CHAPTER 2: TEXT MESSAGE

564 18 1
                                    

Third Person's POV:

Paalis na si Kyla ng classroom nang mag ring ang phone niya.

'Huh? Sino kaya to?'

Unknown number kasi kaya nag dadalawang isip pa siya kung sasagutin niya ba ang tawag.

"Hello?"

Hindi sumasagot ang kabilang linya.

"Hello? Sino to?"

Hindi parin ito sumasagot.

'Aiish! Sino ba to? Pepe ba siya?'

Sa isip isip ni Kyla.

"Kung wala kang magawa sa buhay, wag akong pag tripan mo!"

Saka niya binababa ang phone niya.

"Sino yun?"

Tanong ni Yuhan sa kaibigang kunot nanaman ang noo.

"Ewan? Number lang eh. Di naman sumasagot. -_-"

"Wag mo nang isipin yun. Tara na, sasamahan kita sa office ni Ma'am Lazaro. Susunod nalang daw si Jess." Yuhan

"Thank you talaga Yuhan huh? Kung wala kayo, di ko na alam ang gagawin ko. :("

Mula kasi nung nag transfer si Kyla, si Yuhan na at Jessna ang palagi niyang kasama. Sila parati ang nandiyan kapag may problema siya kaya mahal na mahal niya ang dalawa. Ngunit hanggang ngayon ay hindi niya parin nagagawang aminin sa kanila na nakakarinig siya nang mga tinig at paminsan minsan ay may nagpapakita rin sa kanya.

"Ano ka ba! Wala yun nuh. Basta always remember na mahal kit.. I mean, mahal ka namin ni Jessna. :)"

Biglang namula si Kyla na agad namang napansin ni Yuhan.

"Ky? Are you okay? Namumula ka ata?"

Worried na tanong sa kanya ni Yuhan.

"H..huh? Ahh.. ah punta muna ako sa CR. Hintayin mo nalang ako dun sa office. Okay? Bye!"

Saka dali daling tumakbo si Kyla papuntang CR.

'Gosh! Ano ba yun?! Bigla bigla nalang tumibok ng malakas yung dibdib ko!'

Inisip na lang ni Kyla na baka kinakabahan lang siya para sa mga tanong mamaya sa kanya ng kanilang guro.

Kakatapos niya lang mag hilamos ng kanyang mukha ng biglang may nag text sa kanya. Yung nag text sa kanya eh yung kaninang tumawag sa kanya.

SCHOOL OF DEATHWhere stories live. Discover now