CHAPTER 39-HOSPITAL-

2.8K 63 0
                                    


Dedicated to : @Uricapeji123

NICKOLAS POV

"ANOOO!" sabi ko. Nagulat na lang ako sa sinabi ng doktor.

"Kayo po ba ang Ama ng bata? Bakit po kayo gulat na gulat sa sinabi ko?" para na akong tanga dito na nakanga-nga. Hayop! Bakit di ko nalaman agad yun! Yung pagsusuka niya, yung pagsakit ng ulo niya. Doon pa lang dapat nalaman ko na...... Buntis si Sheena!!!

Pero.... PAANO? Sino ang Ama ng bata? Imposible naman na papatulan ko siya ehh.... Halos kapatid na ang turing ko sa kanya. Sino? Sino ang Ama ng bata?

Yan ang biglang naisip ko.... Paano mabubuntis si Sheena ng walang nangyayari di ba? How?

"Ahh... Mr.? Okay lang po ba kayo?"

"Ahh... Hindi ako ang Ama ng bata! Tsaka okay lang naman ako, salamat! Pwede ko na bang puntahan si Sheena sa Room niya?" Tanong ko sa doktor. Sumagot naman siya at umalis. Nag-deretso naman ako sa kinaroroonan ni Sheena. Binuksan ko ang pinto at saka pumasok. Nakita ko si Sheena na mahimbing matulog.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Nagising na si Sheena, sa wakas.

"Chabz? Na'san tayo?" Tanong niya sakin pagkagising niya. Nginitian ko na lang siya. Paano ko sasabihin sa kanya na buntis siya!?!!!

"Ahh... Sheena, nasa Hospital kasi tayo! Pwede bang umamin ka sakin?"

"Na ano? Anong aaminin ko?"

"Sinong lalaki ang luma-pastangan sayooo ha?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na sigawan siya.

"Ahh... Bakit mo ako tinatanong ng ganyan! Nakakatakot ka chabs!" Sabi niya sakin na may irritating na salita.

"Buntis ka Sheena! Hindi mo ba alam yooooon!"

"A-a-a-ano?" Bigla na lang tumulo ang luha niya. Napahilamos na lamang ako sa mukha ko.

"ANO! Sumagot ka! Sino ang lalaking luma-pastangan sa pagkatao mo ha!" Iyak lang siya ng iyak.

"SINOOOOO!" Bigla na lang siya humagulhol dahil sa sigaw kong yon! Paano na!

"Pwede bang wag kang umiyak?! Sabihin mo sakin kung sinooo! SHEENAAAA!"

"SI BRYAN! Si bryan ang ama ng nasa sinampupunan ko!" Napaluhod na lang ako ng marinig ko ang sinabi niya. SI BRYAN? Paano! Ni-hindi nga niya makilala si Sheena! Halos patayin niya si Sheena sa kakaiyak nito gabi-gabi!

"Pe-pero... paano?"

"Umuwi siya dito sa U.S! Sinabi niya na mag-usap kami sandali kaya sumama ako sa kanya! Pe-pero hindi ko naman alam na dadalhin niya ako sa Condo niya! Hindi ko sinasadya na halikan ko din siya pabalik! Chabs, paki-usap patawarin mo ako! Sorry! *sob*"

"Sorry? Yan na lang ba ang sasabihin mo ngayon? Sorry? Unbelievable! Paano na! Kasal na siya!"

"Sorry, sorry, sorry talaga! Hindi ko naman sinasadya ehh! Anong gagawin ko ehh mahal ko yung tao!"

"Porke ba Mahal mo yung tao, ibibigay mo nang lahat sa kanya? Lalo na ang pagkatao moooo!?"

"Alam kong Mali ang nagawa ko chabs pero sorry, sorry talaga!" Paghingi niya pa rin ng walang katapusang sorry!

"Eh! Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nangyari na eh! Paano na?! Anong gagawin mo Sheena!?"

"*sob* Palalakihin ko siya ng mag-isa! As in ako lang! Gagawin ko lahat para sa kanya! Papagandahin ko ang buhay niya!"

"Magiging proud na ako sa ngayon! Hayaan mo tutulungan kita!"

"Maraming thank you chabs!" Niyakap niya ako at inabot din kami ng hapon para makaalis sa Hospital hindi kasi siya hinayaan na lumabas na lang ng hindi nagpapahinga. Ngayong araw lang daw siya naging stress ng ganun karami kaya mula ngayon iingatan ko ang health niya at mas lalo na ang kalusugan ng baby.

SHEENA'S POV

AFTER 3 WEEKS!

"Sigurado ka ba na itutuloy mo ang pagbabago ng apelyido mo?"

"Oo, kailangan ko ng palitan ang pagiging Perez ko!"

"Bakit mo ba naisipan ang ganyan! Wala ka na sa pag-iisip!"

"Matino ang pag-iisip ko! Inaalala ko lang ang magiging anak ko!"

"Ahh... Ikaw ang bahala! Ano ba ang gagawin mong apelyido?" Tanong sakin ni Chabs. Madali lang magpalit dito sa U.S ng apelyido lalo na at hindi ka pa naikakasal. Kaya pwede mo gawing lahat.

"Mula sa araw na'to! Ako na si Sheena Allyson!"

"Ang corny mo! Hahaha!"

"Mabuti ka pa at nakukuha mo pang tumawa!"

"Ano ka ba! Bakit naman Allyson?"

"Wala ka nang pakielam dun, chabs!"

"Ahh... Ok! Ok!"

Ipinapangako ko sa sarili ko na walang makakaalam na buntis ako. Ako lang at si chabs ang makakaalam! Syempre si Tito din.

Magiging sikat akong Model at tatalunin ko ang malanding Sky na yun! Hahayaan ko na muna siyang magpaka-sarap sa buhay! Hahayaan ko munang landiin niya si Bryan, pero mula sa araw na'to! Maghihiganti ako sa kanila.

∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Hello! Enjoy reading mga readers!

Love, Clairemoon14


Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon