sa locker ko. Hindi ito maari napaka imposible.
Dahil sa mga nabasa ko ay mas lalo ata akong di makatulog. How could it be? Pano nangyari yun?
Kailangan kong malaman kung sino ang nagpapadala sakin ng mga sulat. Tumayo ako at humakabang palapit sa bookshelf.
Lumuhod para maabot ang maliit na kabinet sa baba kung saan ko ito nahanap. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili.
Napaka imposible namang iisa ang nagsulat sa mga letter na yun at sa letters na natatanggap ko. Sa tansya ko ay napakatagal na ng aulatna iyon. Ang isa pang pinatataka ko ay bakit at paanong nagkaroon doon ng dugo? Habang nagiisip ay napatingin ako sa irasan alas dos na. Medyo pumipikit narin ang aking mga mata. Kaya minabuti ko na munang wag itong isipin at matulog na maaaga pa ako bukas lagot ako sa Chemistry lecturer namin nito pag nalate ako.
*********
Napadilat ako sa pagtunog ng alarm clock ko. Umupo ako sa kama mula sa pagkakahiga at humikab ng ilang beses. Teka, unti unti kong nilingon ang alarm clock ko. Putcha!
Minadali kong bumaba sa kama at pumasok sa banyo dala dal ang tuwalya. Halos magkanda ugaga ako sa kakamadali. 6:34 na at 7:30 pa ang klase. Pero naman! Bakit ngayon pa? Nangangamoy locked ng pinto ang abot ko. May patakaran kasi yung lecturer namin na dapat 7 o'clock ay nasa loob na ng klase. Dahil kung wala ka pa ay di ka na talaga makakapasok.
Pagkatpos kong maligo ay nagbihis na ako kinuha ko ang bag ko mula sa pagkakalapag sa sofa at necktie mula sa pagkakasabit sa likod ng pintuan. Nilock ko mua ang pinto. Nagmamadali akong naglalakad habang sinusuot ang necktie ko. Wala na akong pake kung di ito maayos. Tumingin ako sa relo ko. DAMN! ginulo gulo ko ang buhok ko. Di pa pala ako nakaksuklay. Sh*t.
6:54 Wala na akong choice kundi ang tumakbo. Habang tumatakbo ay di ko maiwasang may mabunggo. Nag sosorry nalang ako sa mga ito.
Hingal na hingal akong dumating sa room. Nakahinga ako ng mabuti nang makita ko silang naglalaro lang at nagdadaldalan. Kumaway sakin si Eiji.
Lumapit ako sa mga ito at umupo.
"Ow, what was that look?" Natatawang tanong niya sa akin.
Umiling iling nalang ako. "I think you need this?"
Humarap ako kay cloud at tinignan ang inaabot niya. Isang suklay.
" wala ata si Ma'am eh. Kanina pa kami dito"
"Lucky you"
Kanina pa naguusap sina Eiji pero di ako nakikinig iniisip ko ang mga nangyari at natuklasan ko kagabi. Was it possible?
Nakatulala ako sa suklay na pinahiram sakin cloud. Kung minsan ay nilalaro ko ito at pinapaikot sa mga daliri ko. Hanggang ngayon wala parin si Ma'am.
Wala naman raw announcement ang scholl na mag kakaroon ng faculty meeting. Ibinaling ko ang aking tingin sa isang upuan sa harap. Wala nanaman siya. Di kaya siya. Hayssst.
Ilang minuto pa ay wala pa si Ma'am. Kaya ang iba ay nagsisilabasan na ng room. Nagyaya na rin sina Eiji kaya sumama nako sa mga ito.
Nakasalubong namin aina Millian. Medyo naiilang ako sa mga tingin niya. Masyado siyang seryoso. Kaya sa tuwing nagkakatinginan kami ay ako na ang umiiwas.
Nalaman namin sa kanila na nagkaroon raw ng urgent meeting sa Dean's office ngayong umaga.
Kaya pala. Nagpaalam ako sa kanila na may kukunin lang sa locker. Kukunin ko ang lahat na sulat na natanggap ko para maaigurado ko kung parehas pa talaga ang mga ito sa nabasa ko kagabi.
Habang pabalik sa kabilang building ay lumilinga linga ako. Totoo kaya yung lugar na pinuntahan namin ni Sidyne sa panaginip ko? May lugar kayang ganon dito. Kung meron man saan kaya ito?
Ipinikit ko ang mga mata ko. At unti unting inaalala ang eksaktong mga lugar na dinaanan namin ni Sidyne sa panaginip ko bago namin marating ang lugar na iyon. Pero ang hirap. Napakahirap nito alalahanin.
I give up. Mabuti p at babalik nalang ako kila Cloud. Hindi pa ako nagbrebreakfast medyo kumukulo na ang tiyan ko dahil sa gutom.
Minessage ko sila na magkita kami sa canteen. Pagkarating ko ay nagulat ako dahil kasama nila si Millian. Na ngayon ay seryosong nakatitig sa akin. Medyo nakakailang rin. Ano bang kasalanan ko at yanyan siya makatingin sakin ngayon?
Napresenta akong bumili ng mga pagkain para makaiwas sa mga tingin ni Millian. But Eiji insist. Wala talagang cooperation ang mga ito. Badtrip men. Umiiwas ako! Can't you see?
Tinignan ko ng masama si Cloud na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Ayoko ng ganito. Nanatili kaming tahimik habang hinihintay namin si Eiji na umorder ng mga kakainin namin. Tinitiis ko nalang ang gutom ko. Nakatitig parin sakin si Millian.
"A-ahmm, asan sina Lacy?"
Tanong ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya at umaayos ng upo. "I dunno"
She crossed her arms at sumandal sa upuan. I just nod. Muling tumahimik.
May naramdaman akong pagsipa sa ilalim. It's cloud. Parang may sinesenyas ito. Pero di ko siya naiintindihan.
Nagulat ako ng biglang tumayo si Millian at nagpaalam na magbabanyo lang. Sa Oras na iyon ay nakahinga na ako ng maayos. Mabuti naman dahil di na talaga ako komportable sa mga tingin niya sa akin.
Dumating si Eiji dala dala ang mga pagkain namin. Bahagyang napakunot ang kanyang noo.
"Where's Millian?"
"Nag CR" sagot ni cloud. Gutom na talaga ako at nauna nang kumain. Pinipigilan pa ako ni Eiji kailangan raw naming hintayin si Millian. Pero gutom na gutom na talaga ako. I took a bite of my burger kasabay nito ang pagkarinig namin ng malalakas na sigaw.
BINABASA MO ANG
DARK SECRETS
Mystery / ThrillerYou really don't know what's the real face behind the mask of every people you've met.