF DEATH [COMPLETED] Horror, Suspense, Fiction and Romance By:@annlovinpeach