BRYAN'S POV
Balak ko sanang dalhin si Sheena sa isang lugar kung saan siya sasaya ng kaunti. Kahit na sobrang masungit at arte ngayon ni Sheena, syempre nalulungkot pa rin ‘yan hanggang ngayon dahil sa pag-alis niya sa kanilang bahay at iwanan ang mga tinuring niyang pamilya.
Wag niyo naman sanang masamain ang sasabihin ko dahil talagang inabandona na siya ng dad niya. Minsan kasi naiinis ako sa dad niya dahil sa ginawa niya sa opisina noong dumalaw kami sa kanya.
Minsan sumagi din sa isip ko, na dapat sinapak ko na lang yung dad niya para matauhan. Pero hindi eh, kahit papaano pa naman naging Daddy pa rin siya ni Sheena.
Paano na kaya yun? Ilang araw na lang graduation na. Sino naman kaya ang aakyat para samahan siya sa stage? Magbibigay ng regalo para mag-congratulate sa kanya? Hindi mo naman masasabi dahil nga wala na ang Mom niya.
Habang nagmamaneho ako, hindi ko mapigilan ang hindi mapasulyap kay Sheena dahil kanina pa kasi siya tahimik.
Grabe naman siya. Sa mga ganito kasing sitwasyon agad-agad siyang magku-kwento ng kahit ano tungkol sa buhay niya o kaya naman yung mga nangyari sa kanya nung mga nakaraang araw at sasabihin ang kawirduhan ko.
Pero iba ngayon eh, ibang-iba.
"Bakit ang tahimik mo y’aa ngayon, wife?" sira ko sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa.
“Wife ka d’yan! Tigil tigilan mo akong artista ka, nananahimik na nga ako dito eh,” napangiti ako ng magsalita siya. Akala ko galit sakin eh.
"Bakit nga ang tahimik mo?" tanong ko kaya napatingin siya sa labas ng bintana.
"Wala lang, may iniisip lang ako" sumilay na naman ang ngiti sa labi ko. Hays. Paano kaya ako nagagawang pangitiin ng babaeng ‘to?
“Tss... Wag mo na ako masyadong isipin baka mabaliw ka d’yan kakaisip sakin, edi plus pogi points na naman ako”
"Ang kapal mo naman para isipin kita ‘no!" natawa ako ng akma niya akong babatukan.
“Bahala ka kapag nabangga tayo,” babala ko kay hindi natuloy ang batok niya sakin. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, sadista talaga.
“Tsk. Iniisip ko lang yung about sa graduation natin. Wag ka nga feeling d’yan!” naiirita niyang sabi kaya natawa na naman ako.
“Haha bakit mo naman iniisip yung sa graduation? Matagal pa naman ‘yun,” sabi ko kaya bumalik na naman siya sa pagiging seryoso.
“Iniisip ko lang yung mga gagawin kong plano kapag naka-graduate na ‘ko,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Bakit? Ano bang plano mo?" tanong ko ng tumaas na naman ang kilay niya.
"Nag-iisip pa nga lang di ba?! At saka, naisip ko na kumain kasabay si Mom," sabi niya bago ako nginitian. Bigla tuloy ako natakot sa kanya.
"Saan? Sa sementeryo? Nababaliw ka na ba? Marami kayang patay ‘dun,” nakakunot noong sabi ko kaya bigla niya ako tinawanan.
“Malamang! Kaya nga tinawag na sementeryo eh, minsan ba nag-iisip kang artista ka?” natatawa niyang sabi kaya natahimik ako. Oo nga naman.
"At saka, sasamahan mo naman ako di ba? Bakit? Wag mo sabihing natatakot ka?" pang-aasar niyang tanong kaya tumawa ako ng may pagkasarkastiko.
"Ako? Matatakot? Baka ikaw ang matakot d’yan. Konting kaluskos lang d’yan sa tabi tabi, magugulat na lang ako nakayapos ka na pala sakin, tapos sasabihin mo ‘Bryan natatakot ako’” sabi ko bago ako nag-effort na paliitin pa ang boses ko.
“—tapos ako naman itong sasabihing ‘Huwag kang matakot aking binibini, hinding-hindi kita pababayaan’ tapos ‘dun mo na ako hahalika—"
“Yuck!”
“Grabe ka naman maka-yuck! Ikaw pa ‘tong choosy eh!” disappointed kong sabi habang nagmamaneho. Ang sadista talaga!
“Tss... Wag mo ‘kong idamay sa kalokohan mo ‘no! Galing gumawa ng kwento,” sabi niya habang naiiling kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ang arte nito," saad ko ng irapan niya ako.
"Tss.." dapat pala hindi ko na siya kina-usap.
*kring *kring *kring
Nang marinig kong nag-ring ang cellphone ko, agad ko iyong kinausap.
"Hello? Manager bakit kayo na patawag?... Ahh kailan ba?...Ha? Ehh graduation namin yon ehh... Sige, sa saturday na lang... Okay! Bye!" ibinaba ko na ang cellphone at ibinalik ko na ang atensyon ko sa pagmamaneho.
"Anong meron?" napasulyap ako kay Sheena ng magsalita siya.
"Gusto mo ba sumama sa sabado?"
"Ah sige, saan ba?" tanong niya kaya bigla akong natawa.
"Eh? Pumayag ka na eh. Ultimate secret pa naman yun!" natatawa kong sabi ng batukan na ako ni Sheena ng malakas.
“Aray! Grabe ka nama—"
"Saan nga! Kainis kasi, malay ko ba!" naiinis niyang sabi kaya nginitian ko siya.
"Basta. Ligtas naman ‘yun kaya ‘wag kang mag-alala," saad ko bago siya sinulyapan. Nakatingin lang siya sakin.
"Aba, siguraduhin mo lang," matapang niyang sabi kaya ginulo ko ang buhok niya. Grabe ang cute naman inisin nito, haha!
"Syempre naman my labs kita eh," nakangiting sabi ko ng tanggalin niya ang kamay ko sa buhok niya.
"Tss... Kung anu-ano ang pinagsasa-sabi mo diyan," namumulang sabi niya habang inaayos yung buhok niya kaya napangitu ako.
"Kilig ka naman?" nakangiting pang-aasar ko ng irapan niya ako.
"Tsk. Ewan ko sayo!" sabi niya habang namumula pa rin ang pisngi nga.
“Naglagay ka ba ng blush on?” nakangiting tanong ko ng agad siyang umiwas ng tingin sakin.
“Hindi ako nagme-make up,” sagot niya habang hawak niya ang pisngi niya.
"Okay!" masigla kong sabi pero hindi siya kumibo. Grabe! Bakit ang lakas ng kutob kong kinikilig siya?
Binilisan ko na ang pagmamaneho ko at idiniretso ko na siya sa lugar kung saan lagi ko dinadala si Mom and Dad noong nagba-bonding kami.
Hindi pa ako nakakapagdala ng babae ‘dun bukod kay Mom, pero si Sheena... ang unang babaeng madadala ko doon.
Makalipas ang ilang oras na byahe nakarating na kami sa favorite place ko. Nauna na akong bumaba sa kotse para pagbuksan si Sheena ng pinto ng makitang nakababa na pala siya. Hays, sayang effort ko ah.
"Wow ang ganda naman dito!" napatitig na lang ako kay Sheena na namamanghang nakatitig sa magandang view dito.
Nagulat ako ng bigla na lamang siyang lumingon at tumingin sakin at agad na ngumiti.
"Bakit mo nga pala ako dinala dito? Grabe ang gaan na agad ng pakiramdam ko dito," sabi niya saka pumikit at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.
"Alam mo ba na ikaw ang pangalawang babae na dinala ko dito?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Agad naman siyang tumingin sakin.
"Talaga?” tanong niya kaya bahagya akong tumango.
“Eh sino yung isa? Ex girlfriend mo?” tanong niyang muli kaya napatingin ako sa kanya at umiling.
“Eh sino?” nagtataka niyang tanong kaya pinagmasdan ko ang umaalon na dagat.
“Ang Mommy ko,” sagot ko ng bigka siyang tumahimik. Tiningnan ko siya, katulad ko kanina ay pinagmamasdan na rin niya ang maganda at malinis na dagat.
“Bakit ako? Bakit mo ako dinala dito?” sabi niya habang nasa malayo pa rin ang tingin. Napakunot ang noo ko. Ako lang ba... Oh talagang may double meaning yung tanong niya?
Agad akong napailing. "Wala, gusto ko lang na maramdaman mo ang nararamdaman ko para sayo," sagot ko kaya naman siya itong lumingon sa akin. Parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata naming dalawa.
"A-anong ibig mong sabihin?" halos maubo ako ng itanong niya sa akin iyon. Grabe naman ang slow nito!
"Uhm... N-na—nasasaktan din ako sa mga nangyari sayo," sabi ko bago inilihis ang tingin sa kanya.
"Ahh... Akala ko naman kung ano ang nararamdaman mo eh,” natatawa niyang sabi kaya ngumiti na lang ako.
“Teka... Ano nga pala ang tawag mo sa lugar na ito?" bigla siyang umupo sa buhanginan at pinagmasdan ang ganda ng paglubog ng araw.
"Ang tawag ko dito ay isang paraiso" sagot ko bago umupo at tumabi sa kanya.
"Bakit naman naging paraiso ang tawag mo sa lugar na ‘to?" tanong niya pa kaya naman ay nilingon ko siya. Namumungay na ang mata niya.
"Nung unang punta ko dito sa Pilipinas kasama sila Mom and Dad, dito ko lang naramdaman ang salitang kapayapaan,"
"Bakit naman?"
"Dati kasi nagtatanim ako ng galit mula sa mga parents ko, dahil sila na lang palagi ang nasusunod sa lahat ng gusto kong gawin. Pero ng makita ko ang lugar na ‘to, agad kong hinatak papunta dito si Mom at humingi ako sa kanya ng sorry. Pero...” umarte pa akong nasasaktan sa kinukwento ko sa kanya.
“—nung malaman ko ang totoong dahilan nila kung bakit gusto na lang nila ang nasusunod, ‘yun pala ay pino-protektahan lang nila ako dahil bata pa nga ako at wala pa ako sa tamang edad para mag-desisyon ng akin."
"Tsk. Ang babaw naman pala ng dahilan mo” saad niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Para sakin big deal ‘yon!” sagot ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Ang sadista talaga.
“So ngayon na nasa tamang edad ka na, lahat ba ng gusto mong gawin nagagawa mo na?" pag-iiba niya ng topic kaya sinagot ko na din ang tanong niya.
"Oo naman, hindi na nila ako pinapakialaman, 18 na ‘ko eh at saka balak na nga ako ipakasal ni Daddy sa isang babae na hindi ko naman kilala,"
"Oh ano, pumayag ka ba?"
"Syempre hindi! Kaya nga ikaw ang ipinakilala ko sa kanila, kasi ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko," sabi ko kaya napakunot ang noo niya.
"Ahh... Kaya pala eh, tsk” napatingin naman ako sa kanya.
“Bakit?” tanong ko.
“Kaya pala ganun makipag-usap sakin magulang mo. Gusto mo pala ako maging fiancé eh,"
"Hoy hindi ah! Pero... pwede rin naman kung gusto mo," sabi ko pero pabiro niya akong sinuntok sa kanang braso ko.
"Ayoko nga! At saka hindi pa pwede kasi 17 pa lang ako at mas matanda ka sakin ng isang taon. Wala pa nga ako sa tamang edad para magpakasal" angal niya kaya napangiti ako.
"Paano kapag nag 18th debut ka na, papayag ka na ba? Magpo-propose talaga ako sayo," dagdag ko pa ng bigla na lang magbago ang mood niya. Bigla siyang nalungkot.
