Kyla's POV:
"Nasaan ako? Anong lugar to?"
Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang, napapalibutan ako ng magagandang bulaklak na humahalimuyak ang bango.
"Nasa langit na ba ako?"
Tanong ko sa aking sarili. Ngunit kung nasa langit na nga ako, bakit wala naman ata akong nakikita ni'isang tao dito?
"Kyla."
Isang pamilyar na tinig ang aking narinig mula sa aking likuran kaya hinarap ko siya.
"Ayen? Ikaw ba talaga yan?" Tanong ko sa kanya.
Kung ganun, nasa langit na nga talaga ako?
"Hindi ka pwedeng tumagal dito." Ayen
"Huh? Bakit? Patay na ako diba?"
"Hindi ka pa patay. Kailangan mong lumaban. Kailangan mong pigilan ang masamang plano nila. Lumaban ka Kyla!" Sigaw sa akin ni Ayen.
"Huh? Ano bang pinagsasab.. Teka, anong nangyayari? B..bakit h..hindi ako makahinga? Arrgh!!"
Hirap na hirap akong huminga. Hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga ako makahinga.
"Lumaban ka Kyla! Lumaban ka!" Sigaw niya ulit sa akin.
Ano ba kasing nangyayari? Bakit ako nag kakaganito?
Napahiga na lamang ako sa sakit hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Blake's POV:
Ilang days na din yung nakalipas pero hindi pa rin nagigising si Kyla. At ilang days narin ang nakalipas at hanggang ngayon, hindi parin macontact ang family niya.
Naburol narin si Keisha sa tulong ng teacher niya. Nakakapagtaka lang, wala bang kamag anak dito si Kyla? Bakit ni isang kamag anak eh wala manlang dumalaw sa kanya?
Kung nagtataka din kayo kung bakit kilala ko si Keisha, she was my close friend at tinuturing ko din siyang parang tunay na kapatid. Nakilala ko siya nung 1st yr high school siya at 2nd year naman ako. Hindi ko lang nasabi kay Kyla kasi nga, hindi naman kami close.
Patay na rin si Ivy Castro. Hindi ko alam na malapit palang kaibigan yun ni Kyla. Hindi ko alam kung paano sila naging magkaibigan. Ang alam ko lang eh close silang dalawa.
Nag aayos ako ng mga gamit sa kwarto ko ng may makita akong isang lumang picture.
"Huh? Si Daddy to ah! Sino naman kaya ang nasa tabi niya?"
May kasama kasi si Daddy sa Picture. Isang matangkad at mukhang mayamang tao.
Habang hawak hawak ko ang picture ay bigla na lamang itong nilipad ng hangin.
Kukunin ko na sana ito sa lapag ng may nakita akong kakaibang nakasulat sa likod ng picture.
"Barron and Yukiko 1967"
Barron? Pangalan to ng daddy ko ah! Sino naman kaya si Yukik... Yukiko? Pangalan yun ng..
"Principal? Kung ganun, ang kasama ng daddy ko sa picture ay ang aming Principal? Pero paano naman silang nagkakilala?"
YOU ARE READING
SCHOOL OF DEATH
Mistero / ThrillerSCHOOL OF DEATH [COMPLETED] Horror, Suspense, Fiction and Romance By:@annlovinpeach