NICKOLAS POV"Oh? Ano pang gusto mo ha!"
"Gusto ko ng Ice Cream!!!"
"Hindi nga pwede sayo ang Ice Cream!" Nagtatalon na ako dito na parang bata. Kanina pa siya Ice Cream ng Ice Cream! Hindi na siya nagsasawa dun! Hay nako!
"Anak!" Nagulat ako ng bigla na lang sumulpot si Dad sa may Pintuan ng kwarto ni Sheena.
"Dad? Ginulat mo naman po ako!" Tinapik ako ni Daddy sa may kaliwang balikat ko na parang siya na ang bahala kay Sheena.
"Ako na anak! Ano bang gusto mo Sheena?" Sabay baling ni Dad sa nagmumukmok na si Sheena! Hays.
"Tito, gusto ko po kase ulit ng Ice Cream pero ayaw naman akong ibili ni Chabs ulit!" Tiningnan ako ni Dad ng masama! Bakit, ano bang mali na pagbawalan siya? Para naman sa kanya yun eh!
"What?" Nag-iling-iling ko pang sabi kay Dad. Si Dad naman.
"Tsk. Tsk. Tsk. Anak, lahat ng gusto ng buntis binibigay! Kase nga naglilihi siya!" Hay Daddy! Ano namang alam ko sa Paglilihi ng isang babae? Mukha na ba akong gurlaluu sa lagay kong 'to? What the heck!
"Ok, Dad! Ibibili ko na siya!" Lumabas na ako at kinuha ang coat ko sa may tabi ng pintuan. Nag-drive ako papunta na sa Ice Cream Parlor!
SHEENA'S POV
Simula nung umalis si chabs, kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa nakatitig sa akin si Tito. Para bang may sasabihin siya sakin na pinag-dadalawang isipan niya pa!?
"Tito? May sasabihin po ba kayo sakin?" Bigla niya akong ningitian.
"Ano kase.... Sheena....!" Ngayon di na siya makatingin sakin. Ano bang problema nitong si Tito?
"Ano po ba 'yon, Tito!"
"Ang totoo kasi niyan.... Bukas pumunta tayo sa Opisina ng Dad mo! Pinapapunta ka niya doon!"
"Bakit? Kailangan niya ba akong kausapin?"
"Oo! Kailangan na kailangan!" Anong bang problema ng Step-Dad ko. Ayoko pa naman na makita siya! As in NEVER! Pagkatapos ng mga pinagsa-sabi niya sakin na mga masasakit na salita! What the hell! Baka kapag kinausap niya ako mamura ko na agad siya! Pero syempre hindi ko yun gagawin sa kanya, kahit na ganun ang ugali niya Dad ko pa din siya, siya ang nagpalaki sakin nung mawala si Mom sa tabi ko di ba?
"Sige po!" Saka na lang siya umalis at lumabas ng kwarto ko. Bigla akong napa-isip!
Bakit niya kaya ako pinatawag sa Opisina niya bukas? Siguro nagsisisi na siya sa mga pinagsasa-sabi niya sakin nung last na binisita ko siya nun, ano? Hays! Mabuti nga sa kanya! Ang sama niya kasi ehh kaya ayan! Tinamaan ng karma.
Pero kung ako ang tatanungin.... Bakit nga ba?
"Hoy buntis! Tama na ang pag-o-over thinking mo diyan! Ayan na ang Ice Cream mo oh!" Hindi ko alam na may galit pala sakin 'tong tababoy na'to ahh... Hindi naman niya inihagis sakin ang Ice Cream pero.... What the? Bakit Chocolate Ice Cream lang?
"Huy! Bakit Chocolate Ice Cream lang 'to?"
"Bakit? Ano pa bang gusto mo bukod sa Ice Cream?"
"Ice Cream lang naman!"
"Eh? Ano pang inaangal mo diyan? Di ba Ice Cream din yan?"
"Oo! Gusto ko kase ng Ice Cream with chocolate, vanilla, strawberry, blueberry, and ube naman maraming toppings! Yung pagsa-samahin ba lahat!? Yun! Yun ang gusto ko!"
"Pagsama-samahin lahat? Nababaliw ka na ba babae ka? Anong lasa naman nun?"
"Masarap yun maniwala ka saken!"
"Sige na nga! Kainis talaga 'to pababalikin ulit ako sa Ice Cream Parlor! Hays!" Lokong 'to! May sinasabi y'ata!
"May sinasabi ka?"
"Ahh... Wala naman! Sige alis na ako ahh!" Sabay kuha ng coat niya na kakalagay pa lang niya sa may tabi ng pintuan ko. Feeling ko talaga may sinabi siya sakin kaya ganun na lang kaatat kung tumakbo?!
AFTER 3 HOURS...
"Bakit kaya ang tagal ng tababoy na yun?"
"Sheenaaaaa!"
"Oh? Bakit?"
"Pasensiya na natagalan ako ahh! Medyo mahirap kase pagsama-samahin yung mga hinihingi mong toppings sakin kanina!"
"Bakit ba ang tagal mo! Inaantok na kaya ako! Ilagay mo na lang yan sa Ref. tapos matulog at magpahinga ka na!"
"Ano? Pero sige na sige na! Baka sigawan mo na naman ako ng ganyan! Hay naku! Mahirap talaga kapag may kasama kang buntis ano? Ang daming mga kagustuhan sa buhay! Hays!"
"Nagpaparinig ka ba tababoy ka?"
"Hindi noh! Kasalanan ko bang marinig mo yun!" Tatayo na sana ako ng bigla na lang tumakbo papalabas si chabs kaya nung nakita ko siya na pababa ng hagdan... Sinarado ko na ang pinto at bumalik ulit sa pagkakahiga ko.
"Goodnight Baby ko ha! Kapag 5 buwan ka na sa tiyan ko ipapa-ultra sound na kita! I love you!" Sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko. Unti-unti ko ng ipinikit ang mata ko at natulog na ako.
∆∆∆∆∆∆∆∆∆
Hello! Salamat sa pagbabasa nito ha! Maraming salamat! Enjoy reading!!!
Love, Clairemoon14
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Artista [COMPLETE: Editing]
Teen Fictionmagbago kaya ang buhay nang isang babae dahil nakilala nya ang lalaking Superstar at sikat sa buong Universe??? O baka naman na dumugin sila ng mga tao?... Abangan. Ps: Still editing! But hope you can read this pa rin♡