BRYAN'S POVKina-umagahan 5:30 A.M (araw ng kasal)
"Ugh! Hindi ako makatulog!" Sabi ko sa sarili ko. Parang may bumabagabag nga sa akin ngayon na hindi ko masabi. Tumingin ako sa may Wall Clock ko at 5:35 A.M na pala akong hindi makatulog. Bakit ba? Parang.... Isipin ko nga!
•
•
•
•
•
Yung babae sa Condo! Ano ba ulit ang pangalan nun? Hindi ko na alam! Nakalimutan kong kunin kagabi ang number niya. Paano kung nabuntis ko siya dapat panagutan ko yun! Dahil ako ang may gawa ng gabing yun!
Kaya pala ako nakokonsensiya ng dahil dun! Ako pala ang may kasalanan! Paano ko siya babalikan ehh ngayong araw ang kasal namin ni Sky.
Napahawak ako sa ulo ko at pagkatapos hinilamos ko ang mukha ko!. Hays! Paano na yan!
Bago ko na lang siya alalahanin. Ang basta ngayon ay arawng kasal namin ni Sky at dapat maging masaya ako! Dahil ikakasal na ako sa aking Pinaka-mamahal!
SHEENA'S POV
Malapit ng matapos ang Photoshoot namin ngayon isang Awra na lang tapos na!
"Okay! Good Job! Let's take a break!" Sigaw nung kanina pa nakaalalay sa amin! Lumapit siya sakin.
"On Saturday's weekend okay!" Paalala niya sakin bago tinapik ang balikat ko. Ewan ko ba!? Lagi niya ginagawa yun! Siguro talagang magaling lang ako um- Awra kaya ganun. Nag-text na sa'kin su chabs, malapit na daw siya. Kaya naghintay ako dito sa may bench. Naka-upo at tulala.
Nasaan na kaya si Bryan? Paano ko siya makokontak ehh, wala na akong number niya.
"Sheenaaaa!" Nakita ko si chabs kumakaway mula sa loob ng kotse niya. 'Dun lang ako nagising sa katotohanan. Kinawayan ko din siya. Nakita ko siyang lumabas ng kotse at lumapit sakin.
"Tulala ka na naman! Kanina pa kaya ako tawag ng tawag sayo! Halos mapaos na'ko eh!"
"Aba'y sorry naman po hehe..!" Nginitian ko na lang siya at nginitian din niya ako pabalik. Minsan na-imagine ko, ang taba at ang cute nito dati, pero bakit pumayat at gum-gwapo siya ngayon. Nag-sumikap talaga na papayatin ang sarili niya ako ihh...
Naglakad na kami palapit sa kotse niya, halos walang imik ang nangyaru nung sumakay na kami. Bakit kaya ang tahimik ninChabs ngayon?
"A-ah, chabs? Okay ka lang ba?" Tumingin siya sakin at nginitian.
"Okay lang naman ako, Sheen." Mahinahon at malumanay niyang sabi.
"Bakit ang tahimik mo?" Wow! Parang inaaway ko na siya sa lagay na 'to pero kung iisipin niya hindi naman! Curious lang naman ako sa pagiging tahimik niya.
"A-ah! Pwede ba akong magtanong?" Nagulat ako ng bigla na lang naging seryoso ang mukha niya, kaya kinabahan ako.
"Ahh... O-oo naman! A-ano ba yun?" Kunakabahan kong sabi.
"Ahh.. ano kasi- - - - -!"
*Kring* *kring* *kring*
Oh my god! Thank you!
"Ahh... Wait lang may tumatawag!"
Tumawag lang naman yung Manager ko! Wala namang kwenta ang tinatanong niya. Ewan ko ba? Hinahanap niya sakin si Bryan - - - -
[ Hello! Sheena? ]
*toot* *toot* *toot*
Narinig ko na naman ang pangalan ni Bryan. Bakit ba lagi na lang siya nasa loob ng isip ko. Hindi na nga ako makapag-isip ng ayos ehh... Lagi na lang! May tama nga talaga ako sa kanya.
Syempre Mahal mo ehh! Hindi ka talaga ta-tantanan niyan!
Pati yung isip ko napapaisip na din.
"Sheena? Ayos ka lang ba?" Nung nagsalita si chabs tsaka lang ako napunta sa katotohanan. Dun ko lang napansin na nakatigil na pala kami.
"Sheena! Ayos ka lang ba?!" Tanong ulit sakin ni chabs.
"Ahh- - - O-oo naman! Medyo nahilo lang ako ng konti pero okay na din ako!" Nginitian ko siya. Nginitian din niya ako pabalik kaya naman pinaandar na niya ang sasakyan pauwi sa bahay. Napansin ko nga na malapit ng mag-6! Ibig sabihin buong gabi ako na nasa Photoshoot? Walanjo! Walang pakuntangan ehh... Sa dami na nga ng mga Picture ko dun, baka makulangan pa sila! Hays.
SKY'S POV"AYUSIN MO NAMAN ANG PAGME-MAKE-UP SAKIN! GUSTO KO MAGING MAGANDA SA HARAP NI LOVES KOOO!" Kanina ko pa pinapagalitan ang impakta na nagme-make-up sakin! Nakuu! Malapit ko ng pektusan ang babae na'to ataw ayusin ang pagta-trabaho! Hindi na siya nahiya! Hindi niya ba alam na isang Model ang inaayusan niya ngayon? Nakaka-imbyerda! BWISIT!
Malapit na ang oras na ikakasal ako sa pinakama-mahal kong si Bryan! Hay~ day dreaming na naman ako! Walang magawa ehh! Wala ka kasing pake kung maganda ako kesa sayo!
Si Bryan kaya, kamusta na kaya siya? Nag-aayos na din ba siya katulad ko? Hindi ko masabi! Siguro napaka-gwapo niya ngayon! Mahal ko yun ehh at ang halos at lalong-lalo sa lahat ay Mahal niya ko!
Ooopps walang aarte! Akin lang ang asawa ko! Hehe napagaya na tuloy ang isang linya ko. Alam mo na yun! Ano ka ba?!
"Ma'am okay na po ba ang ganito?"
"Oo na! Kanina mo pa kaya ako nilalagyan ng foundation! Baka mag-mukha akong eapasol nito ahh!"
"Naku! Ma'am hindi po dahil ginawa ko po ang best ko para ma-make-up-an kayo ng maayos!"
"Umalis ka na nga!" Nagmadali siyang lumabas at ako naman sinuot na ang wedding gown ko! Mas bongga pa 'to nung una na tinakbuhan ako ni Bryan! So~ see you na lang sa kasal namin mamaya~~!
•√•√•√•√•√•√•√•√•√•√•
( Akala mo naman ihh napaka-ganda! )
Hehe! Thank you for supporting my story... Abangan ang susunod na Chapter~~
Love, Clairemoon14
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]
Teen Fictionmagbago kaya ang buhay nang isang babae dahil nakilala nya ang lalaking Superstar at sikat sa buong Universe??? O baka naman na dumugin sila ng mga tao?... Abangan. Ps: Still editing! But hope you can read this pa rin♡