"Ewan ko nga kung magkakaroon pa ako ng bonggang debut eh," sabi niya bago pinagmasdan ang umaalong dagat.
"Sheena... Kaya nga ako nandito kasi kaya kitang bigyan ng magandang debut at saka—"
"Ano? Ikaw ang gagastos ng lahat? Nababaliw ka na ba?! Diyan ka na nga!" nabigla ako ng bigla siyang nagalit sakin at tumayo agad bago naglakad pabalik sa kotse.
"Saan ka pupunta?" tanong ko bago ko siya sinundan ng tingin. Bakit bigla na lang nagalit ‘to?
"Pabalik na sa kotse nakikita mo naman di ba?!" naiinis niyang sabi kaya naman tumayo na rin ako bago siya sinundan.
"Di ba nga sabi ko, ako na bahala sayo? Bakit ka ba nagagalit? May mali na naman ba akong nasabi sayo?" mahinahon kong tanong bago ko hinawakan ang kaliwang braso niya ng maabutan ko siya.
Pero agad din niya iyong binawi.
"Ano ka ba Bryan! Hindi mo ako naiintindihan!" nabigla ako ng lingunin niya ako at tumulo ang luha niya.
"Ano ba ang hindi ko naiintindihan?"
"Kasi parang pinapamukha mo sakin na mahirap na ako ngayon... na hindi ko na kayang magkaroon ng maayos na birthday debut! Tapos gusto mo na ikaw ang sasagot ng lahat?” sabi niya bago pinunasan ang tumulong luha sa pisngi niya.
“Kung gusto mo ng magarbong debut, edi ikaw na lang, tutal may pera ka naman eh," sabi niya bago tumakbo at sumakay na sa kotse.
Agad naman akong sumunod sa kanya. Pumasok na ako sa kotse bago ko siya tiningnan. Patuloy na ngayon ang pag-iyak niya.
"Bakit ka ba kasi nagagalit d’yan? Hindi naman kasi big deal sakin ang pera, ang mahalaga ngayon... Ikaw," sabi ko bago hinaplos ang buhok niya.
"Ikaw kasi, imbis na pasiyahin mo ako... Pinapaiyak mo naman ako. Nakakainis ka" natawa na lang ako sa inasta niya. Grabe, mas lalo siyang naging cute.
"Matagal pa naman siguro ang birthday mo di ba?" tanong ko pero nagkibit balikat lang siya.
"Ewan ko,"
"Kailan ba ang birthday mo?" tanong ko ulit pero nagkibit balikat na naman siya.
"Huy! Kailan nga!" pilit ko pero tumawa lang siya.
"Ayoko ssabihin!” saad niya kaya napangiti ako.
"Talaga lang ha?" agad ko siyang kiniliti sa tagiliran niya kaya siya naman itong tumatawa.
"Hahaha—ano ba—hahaha b-bryan! Hahaha—tumigil ka na nga!" malakas niyang sabi kaya agad akong tumigil.
"Ano? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi ka na malungkot?" tanong ko kaya naman agad siyang ngumiti at tumango.
"Salamat," saad niya kaya napangiti ako.
"Tandaan mo, hindi mahalaga sakin ang pera... Nandito lang ako ha," mahinahon kong sabi bago siya hinalikan sa noo. Alam kong nagulat pa siya pero ako itong chill lang.
"Ano uwi na tayo?" tanong ko ng hindi siya magsalita.
"S-sige, gabi na din kasi" nahihiyang sabi niya kaya sumilay na naman ang ngiti sa labi ko. Namumula na naman ang pisngi niya eh.
"Okay!" Isinuot ko na ang seatbelt at pinaandar na ang kotse saka minaneho pauwi.***
Edited.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]
Teen Fictionmagbago kaya ang buhay nang isang babae dahil nakilala nya ang lalaking Superstar at sikat sa buong Universe??? O baka naman na dumugin sila ng mga tao?... Abangan. Ps: Still editing! But hope you can read this pa rin♡