Ilang araw na rin ang lumipas nung mamatay si Ayen pero hanggang ngayon di parin alam kung sino ang pumatay sa kanya.
Nasa kalagitnaan ng Klase sila Kyla nung pumasok ang isang lalaking may dalang envelope.
"Thank you." Saka kinuha ni Ms.Lazaro at binasa ang nakasulat sa loob nito.
Biglang napatakip yung bibig niya nung makita ang resulta ng DNA test.
"Class, nandito na yung DNA test na pinansulat sa death treat Kay Ms.Padilla." Ms.Lazaro
"Nakuuu nakakatakot naman." Isa nilang classmate
"Kanino ma'am?" Tanong ng kanyang mga estudyante.
Habang sobrang kaba naman ang nararamdaman ni Kyla.
"It's 99.9% positive na yung dugong ginamit pangsulat ay dugo ni Ms.Alcantara." Ms.Lazaro
"See. I told ya! Kay Ayen yun!" Libeth friend ni Sanya
'A..ayen.. B..bakit? Hahanapin ko ang taong pumatay sayo. I'll promise you.'
Saka niya pinunasan ang mga luha niya."If those blood was from Ayen, then what is the connection between you Kyla?" Tanong bigla ni Blake
"H..huh? H..hindi ko alam."
Talagang hindi naman talaga alam ni Kyla kung bakit may gustong pumatay din sa kanya.
"Wala ka ba talagang kinalaman sa pagkamatay niya? O baka may tinatago ka lang sa amin?" Pagpapatuloy ni Blake
"Mr.Santiago that's enough! It's already time. Class, dismiss." Ms.Lazaro saka niya iniwan ang kanyang klase
Lalabas na Sana yung iba nilang kaklase nung biglang nilapitan ni Kyla si Blake kaya naki usyoso yung mga kaklase nila sa kanila.
Nag aayos si Blake ng kanyang gamit nung lumapit sa kanya si Kyla.
"Blake! Mag usap nga tayo!" Kyla
Naiinis na kasi siya kay Blake kasi feeling niya, siya yung pinagbibintangan niya sa pagkamatay ni Ayen.
Hindi siya pinansin ni Blake kaya kinuha niya yung bag ni Blake.
"Ano ba! Akin na yan!" Sigaw sa kanya ni Blake
"Ky, tama na yan." Bulong sa kanya ni Yuhan
"Teka. Ano bang ginawa ko sayo at palagi mo akong pinagbibintangan sa pagkamatay ni Ayen?! Sabihin mo nga sa akin! Ano ba yung ebedensya mo para pagbintangan ako? Huh?!"
YOU ARE READING
SCHOOL OF DEATH
Mystery / ThrillerSCHOOL OF DEATH [COMPLETED] Horror, Suspense, Fiction and Romance By:@annlovinpeach