SHEENA'S POV"Anak!" Sabi niya. Agad naman ako nakaramdam ng inis dahil tinawag niya akong anak! Di ba, siya pa nga ang nagsasabi na hindi niya ako anak! Walanjo! Lakas nang loob.
"Anak? Wala kang karapatan na tawagin akong anak! Eh halos ipagtabuyan mo ako noon eh!" Sabi ko pero mahinahon lang kasi bawal akong mais-stress!
"Anak, medyo busy kasi ako noon dito kita mo naman na lagi akong nakaharap sa laptop ko di ba?" Aba! Malay ko ba? Hindi na ako nagsalita ng bigla siya lumapit sakin.
"Anak, patawarin mo na ako!"
"At bakit naman ho!" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Anak! Sorry sa lahat!"
"Bakit mo ba kami pinapunta dito?" Deretsiyahan kong tanong sa kanya.
"Anak! Kahit huling araw ko na ngayon..gusto ko na ikaw na ang magpatuloy nitong trabaho ko." Bigla akong nabigla dahil sa sinabi ng Step-Dad ko. Huling araw? Mamatay na ba siya?
"H-huling a-araw?"
"Anak! Alam ko. Patawarin mo na ako! Hindi ko naman alam na may taning na pala ang buhay ko!" Nakita ko ang kalungkutan ng kanyang mata kaya naman agad ko siyang niyakap at bigla na lang tumulo ang luha ko.
"Dad, ako dapat ang humingi sayo ng sorry! Ako dapat ang patawarin mo! Patawad dahil naging masama akong anak sayo! Patawarin mo ko Dad!" Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang yakap ko siya.
"Mahal na mahal kita anak, sorry!" Habang yakap ko ang Papa ko naramdaman ko na lang na bumibigat na siya. At dun na bumagsak ang mga luha ko.
"D-daddy! Daddy! DAAAADDY!!!" tinulungan ako ni chabs at tito sa pagbubuhat kay Daddy at diniretso na sa Hospital.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆
"I'm so sorry Madam and Sir!" Yun na lang any bukod-tanging narinig ko sa doktor.
"Sheena, pwede ba tayong mag-usap in Private?" Ani tito. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
"Bakit po?" Tanong ko sa kanya. Agad akong nagtaka dahil may inabot siya sa akin na envelope.
"Ano 'to?" Nagtataka pa rin ako pero bakit parang masaya na malungkot ang mukha ni tito? Ang gulo niya.
"Envelope!?" Hahaha. Alam ko! Tito!
"Opo nga po!?" Tanging sagot ko na lang.
"Hindi! Alam mo naman na envelope yan pero ang nilalaman niyan ay mga papel na dapat mong pirmahan!" Hayst! Pinapatagal pa kadu ni tito. Nabibitin tuloy yung mga nagbabasa ng story ko!
"Tito, bakit ko naman po pipirmahan ang mga papel na nandito?"
"Pina-ubaya na ng Daddy mo ang kumpanya kaya dapat mong pagbutihin ang pagpapatakbo nito okie?" Tumango na lang ako at niyakap ko si Tito. Pasasalamat ang tawag ko dun!
Dad?! Kung na'san ka man ngayon sana magka-sama na kayo ni Mom. Pangako ko po sa inyong dalawa! Hindi ko po pababayaan ang kumpanya lalo na ang magiging apo niyo.
Pagkalipas ng isang linggo nailibing na si Dad. Hindi ko alam pero masaya ako dahil magkasama na sila sa taas ni Mom. Kailangan kong pagbutihin ang magiging kumpanya ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni chabs. Naka-upo kasi kami dito sa may sofa. Hinihintay namin si Tito dahil sasamahan niya kami/ako magpa-ultra sound. Excited na nga ako dahil malalaman ko na kung lalaki ba o babae ang magiging anak ko.
"Hello guys! We're ready?" Biglang pasok ni tito na nagsisigaw pa ng ganun! Nagulat naman kami.
"Ready na Dad! Excited na nga itong si Sheena ehh!" Agad namang sabi ni chabs. Baka nga siya ang excited kaysa sakin.
"Tara na!" Sabi ko at pumasok na kami sa Kotse ni Tito. Excited na talaga ako! Pinatakbo na ni Tito ang kotse at nagpunta na kami sa Hospital.
********
"Ready na po kayo Ma'am!"
"Naku! Doc. kanina pa po sa bahay!" Nginitian ko siya at humiga na ako sa kama. Tinaas ni Doc yung damit ko bago nilagyan ng oil yung tiyan ko.
"Ma'am it's a boy! Congrats!" Nagulat ako dahil lalake ang anak ko! Salamat naman! OMG. May pamamanahan ako ng kumpanya. Habang tinitingnan ko ang baby ko sa screen ay kinausap ko siya.
"Anak! Hayaan mo, aalagaan kita ng mabuti hindi kita pababayaan!"
"Ang swerte naman po ng anak niyo! Ma'am!" Sabi ni Doc at biglang pumasok si chabs at tito. Laking gulat nila ng malaman na lalake ang anak ko at agad akong niyakap ni Tito.
"Yes! May makakalaro na ako sa bahay! Hahahaha nagsasawa na kasi ako sa mukha mo Sheena!" Ani chabs! Hanep 'to! Parang sinabi niya na rin na panget ako. Hahaha.
"Ngayon na nalaman na natin ang magiging anak mo Sheena... Anong ipapangalan mo sa kanya?" Nginitian ko si chabs at tito. Sila naman ay ang laki ng ngiti at hinihintay ang isasagot ko sa kanila na pangalan.
"Ang ipapangalan ko sa kanya ay BRIX LIAM ALLYSON!"
"That's a good name Sheena! Congrats!" Sabi ni Tito at niyakap ulit ako. Dito na muna magtatapos ang kwento ko. Kailangan kong magtagumpay para bumalik na ulit sakin si Bryan. Kailangan kong magsumikap para mabuo ko ang pinapangarap kong magandang pamilya. Ayokong lumaki ang anak ko na walang Ama.
∆∆∆∆∆
Thank you po sa mga sumusuporta! Love Lots!😘
Love, Clairemoon14
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]
Teen Fictionmagbago kaya ang buhay nang isang babae dahil nakilala nya ang lalaking Superstar at sikat sa buong Universe??? O baka naman na dumugin sila ng mga tao?... Abangan. Ps: Still editing! But hope you can read this pa rin♡