Kyla's POV:
Iyak ako ng iyak. Natatakot ako. Hindi ko alam kong anong gagawin nila sa akin. Hayop ka Kristine! bakit mo nagawa sakin to? Akala ko ba nag sisisi ka?
Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko ng isang panyo at nakagapos din ang mga paa't kamay ko. Isa lang talaga ang alam ko. Ang Principal ang nagpadukot sakin dahil nandito ako sa loob ng nakatagong kwarto sa ilalim ng office niya. Kumbaga underground. Ito yung pinuntahan namin ni Blake noong isang gabi. Pero bakit niya naman kaya ako pinakuha? Alam niya na kaya kung anong ginagawa namin?
Blake, please.. tulungan mo ako. Natatakot na ako.
Mayamaya lamang ay dumating si...
Mommy? Anong ginagawa niya dito? Ah! Oo nga pala, kakampi siya ng Principal. Pero.. paano niya to nagawa sa akin? Sa sarili niyang anak?
Lumapit siya sa akin at tinanggal ang nakatakip na panyo sa bibig ko.
"Anak.." Mom
Tinignan ko lang siya sa mata. Galit na galit ako sa kanya. Paano niya nagagawa to sa sarili niyang anak? Hindi ko naman mapigilan ang sunod sunod na pag patak ng mga luha ko.
"A..anak.. patawarin mo sana ako. Patawarin mo ako." Hagulhol niyang sabi habang yakap yakap ako.
"Bakit mom? Alam ba to ni Daddy? Na kinidnap niyo ang sarili niyong anak? Na nakikiisa kayo sa masamang Principal na yan? Para pumatay ng mga estudyante? Huh? Mommy?!" Iyak kong tanong sa kanya.
"W..wala na ang daddy mo anak. Wala na si Jayson." Mom
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero, parang huminto ang paghinga ko. Parang dumilim ang paningin ko. Natulala, nagulat at nabigla ako sa mga narinig ko mula sa nanay ko.
A..ano daw? Sinong wala? H..Hindi. Hindi totoo to!
"What are you talking about?" Nanginginig kong tanong sa kanya.
"Pinatay siya ng Principal." Nakayukong sabi niya.
No way! Hindi! Bakit? :'( daddy :'(
"Why? WHY?! WHYYYYY?!!!" :'( Anong kasalanan ni daddy para gawin niya yun? Ano?! ANOOO?!!" Sigaw ko sa kanya
Sobrang miserable na ang buhay ko ngayon. Una yung kaibigan kong si Ayen, tapos ang kapatid kong si Keisha, tapos malalaman ko nalang, pati si daddy?! Wala narin?! Napapagod na ako. Parang.. parang gusto ko nalang mawala.
"Nalaman ni Yukiko na tinulungan ng daddy mo ang kambal ng kaklase mong si Ayen. Nagalit siya dahil nagsinungaling si Jayson na nasa kanya ang memory card ni Ayen. Ginawa yun ng daddy mo para hindi na habulin ng mga tauhan ni Yukiko ang kambal ni Ayen. Kaya.. pinatay ng Principal ang ama mo." Mom
YOU ARE READING
SCHOOL OF DEATH
Mystery / ThrillerSCHOOL OF DEATH [COMPLETED] Horror, Suspense, Fiction and Romance By:@annlovinpeach