CHAPTER 20

3.3K 65 2
                                    

BRYAN'S POV

Nakauwi na kami kaya ipinarada ko na ang kotse ko. Mabuti na lang at wala na rin ang mga reporters sa labas dahil siguradong pagkakaguluhan na naman kami.

Pagkapasok namin ng bahay, naglakad papuntang kusina si Sheena para uminom ng tubig.

“Matutulog na ‘ko, night” saad niya kaya napatango ako bago siya nginitian. Kanina pa kasi ‘yan sabi ng sabi na napagod daw siya. Kaya ako dumiretso na muna sa sala dahil hindi pa naman ako inaantok.

Ako kasi minsan, hindi ako makatulog kahit na may pasok pa bukas sa school at saka wala namang gagawin... Sinabi ko sa mga teacher na lahat na lang ng students ay pwedeng mag-sibilyan. Hindi naman sila nagreklamo about ‘dun.

Umupo ako para manood sana ng spongebob ng may mag-flash na news sa tv.

Breaking news:

Pansamantala po naming puputulin ang palabas dahil mayroon na naman kaming natuklasan sa sikat na artistang si John Bryan Mark Lee. Totoo nga bang balak niyang itanan ang misteryosong babaeng palagi niyang kasama?

Kung ngayon ‘man ay nanunuod ang artistang si Mr. Bryan, sana ay mapadali na ang kanyang pagdedesisyon para sa gagawing interview, dahil lahat ng mga tao ay gustong marinig ang kanyang paliwanag tungkol sa misteryosong babae.

Ano nga bang mayroon sa kanila?

Ito po ang balitang mabilis na naghahatid ng mga impormasyon at kaalaman sa inyo para—

***

Napailing ako. "Lahat na lang ba bibigyan nila ng ibang kahulugan ang buhay ko?!" bwisit kong sabi.

Lahat na lang pinapakialaman nila. Tsk. Ito naman kasi ang nagagawa ng social media, kundi ang magpakalat ng mga maling impormasyon. Hindi naman totoo ‘yun ah, at saka wala naman akong balak na itanan si Sheena.

Napaka-talaga nila! Nakikitira lang naman si Sheena dito dahil wala na siyang uuwian di ba? Kaya ‘wag kayo maniwala sa pinagsasasabi ng mga yan!

Pinatay ko na ang tv dahil baka mabasag ko pa yan! Tumaas na 'ko sa kwarto para matulog. Actually magkatabi ulit kami ni Sheena.

KINABUKASAN

Maaga akong gumising para magluto ng breakfast namin. Alam niyo naman ang babaeng iyon, ginawa na akong katulong dito sa sarili kong pamamahay.

May pasok kami ngayon kaya kailangan talaga na maaga ang gising para hindi ma-late. Kahit na nagpuyat ako, hindi ko ugaling idahilan sa prof na—‘Na-late kasi ako ng gising kaya hindi ako nakapasok ng maaga’.

Swear to god! Huwag mong idadahilan ‘yan dahil hindi nila kasalanan na nagpuyat ka o hindi ka makatulog nung isang gabi.

Minsan naisip ko nga, dapat pala hindi na lang ako nanood ng tv kagabi. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip ko. Grabe, umagang-umaga stress na stress na ako.

Nang matapos ako magluto, sunod ko namang inayos ang mga plato at kubyertos na gagamitin namin. Nang matapos ko iyon ayusin, umupo ako saglit at tiningnan ang relo ko.

“Kanina pa ko dito, bakit hindi pa rin gising ang babaeng ‘yon?” tanong ko sa sarili. Tumayo ako sa pagkakaupo bago umaykat.

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon