CHAPTER 16

3.7K 77 3
                                    

BRYAN'S POV

Dito ko na pinatulog si Sheena sa unit ko. Ramdam ko ang pagod niya kanina at saya, dahil kasama niya ako at si Mom and Dad. Laking galak ko dahil napasaya at napatawa ko siya ng kaunti kahit na marami na ngayon ang dinadala niyang mga problema sa buhay.

Si Mom and Dad ay umuwi na sa bahay dito sa states. Nakita kong masaya si Mom kahit na nagdaramdam siya at inaalala niya ang kalagayan ni Dad.

Hindi kasi namin alam kung kailan yung sinasabi ni Dad na kamatayan niya. Nalulungkot ako para kay Mom dahil mawawala na si Dad.

Medyo marami akong napapasin ngayon aahh..  Ano ba 'tong mga iniisip ko? Ayoko pang mawalan ng ama no!

Nandito ako ngayon sa living room at nanonood ng palabas sa telebisyon, hindi pa kasi ako inaantok.

Makalipas ang ilang oras, pinatay ko na ang tv dahil wala na namang palabas, naisip ko bigla—kung silipin ko kaya saglit si Sheena sa bedroom ko?

Naglakad ako papalapit sa pintuan at binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto bago pumasok at lumapit sa kanya.

Naupo ako sa gilid ng kama para makita ang mahimbing na pagtulog ng batang 'to. Mukha siyang batang nawalan ng nanay.

"Anong ginagawa mo?" nagulat ako ng makitang nakatingin na sakin si Sheena. Siguro narinig niya ang mahinang tawa ko.

"Wala, pinagmamasdan ko lang yang kagandahan mo. Hindi kasi ako makatulog,"

"Bakit? Maganda ba ako?" tanong niya bago humikab.

"Bakit? Sa tingin mo ba hindi ka maganda?"

"Hindi ko alam,"

"Hay nako, wala ka talagang bilb sa sarili mo ‘no?” natatawang sabi ko pero inirapan niya lang ako.

“Bakit ka ba nandito?” masungit niyang tanong kaya ako naman itong nagtanong.

“Pwede ba akong maki-share sa napaka-malaking kamang binayaran ko?"

"Wow! Grabe ka. Talagang may salita pang binayaran ko?" may pagka-sarkastiko niyang sabi kaya biglang napataas ang kilay ko.

“Syempre, alangan naman patulugin mo ako ‘dun sa sofa, paano kung sumakit likod ko?”

"Oo na! Mahiga ka na lang kasi! Dami pang reklamo, nahihiya naman kasi ako sayo"

"Aba, dapat lang! Nilibre na nga kita ng Passport eh!" sabi ko habang inaayos ang unan ko.

"Oo na nga sabi eh! Bakit ba reklamo ka ng reklamo d’yan?! Napaka-arte," nanlaki ang mata ng samaan na naman niya ako ng tingin.

"Goodnight din sayo! Sleep well, dream about me,"

"Ulol! Matulog ka na!" sabi niya bago iniharang ang isang unan sa gitna namin. Ayun, natulog kaming dalawa sa mag-kabilang side ng bed.

Kinabukasan

Nagising ako ng maaga dahil ngayon ang alis namin pabalik ng Pilipinas, kaya naman agad kong ginising si Sheena para makabalik muna kami sa Mansion ni Mom and Dad.

"Gumising ka na kasi! It's already 5 AM!" hinihila ko na yung kumot pero ayaw pa rin niyang magising. Ano ba ang dapat kong gawin para tumayo na ‘to sa pagkakahiga?
      
Hinila ko ulit yung kumot kaso nga lang kinuha niya ulit at ikinumot sa kanya. Binato niya pa ako ng unan. Hayst!

"Sheena! Alalahanin mo mag-iimpake pa tayo!" malakas na sabi ko sa kanya pero ayaw pa rin, nakapikit pa rin at nakahilata sa kama.

"5 minutes pa kasi," iritableng bulong na sabi niya. Shit ka naman. Napaka-hirap gisingin!

Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon