CHAPTER 3

5.8K 153 7
                                    


SHEENA'S POV

"May ipapakilala ako sa inyo siya ay si John Bryan Mark Lee-" hindi na natapos si Ma'am sa pagsasalita niya ng maghiyawan dito sa loob ng classroom.

"Kyaaaaaaaaaaahhh ang gwapoooo" sigaw ng mga kaklase kong babae.

"Please be quiet class patapusin niyo kasi muna ako!" Ayan galit na si Ma'am haha.

"Okay Ma'am!" sagot nila kaya napa-iling na lang ako.

"Siya ang may-ari ng school kaya dapat ituring niyo siyang tunay na classmate at hindi iniidolo ahh kundi ibabagsak ko kayo sa lahat ng subject!"

"Ayyyyyyyyyyy... Grabe si Ma'am!" angal ng mga kaklase ko.

"Okay Mr. Please introduce yourself in the front of your classmates," nanlaki ang mata ko ng makita ko na naman siya ulit. Naglakad na siya papunta sa harapan at nagsalita.

"Hi everyone! I will repeat my name again, I'm John Bryan Mark Lee and I wish, all of you have a good deal with me. Before I forgot meet my girlfriend" sabay turo niya sakin! Kaya ako naman itong nagulat. Huh? GIRLFRIEND???

"Oh wow! I didn't know that you have a girlfriend now. Hey, can you please Introduce yourself bilang girlfriend ni Mr. Bryan?" Uh-oh siguradong patay ako nito! Pumunta na ako sa harapan at nagpakilala na rin. Lagot sakin mamaya ang lalaking 'to! Humanda ka.

"Hi! Ako nga pala si Sheena Alys Perez at nagsasabing ako ang babaeng-kaibigan LANG ni Mr. Bryan!" nakangiwi kong sabi dahil nakakahiya talaga! Bwisit naman kasi itong lalaki na 'to! Ito na ba yung sinasabi niya na tulong?! Pagpapahiya 'to eh!

"No! She's my Girlfriend!" sinamaan ko ng tingin si Bryan na kasalukuyang nakaharap sa lahat.

"Naku! Wag po kayong maniwala sa kanya! Sinungaling po ang lalaking 'yan haha"

"No! Believe me, nagsasabi ako ng totoo."

"Hehe tumigil ka na dyan baka masapak lang kita" bulong ko sa kanya at sinisiko ko na siya pero ayaw pa rin niyang tumigil.

"Okay! Easy lang Mr. and Ms. alam namin na kayo talaga! Baka magka-LQ pa kayo dyan mamaya at ako pa masisi niyo haha"

"H-hindi, magkaibigan lang po talaga kami Ma'am!" pagpo-protesta ko.

"No! She will be my wife soon. Oh c'mon! You are my Princess!" nang iinis ba 'to? Gusto niya y'atang mabatukan eh! Kapag natapos ang klase na 'to, ihahagis ko ang lalaking 'to sa bangin.

"Sige na mamaya na lang kayo mag-usap sisimulan ko na ang pagpapakilala ko," Pumunta na ako sa upuan ko at naupo na.

"Uyy besh haha ang cute niyong dalawa kanina sa harapan!" kinikilig na sabi ni Anika ng makaupo ako.

"Tss"

"Hala! Kayo na naman pala hindi mo man lang sinabi sakin na may bago ka na palang boyfriend. Kaya naman pala parang walang epekto sayo yung pagbi-break niyo ni Jack ehh!!!" Luh? Baliw ka ba Anika, grabe nga ang iniyak ko dun eh.

"Hayaan mo Sheena hahanap na lang ako nang iba baka magselos ka pa ihh..." napa-iling na lang ako sa sinabi ni Anika.

"Psh. Bakit naman ako magseselos?" sira ka ba? Akala ko ba bestfriend kita? Hays. Parang si Bryan pa y'ata ang pinagtatanggol nito eh.

"Kanino saken? Kase marami akong mga fan girls?" hays may umepal na naman! Bakit ba ang daming epal sa mundo? Bakit dito siya nakaupo? Hays.

"Bakit ka dyan nakaupo? Wala namang nagpapahintulot na umupo ka dyan ahh!!!" pagkatapos kong sabihin 'yun. Kinulbit ako ni Anika sa tagiliran ko bago siya may binulong sakin.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon