DARK SECRETS 11

4 0 0
                                    

Akio's P.O.V

" Yup, 21 na saksak. Nawaala nga daw yung mga puso ni Tadashi at ni Zio"

" That's why it is really very dangerous to go outside the dorm when it's already night time"

Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawang kaharap ko. Sabado ngayon at walang klase. Nag paalam si Eiji na mag CR lang.

" Hanggang ngayon di parin talaga ako makapaniwalang patay na si Jeanine, sayang chix pa naman yun"

Kanina pa ito nagsasalita, ngunit walang pumapanain sa kanya. Ang kwento niya ay patay na ang lima naming kaklase, maaga raw sila kaninang nagjogging at natagapuan nalang nila ang mga ulo ng lima naming mga kaklase sa gate nakasabit at may nakaturok na kutsilyo sa mga noo. Sunod sunod na ang pagpatay dito.

I wonder if alam ba ito ng mga parents ng mga nag aaral dito.

"Hey! Cloud! Diba kasama ka sa meeting noong nakaraan, can you tell me kung anong pinagusapan niyo?" 

"Bakit? Late ka rin ba?"

"Hmm yah"

"I suggest wag ka sakin magtanong dahil late rin ako ng araw na yun"

I'm  a bit disappointed. Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling si Cloud sakin. Ang sabi sakin ni Harry ay ako lang ang wala doon. Hindi ko maiwasang magtaka. Tinitigan ko ito habang kumakain. Mali naman kung pagisipan ko siya ng masama kay Eiji nalang ako magtatanong mamaya. 

Naglalakad kami ni Cloud patungong oval.

"Wait, Cloud"

"Oh san ka pupunta bro"

Para kasing may mali sa pintuan ng abandonadong laboratory. Patang marumi ang glass windiw ng pintuan. Lumapit ako dito upang tignan mabuti. Sumunid sakin si Cloud.

" Is that a blood?" Tanong nito mula sa aking likuran. Tama siya dugo nga ito. Pero paanong?

"Yeah"

Paanong nagkaroon ng dugo dito. Pinihit ko ang foorknob ngunit locked ito.

"How come? "

" I don't know, maybe it's somewhat connected to the crime that happened last night" sabi ko habang sinusuri ito. There are some finger prints. Kailangan ko itong mabuksan.

" What are you doing there?"  Ma awtoridad na sabi ng nagsalita. I knew that voice well. Humarap kami sa kanya at nag bow as a sign of respect.

"Good Morning Dean. We just got curious about the blood stains here"  tinuro ko ito.

Kasama pala niya si Millian. Seryoso itong nakatingin samin. "Go ahead, kami na ang bahala diyan."

"Okay, Dean bye" we said in unison.

Nagsimula na kaming maglakad ni Cloud nakapatong ang mga kamay nito sa kanyang  ulo at sumisipol sipol pa. Napadako ang mga mata ko sa isang sulok. She was there again sitting nakajacket parin ito at gloves.

Nauuna na si Cloud kaya di na ako nagatubiling magpaalam dito. Lumapit ako sa kanya saka tumabi. "It's your favorite spot. Am I right?"

Tumango tango lang siya. Matagal akong tumitig sa kapaligiran. Di ko masasabing tahimik pero maganda talaga dito.

" Seraphina is missing"

"You mean the doll?"

Tumahimik itong muli at tumingala. "We fought again last night and now I cannot find her anymore" nag aalala niyang sabi.Hindi ko na talag siya maintindihan.

"How may I help you?"

Bigla itong tumingin sakin. "No! You cannot do anything"

Muling napakunot ang aking noi sa kanyang sinabi. Nakita kong palapit sakin si Cloud. Marahil ay napansin niyang wala na ako sa likod niya.

"Yo! Iniwan moko, dika manlang nagtawag. Para akong tangang nagsasalita kanina"

" Sorry pinuntahan ko kasi si-" hindi ko na nituloy pa ang aking sinasabi, dahil wala na siya sa tabi ko.

"Who?"

"Ah. Nothing" napakamot nalang ako sa batok ko. Bigla bigla nalang siyang nawawala. Saan nanaman kaya siya nagpunta. I know that she's avoiding to get attached with other people.

Naalala ko ang mga sinabi niya sakin noong nakausap ko siya. Napaka imposible talagang ako lang ang nakakakita sa kanya. Impossible. Napiling nalang ako dahil sa aking iniisip.

"Wooaaaah!!! I'm bored men"

Tumayo nako para yayain siyang bumalik na sa dorm. "Lets go"

********

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung saan nawala ang manika ni Sidyne. Naglakad ako patungong bookshelves at pumili ng isang libro.

Nakatulog ang madaldal na si Cloud dahil sa paghihintay niya kay Eiji na hanggang ngayon ay wala pa. Nakulong na ata sa CR.

Nasa kalagitnaan akp ng pagbabasa nang may kumatok sa pinto. Maaring si Eiji ito. Kanina pa namin siya tinetext na pumunta nalang rito. Laking gulat kp nang may ibang sumalubong sakin. Si Lacy. Ngumiti ito sa akin.

"You promised, that you're going to teach me play piano right?"

"Yeah"

Bigla akong hinila nito. Hanggang sa baba. Mabilis ang paglakad namin nasasabay ako sa kanya dahil hawak niya ang mga kamay ko. Gusto ko sanag alisin ito dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao. Baka isipin nilang may relasyon kaming dalawa.

Ang hula ko ay papunta kaming music room. Pero bakit parang iba ata ang dinadaanan namin. This is weird. Mabilis parin ang paghatak niya sa akin.

"Saan tayo pupunta?"

Hindi akp sinagot nito at patuloy paron sa paghila sakin. Tumahimik nalang ako at nagpahila nalang ng nagpahila. Medyo napapagod nako malayo pa ba? Gusto ko sanang itong itanong sa kanya ngunit baka magalit lang ito sa akin.

Nakatingin ako sa mga hakbang namin. Bigla siyang tumigil dahilan para mabunggo ko siya agad akong nag sorry. Pero nginitian niya lang ako.

"We are here"

Sabi niya sakin. Sabay bukas ng pinto. Kasabay nito ang pagsabog ng confetti sa loob. May nakita rin akong banner na  ang nakalagay ay 'HAPPY BIRTHDAY '

So this is a surprise huh? Sabi ko sa isip. I'm somewhat thankful for there effort. Birthday ko pala ngayon? Hahaha

DARK SECRETS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon