Third Person's POV:
Naglalakad ang isang lalaki ng lapitan siya ng kanyang guro.
"Pinapatawag ka ng daddy mo." Teacher nila
"Sabihin mo sa kanya, kakausapin ko lang siya pag pinauwi niya na ang mga estudyante dito."
Wala silang kamalay malay na may nakikinig pala sa kanilang pinag uusapan.
"Pero tatay mo parin ang Principal!" Teacher
"Simula nung nawala si Mama, hindi ko na siya tinuring na ama."
"Pero.." Teacher
Hindi niya na pinatapos sa pagsasalita ang kanyang Math teacher saka mabilis niya itong tinalikuran.
*****
Kyla's POV:
Alam na kaya ni Sanya ang tungkol kay Missy? Tanghali na nang dumating si Kristine. Samantalang hindi parin dumadating si Sanya. Pabalik balik ako sa kakalakad kaya tinanong ako ni Jessna.
"Are you okay Ky?" Jess
Kating kati na talaga ang dila ko. Bestfriend ko naman si Jess, right? I trust her kaya sasabihin ko na sa kanya ang nasaksihan ko kagabi.
"Sumama ka sa akin Jess."
Hinila ko si Jessna palabas ng kwarto namin saka umakyat kami sa rooftop ng School namin.
"Bakit tayo nandito? May klase na tayo mamaya." Jess
"H-hindi muna ako p-papasok."
Ayoko. Natatakot ako. Paano kung yung mga nakakasalubong ko ay isa pala sa mga nakapanghood? right?
"Huh? Bakit naman? May sakit ka ba?" Hinawakan naman ni Jess ang noo ko.
"Wala, wala akong sakit. May gusto Sana akong sabihin sayo."
Ito na talaga. Sasabihin ko na.
"Jess ang toto.."
'And I was dying inside to hold you
I couldn't believe what I felt for you
Dying inside I was dying inside
But I couldn't bring myself to touch you'Biglang nag ring ang phone ni Jess kaya agad niya itong kinuha sa bulsa ng palda niya.
"Teka lang Ky, sasagutin ko muna to."
Lumayo naman siya ng kunti sa akin. Biglang nag iba ang expression ng mukha niya habang may kausap sa phone. Pagkatapos ng tawag ay agad siyang bumalik sa akin. Niyakap ako ng napakahigpit.
"Okay ka lang? May nangyari ba? Tell me." Ako habang kayakap siya.
"Wala. Tara na sa baba. Kailangan nating pumasok. Lalo ka na. Remember? Running for Valedictorian ka." Jess
Siya naman ang humila sa akin pababa. Dumeretso kaming dalawa sa room namin. Math subject yung first period namin kaya medyo ginanahan naman akong pumasok.
Pagdating namin, wala pa si Sir Lorenzo. Siya yung lalaking mataba, malaki ang mata na nakasalubong ko kahapon. Bukod kasi sa Humanities Teacher namin siya, siya rin yung humahawak nang Math Subject.
Nilinga linga ko kung nandito si Sanya. Pero wala parin siya. Pati mga kaibigan niya wala rin.
"Ah, Jess.. May b-balita ba tungkol kay M-Missy?" Tanong ko Kay Jess habang nagbabasa siya ng Libro.
"Missy? Yung kaibigan ni Sanya? Wala naman. Bakit?" Tanong niya sa akin.
Sasabihin ko ba sa kanyang, wala na si Missy? Naguguluhan na talaga ako.
YOU ARE READING
SCHOOL OF DEATH
Mystery / ThrillerSCHOOL OF DEATH [COMPLETED] Horror, Suspense, Fiction and Romance By:@annlovinpeach