DARK SECRETS 1

45 4 0
                                    

Akio's POV

" Rates of reaction can be determined by monitoring the change in concentration of either reactants or product as a function of time"

Tinititigan ko ang lecturer namin na palakad lakad mula sa likod hanggang sa harap. Muli itong naglakad paharap at huminto sa tapat ko. Bigla akong kinabahan. Kilala siyang isa sa mga terror na lecturer sa klase namin. Kung hindi ka makakasagot sa mga tanong niya ay mas mabuti pang wag ka nang pumasok sa oras niya.

" Mr. Montenegro stand up! "

" Yes, Ma'am "

" Describe the Reaction process"

Medyo nakahinga nako ng malalaim ng iba ang marinig kong pangalan na kanyang binanggit. Napatingin ako sa aking katapat na kasalukuyang nanginginig sa takot.

Napasulyap ako sa nag iisang upuan sa dulo malapit sa bintana. Bakante ito. She's not here,why?. Di ko namamalayan na nasagot na pala ni Mikee ang tanong ng aming lecturer.

" Good! Sit down." Puri nito at muling naglakad papuntang likod at huminto. Sh*t Eiji. Bakas sa mga mukha ng mga kaklase ko ang pagka takot. Kinuha ng lecturer namin ang papel ni Eiji at itinapon sa may pintuan.

*tak*

Mapapamura ka nalang sa kaba.D*mn. Gulat na napatingin si Eiji sa kanya. Patay ka dude.

" My class is not a drawing session! Kung gusto mong magdrawing lang dun ka sa Art class! You don't deserve to be here! "

Nakakabinging galit na sigaw ng lecturer namin. Minsan nayaya narin ako nila Lynx na mag scape nalang at wag nang pumasok sa subject na ito. Pero tumanggi ako, takot ko lang kay Ma'am.

Galit na pinalabas siyang pinalabas ng lecturer namin sa klase. Nabalot ng sobrang katahimikan ang loob ng klase. No one dares to create any sound. Muli itong bumalik sa harapan at bumalik sa pagdidiscuss na parang walang nangyari. Matapos ang ilang oras ay nag dismissal na kami. Pagkalabas namin ng kwarto ay nakahinga nako ng maayos. Nahagip ng mga mata ko si Eiji. Nakapamulsa ito at nakangiti pa ang gag*. Lumapait ako sa kanya.

" Stupid, sa dami ng oras at lugar bakit doon mo pa napili magdrawing ha?. Anong klaseng utak yan bro"

" That's the only thing para makalabas ako ng classroom HAHAHAHA"

Inagaw ko sa kanya ang hawak hawak niyang sketch pad. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit na galit sa kanya ang lecturer namin.

" Very artistic" I commented.

" Should I take that as a compliment?"

" Lupet mo Bro! Kung sumali ka kaya sa Art Club "

It's pure Sarcasm.Sabay kaming tumatawa habang naglalakad patungong cafeteria. Isa akong transferree dito, mag sasiyam na buwan palang noong inilipat ako dito ni Papa. He said it's a great school.

Habang naglalakad kami ay may biglang tumapik sa balikat ko and I knew it all along. Dahil doon ay napatigil kami sa tapat ng library.

" Yow! Mga bro! Congrats nga pala Eiji" bati nito samin sabay tawa. " But listen to me Akio" nagulat ako sa bilgang pagpalit ng awra ng kanyang boses. He's not the usual Cloud I knew. He talks so serious.

" may gusto sana talaga akong sabihin sayo, kahapon pa"

Napansin ko rin ang pagiging seryoso ni Eiji. Na ngayon ay nakatingin narin sa sahig.
" Don't you think it's a bad Idea to tell it now?"

Napansin ko na nakabukas ng bahagya ang pintuan. Nahagip ng mga mata ko ang pamilyar na pigura ng isang babae. Hindi ko alam pero kusang umabante ang aking mga paa, papasok sa library. Hindi nga ako nagkakamali, siya nga ito.

" Akio san ka pupunta?" Rinig kong tawag sakin ng dalawa ngunit di ko ito pinakinggan at nagpatuloy sa paglalakad.Tahimik ito habang nagsusulat.

"Hi" bati ko dito.

Lumapit ako dito at sinulyapan ang kanyang ginagawa. " What are doing?" Tanong ko dito. Patuloy parin ito sa pag sulat sa kanyang notebook.

" Do you want to read it?" She asked me with a soft voice.

"Ah-eh, n-no that's invading your privacy "

" you sure ?" Tanong nito pero patuloy parin ito sa pagsulat.

Tumunog na ang bell ng eskwelahan. It's already twelve in the afternoon. May narinig akong yapak palapit samin. Ang librarian, minsan ko lang ito makita dahil minsan lang rin ako pumupunta dito. Sa siyam na buwan kong pagtatagal dito ay dalawang beses palang ako nakakapasok dito. Malimit lang rin pumunta dito ang ibang mga estudyante.

" I haven't seen you before" inayos nito ang kanyang salamin. Medyo matanda na ito, makikita mong namumuti na ang kanyang buhok. Nakatingin ito sakin.

" I'm Akio Hiraoka, a transferee from the 11th grade maam " nakayukong pagpapakilala ko bilang galang sa kanya.

" I'm Loriza the librarian, I want you to know that you're welcome here anytime you want, but I think you should get going now" she motioned her fingers to the door. Wala nakong magagawa kundi lumabas.

" yes maam, thank you and bye " at humakbang nako papunta sa pintuan at lumabas. Bago ko sinara ang pinto ay muli ko siyang tinitigan. She's still writing. Nagpakawala nalang ako ng isang mabigat na hinga at naglakad na patungong cafeteria.

DARK SECRETS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon