Kyla's POV:
Nabigla ako sa mga sinabi ni Blake sa akin. Parang naparalize ang katawan ko sa mga sinabi niya. Kung ganun, isa yung ama niya sa mga pumatay sa kapatid ko. Mga tao pa ba sila?
Sobrang galit ang nararamdaman ko. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang galit. Hahawakan sana ako ni Blake pero lumayo ako sa kanya ng kunti.
"H-hinding hindi ko mapapatawad ang ama mo Blake." Iyak kong sabi sa kanya.
Tumalikod ako sa kanya para iwanan siya pero agad niya naman akong pinigilan.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.
"Papatayin ko ang Principal!" Sigaw ko sa kanya.
Papatayin ko ang Principal. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa kapatid ko pati narin kay Ayen at sa iba pang babaeng pinatay nila.
"Sira ka ba?! Hindi madaling kalabanin ang Principal! Hindi siya basta basta! Hindi sila basta basta!!" Blake
"Pero pinatay nila ang kapatid ko Blake! Pinatay nila! Anong gusto mong gawin ko?! Tumunganga?!"
"Pero Kyla, kailangan nating pag planuhan lahat bago tayo gumawa ng hakbang. Kailangan natin ng sapat na ebedensya para makulong sila." Blake
Bumuntung hininga ako saka napaisip na hindi nga tama ang mag padalos dalos.
"So.. A-anong dapat nating gawin?" Tanong ko sa kanya.
"Nasayo ang libro ni Ayen, right?"
Libro? Ah. Yung mga libro! Pero..
"Nasa akin nga."
"Narinig kong baka nanduon sa libro ang susi kung saan nakatago ang memory card."
Ano ba kasing meron doon sa memory card na yun?!
"Wala kang mapapala dun."
"Ano?! Bakit?!" Blake
"Paulit ulit kong binasa yung mga librong pinahiram niya sa akin bago siya namatay. Pero wala akong nabasang kakaiba doon. Maliban lamang sa..."
"Maliban sa?" Blake
"Maliban lamang sa isang page na nawawala. May isa kasing libro na may pinunitan. Sa tingin ko, may kumuha nun." Paliwanag ko sa kanya
"Kung ganon, s-sino naman kaya?" Takang tanong niya sa akin.
Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
"Ano na ngayon ang gagawin natin?" Tanong ko sa kanya.
"Kailangan nating mahanap ang memory card na yun bago mapasakamay ng Principal. Sa ngayon, mag masid muna tayo sa mga ginagawa ng school."
Humanda sila sa akin. Gagawin ko ang lahat managot lang sila.
"Mabuti pa, bumalik na tayo sa School. Baka hinahanap na ako ni Jessna."
"Sige." Blake
Bumalik na nga kami ni Blake sa School. 9pm na nung makabalik kami. Hinatid niya muna ako sa dorm namin.
Pagdating namin sa baba ng dorm ay nagulat ako ng makitang nag hihintay sa amin si Yuhan at Jessna.
"Naku Kyla! Saan ka nanggaling?! Hoy Blake! Saan mo dinala si Kyla?! Huh?!" Sigaw sa kanya ni Jessna
Agad ko naman siyang pinalo. Ang ingay eh.
"Ssshh! Tumahimik ka nga Jess, baka may makarinig sayo eh." Saway ko sa kanya.
YOU ARE READING
SCHOOL OF DEATH
Mystery / ThrillerSCHOOL OF DEATH [COMPLETED] Horror, Suspense, Fiction and Romance By:@annlovinpeach