Kyla's POV:
9pm na. Ready narin si Jess para sa dinner mamaya. Habang ako, hindi parin makapag decide kung sino ba ang sasamahan. Aiish anong gagawin ko?
"Ano Ky? Di ka parin ba mag bibihis? May dinner tayo with Yuhan and Tobby right?" Jess
Sabi ko na nga ba eh. Haaay. 3minutes na pag iisip. Wait lang.
"Give me 3minutes of silence. Ah No! 2minutes nalang. Huh? Okay?" Pakiusap ko sa kanya.
"Ang weird mo huh? Okay." Jess
Blake? Or Dinner?
Blake? Or Dinner?
Blake? Or Dinner?
Blake? Or Dinner?
Blake? Or Dinner?
"Waaaaaaah!!! Ayoko naaaa!!!
Pag pinili ko yung Dinner with friends, baka hindi na kami magkaroon ng chance makapasok sa room ng Principal.
Pag pinili ko naman si Blake, I'm sure magtatampo si Yuhan. Lalo na si Jessna.
"Okay! Times up!" Sigaw ko na ikinagulat naman ni Jessna
"Luh? Okay ka lang?" Jess
"Uhmm.. Sorry talaga Jess huh? Hindi muna ako makakasama sa inyo tonight. I have important something to do. I'm really sorry."
"T..teka! Hey!" Sigaw ni Jessna sa akin dahil mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto.
Pupuntahan ko si Blake. Para naman to sa kanila eh.
Pagdating ko sa likod ng room namin nandoon na si Blake. May dalang dalawang flashlight.
"Ang tagal mo naman. -_-" Blake
Sorry naman! -_- haay
"Psh. Sorry naman, okay? Tara na nga."
Dahan dahan kaming pumunta sa room ng Principal but sad to say, naka lock ang pinto. So, anong gagawin namin?
"Anong gagawin natin? Naka lock. Paano tayo makakapasok?" Tanong ko sa kanya
"Don't worry, may dala akong susi." Blake
Susi? Huh? Saan niya naman kaya yan nakuha?
"Aiish! Kung magtatanong ka kung saan ko to nakuha, kay daddy okay? Naiwan kasi ng Principal ang susi niya sa office ni daddy kaya yun!" Blake
Nabasa niya kaya iniisip ko? Hay nakuu.
Nabuksan nga niya ang pinto. At dahan dahan naman kaming pumasok sa loob. Ang creppy. Nakakatakot. First time kong makapasok dito.
"Diyan ka sa right side, ako naman sa left side. Tawagin mo lang ako kapag may nakita kang kakaiba. Okay?" Blake
Makapag utos naman siya. Psh.
"Sige."
Nagsimula na nga kaming maghanap ng mga weird na bagay sa loob ng office ng Principal.
Makalipas ang isang oras, wala parin akong nakitang kakaiba. Ganun din si Blake. Sana pala sumama nalang ako sa dinner. Tsk tsk.
Pupuntahan ko na sana si Blake ng may masagi akong isang bagay na nahulog galing sa desk ng Principal.
"Shhhh. Wag ka sabing maingay!" Saway sa akin ni Blake
Like hello? Sinadya ko ba? Hindi diba?! Psh. Hinayaan ko nalang siya saka pinulot ang nahulog na bagay.
YOU ARE READING
SCHOOL OF DEATH
Mystery / ThrillerSCHOOL OF DEATH [COMPLETED] Horror, Suspense, Fiction and Romance By:@annlovinpeach