SHEENA'S POV
Nakakainis talaga itong si Bryan, kung makapagsabi ba naman ng girlfriend, ‘dun pa talaga sa maraming makakarinig sa kanya.
Kung batukan ko kaya siya ng matauhan?
Hayst! Nanggigigil talaga ako sa artista na ‘to!
Sa wakas at malapit na kami sa bahay niya. Sabi niya dun na daw muna ako sa kanila dahil baka ako daw ang unang hanapin ng Mommy niya kapag tumawag sa kanya ito. Tutal wala na naman akong mauuwiang bahay, kaya dito muna ako kina Bryan.
Hindi ko pa kayang sabihin kila Ate Josie at sa asawa niya kung ano ang mga sinabi sa akin ni Dad. Hindi ko alam kung paano ko sila sasabihan na... umalis na sa bahay dahil wala na akong pampa-sweldo sa kanila.
Since alam ko na kung ano ako kay Dad. Palamunin lang pala ako para sa kanya, at mukhang pera. Hindi ko na kakayanin pang makita siyang muli dahil sukang-suka na ako sa ginawa niyang kasinungalingan kay Mom.
Nandito na kami at pumasok na sa loob ng bahay niya.
"Bryan yung mga gamit ko kukunin ko na lang muna sa bahay." Sabi ko.
"Tara samahan na kita, lagay na lang muna natin dito yung mga bagahe."
"O sige" sabi ko bago ibinaba na muna namin ang mga bagahe sa may sala.
"Tara na!" yakag sakin ni Bryan kaya naman sumakay na kami sa kotse at umalis na papuntang bahay ng step-dad ko.
Hindi ko pa rin lubos na akalin na nakikitira lang pala ako sa bahay na iyon. Akala ko kasi, since wala naman si Dad sa bahay at nagta-trabaho siya. Pagmamay-ari ko na iyon. Pero hindi pala.
"Mukhang malalim ang iniisip mo d’yan ah? Uso naman kasi mag-share" nawala ako sa iniisip ko ng magsalita si Bryan. Nilingon ko siya.
"Wala, iniisip ko lang kasi kung ano ang mangyayari kila Ate Josie kapag umalis na sila sa bahay. Hindi pa ako handang iwan sila"
“Grabe naman ‘to! Hindi pa naman tayo magpapakasal kaya ‘wag ka munang excited!” biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Pakshet ka” sabi ko na lang at hindi na siya pinansin. Pero agad din akong napalingon kay Bryan ng magsalita siya.
“Siguro, bigyan mo na rin muna sila ng time para mag-bonding. Hindi mo naman kasi totally na iiwan sila, parang pagbabakasyunin lang—ganun.”
“Pero... Iba na kasi yung hindi na sila ang makakasama ko”
“Masasanay ka rin d’yan. Pwede mo naman silang papasukin ulit kapag nagsikap ka. Darating din naman ang panahon na mababawi mo lahat ng pinaghirapan ng Mommy mo basta maghintay ka lang ng tamang panahon."
Halos hindi ko maalis ang tingin kay Bryan ng makitang seryoso siya sa sinabi niya. Parang ngayon lang siya nagsabi ng ganung salita. Nakakapanibago, para kasi siyang immature kung kausapin.
"Oh? Napogian ka na naman sakin? Huwag kang mag-alala, sayo lang ako” parang bigla akong nagising sa kahibangan ko na nag-seryoso nga siya.
“Baliw,” sabi ko na lang at bumaba na kami sa sasakyan. Nakita ko si Manong Jimmy na nililinis ang kotse na pansundo at pang-hatid niya sakin. Pero—parang hindi na niya magagawa ulit iyon.
"Hija nakauwi ka na pala!" masaya niyang sabi kaya bigla na lang akong napaiyak at napatakbo papalapit sa kanya para yakapin ko siya ng mahigpit.
"Manong mami-miss ko po talaga kayo ng sobra-sobra!" umiiyak kong sabi. Narinig ko naman ang pagtawa niya.
"Bakit susunduin ka na ba ng Daddy mo at doon na titira sa U.S?" tanong niya kaya umiling ako.
"Manong pwede po bang itigil niyo po muna iyang ginagawa niyo at may sasabihin lang po ako sa inyong dalawa ni Ate Josie pati na rin po sa bagong katulong." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]
Fiksi Remajamagbago kaya ang buhay nang isang babae dahil nakilala nya ang lalaking Superstar at sikat sa buong Universe??? O baka naman na dumugin sila ng mga tao?... Abangan. Ps: Still editing! But hope you can read this pa rin♡