CHAPTER 23: THE UNEXPECTED FRIENDSHIP

232 3 0
                                    


Tobby's POV:

Wala na akong ibang mataguan kundi sa ilalim ng mesa.

"Bakit nakabukas to?" Tito

Yukong yuko ako dahil sa takot na makita ni Tito Kiko. Maya Maya, narinig ko ang mga yapak niyang papalapit sa left side ng kwarto. Hindi kaya, dun nakalagay yung mga gamot na tinutukoy ni Ma'am?

Mayamaya rin, napansin kong lumabas na ng kwarto ang Principal saka sinira ang pinto. Dali Dali naman akong lumabas sa pinagtataguan ko, at mabilis na pumunta sa left side ng kwarto Kung saan pumunta kanina ang Principal.

"Shit Shit! Nasaan ba dito yung anti hypnotism na yan?!"

Kalkal ako ng kalkal kung saan hanggang sa may nabasa akong 'AH'

"AH? Ito na siguro yung Anti Hypnotism na sinasabi ni Ma'am?"

Nakalagay Ito sa maliit na bote (paracetamol style. Charoot) kulay red Ito as'n sobrang kulay red ang mga ito. Kumuha ako ng dalawang bote, saka nilagay sa aking jacket.

"Kailangan ko nang makaalis dito!"

Patakbo akong pumunta sa pintuan pero...

"Oh Shit! Bakit naka lock yung pinto?"

Nakakainis naman eh! Paano naman ako makakalabas dito? Arrrgh!

Kinuha ko agad yung phone ko saka dinial ang number ni Sanya.

"Aiiish sagutin mo naman!"

Ang tagal kasi bago sagutin eh. Siguro tulog? Ako din naman ah! Inaantok kaya ako! Bweset!

"Ohhh shino to?" Sanya

Boses ng babaeng napilitang sagutin ang phone dahil natutulog. -_-

"Si Tobby to! Anong gagawin ko?! Nalock ako sa bahay ng Principal!"

"Ehh yun lang pal..WHAT?!!"

Nalayo ko yung phone sa tenga ko dahil sa napakalas na sigaw ni Sanya. Pambihira! -_-

"Oo nga. Anong gagawin ko?!"

"Teka teka, lalabas muna ako baka marinig ako ng traydor eh." Sanya na para bang bumubulong

Mayamaya..

"Ganito yan, tawagan mo si Yuhan. Papuntahin mo diyan saka ka mag patulong sa kanya." Sanya

"Bweset! Sinabi kasing si Yuhan nalang pumunta dito eh." Inis kong sabi sa kanya

"Aba! Aba! Eh bakit ka pumayag?" Inis ding sabi niya

Psh. Dahil sayo! -_-

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now