Lumipas ang isang linggo ng matapos ang nakakapagpigil hiningang pangyayari sa pagitan namin with our professors na super na shock din kagaya ko dahil sa ginawa ni Bryan.Kinuwento niya sakin kung paano na shock sa harapan niya si Professor Mayora at ang buong professors sa loob ng meeting room ng sabihin niyang ikinasal kami sa States nung mag-bakasyon kami doon.
Grabe, hindi talaga ako nakapag salita nung sabihin niya sakin iyon. Ang ginawa ko na lang ay hinabol siya ng hinabol at pinaghahampas ng unan.
Nahihiya talaga ako sa kanila. Pero nung lumipas ang mga araw... nagpakita sakin si Professor Mayora. Syempre ako natakot sa kanya kasi baka saktan niya ko pero dinala niya lang ako sa isang coffee shop which is sa Starbucks. Nagulat ako ng hawakan niya parehas ang kamay ko at umiyak siya sa harapan ko.
Flashback;
Naglalakad ako papalabas ng gate dahil bibili ako ng snacks namin ni Bryan. Tinutulungan ko kasi siya mag-ayos ng mga certificate which is yung mga diploma ng mga ga-graduate this school year at sobrang dami talaga. Sobrang matrabaho ang pag-aayos ng mga diploma ng mga istudyante. Syempre kasama na kami dun.
Habang naglalakad ako, sinalubong ako ng isang naka-hoodie na babae at si Professor Mayora pala iyon. Napayuko na lang ako kasi baka saktan niya ko or what pero...
“Can we talk in private?” tanong niya sakin kaya hindi ako nakapag salita. Ano bang dapat kong sabihin?
“A-ah... hin—”
“Please?” putol ni Professor Mayora sa sasabihin ko pero ako itong na-pipi na naman.
“I will not hurt you Sheena, I just want to talk to you privately.” aniya. Huminga na lamang ako ng malalim at saka marahan na tumango.
“Thank you,” sabi niya bago itinuro ang kotse niyang dala. Sumakay ako sa passenger seat at siya naman sa driver seat.
Dinala niya ko sa Starbucks at siya na ang nag-order ng coffee para sakin.
“Seat down,” agad akong sumunod sa kanya at ngumiti ng kaunti kahit na awkward.
Habang hinihintay namin ang in-order naming kape, tinitigan niya ako bago siya huminga ng malalim at nagsalita.
“First of all, I want to apologize to you for what I did. I know it's too late because I no longer teach to that school pero sana pa rin ay bigyan niyo ako ng chance?” sabi niya kaya napatingin ako sa mga mata niya. Kaunti na lang ay luluha na ang mga mata niya kung kaya't agad kong ibinaba ang tingin ko sa lamesa.
“Hindi ko po alam kasi dapat si Bryan ang kausapin mo Professor Mayora. Wala po kasi ako sa posisyon para bigyan kayo ng chance, pero napatawad ko na naman po kayo” sabi ko ng hawakan niya parehas ang kamay ko.
“I'm begging you Sheena, please help me to restore my job!” lumuluha niyang sabi kaya agad kong binawi ang kamay ko sa kanya.
“I'm so sorry po. Kailangan ko na pong umalis” saad ko bago naglakad ng mabilis papalabas ng pintuan ng Starbucks.
End of flashback:
Sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari nung isang linggo, palagi ko na lang tinatanong sa sarili ko na... masama na ba ako? Dapat ba tulungan ko siya na maibalik ang trabaho niya? Kasi profession niya yun tapos ako itong hadlang sa naging trabaho niya?
Nang makabalik ako 'nun sa school matapos bumili ng snacks namin, kinuwento ko kay Bryan ang mga naging usapan namin ni Professor Mayora pero..
Flashback;
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]
Teen Fictionmagbago kaya ang buhay nang isang babae dahil nakilala nya ang lalaking Superstar at sikat sa buong Universe??? O baka naman na dumugin sila ng mga tao?... Abangan. Ps: Still editing! But hope you can read this pa rin♡