DARK SECRETS 14

8 1 0
                                    

Late akong nagising kanina. Nandito ako ngayon sa botanical garden ng school. Maganda tumambay dito tahimik. Nakakarelax rin.

" Relaxing huh?"  Lumingon ako sa nagsalita saka umusog para mabigyan siya ng mauupuan.

Tumabi siya sakin.

" Sort of " usal ko alam kong nakatingin ito sa akin.

"Hmm. Sa bagay, ang dami kasing weird na nangyayari ngayon dito sa school"

Inalis na niya ang tingin sa akin. Sinundan ko ang kanyang tingin. Napanain niya kaya siya? She's staring at Sidyne na ngayon ay parang walang pakeng naglalakad. " You're not busy? "

"ah. Naayos na namin lahat ng kailangan ayusin kagabi"

Tumango tango nalang ako. Ilang minuto pa ay may tumawag sa kanya. It's Lacy agad itong nagpa alam sa akin at umalis.

Huminga ako ng malalim. Hanggang ngayon wala parin akong clue ni isa sa mga nangyayari. Una yung di nakikilalang namatay na batang lalaki daw pangalawa si Nurse Judith, pangatlo yung taga ibang klase na nakasabit sa hagdan then yung pagpapakamatay ng isa naming teacher and kahapon lang lima sa mga kaklase namin ang namatay. Wala ka talagang makikita clue. Sinubukan ko na dati pumunta sa ospital at baka may mahanap ako ay wala parin.

Nagtanong tanong rin ako sa mga ibang estudyante pero wala parin. Naguguluhan nako msyadong malinis ang pagpatay ng killer pero napakabrutal nito.

Isa pa sa mga iniisip ko ay ang mga sinasabi ni Sidyne that she doesn't really exist. It's really impossible. Alam kong siya ang tinititigan ni Millian kanina bago siya umalis. Hanggang ngayon ay nandoon parin siya.

I know she's weird. Pero habang tumatagal ay napapansin kong lahat ng nakapalibot sakin ay weird. Pagkadatin ko palang dito ay alam ko nang may mali di ko lang masabi kung ano iyon.

*********

Mag usa ako ngayong kumakain. Di ko alam kung nasaan sina Cloud. I have no plan to find them. Nakakatamad tong araw na ito. Nasa harap ko ngayon ang inorder kong buger at fries. Tinititigan ko lang ito. Bakit nga ba ako bumili? Hindi naman ako gutom. Nababaliw na ata ako.

" Piso for your thoughts "

May inilapag siyang piso sa harapan ko at hinila ang fries, sumubo ng isa. Hindi nalang ako umimik.

" Hulaan ko you're thinking about the deaths? Am I right or left?" Sumubo ulit ito ng fries di pa siya nakuntento at kinuha pa ang aking drinks, sumipsip siya.

"Yeah" 

"Ayun! Sabi na nga ba"

"Where's your friends Jayji?"

Nagkibitbalikat lang ito at tuloy ang pagkain sa inorder ko. Ibinigay ko narin sa kanya ang burger na nasa tapat ko. Kaklase ko siya. She's Jayji mataba, maputi, pandak, short hair at most of all madaldal.

"Thank you ha? Kanina pa ako nagugutom. I know we're not close, pero thank you. San sina Eiji?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Gusto kong matawa. Alam kong crush niya si Eiji. Kwento sakin ni Cloud noong nagsimula sila mag aral dito ay crush na niya ito. Pero itong si Eiji ayaw daw sa kanya.

" Well I dunno too"

Sumimangit ito pero nilalantakan parin niya ang pagkain. Nalaglag nalang ang panga ko noong nakita kong kinain niya yung buong burger . What the hell?

Agad itong uminom at sinimot ang fries. "Bakit di mo alam? By the way may misa daw mamaya"

" Is that so?"

Nakita ko si Cloud palapit sa pintuan ng canteen. Napansin ata ni Jayji at humarap siya sa pinto. Muli siya napasimangot at agad na humarap sakin.

"HOY! WALA SI EIJI BUSY HAHAHAHAHA"

malakas na sabi ni Cloud pagdating niya sa amin. Natawa narin ako. Ewan ko pero natatawa talaga ako.

"Maka hoy to ah, may pangalan ako!"

Umupo si Cloud sa tabi ko. " where have you been?"

"Nautusan kaming mag ayos sa Event hall, may misa mamaya"

I see. Nagulata ako ng biglang tumayo si Jayji at padabog na ipinatong ang mga kamay niya sa lamesa at inilapit ang mukha niya sa amin.

" NANDOON SIYA?"

Pinipigilan ni Cloud na matawa. Pambihirang babae to. "Yup" simpleng sagot ni Cloud sa kanya. Maya maya ay umalis na siya nang di manpang nagpapa alam.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Tumingin ako sa tabi ko na ngayon ay halos mamatay na katatawa. Umiling iling nalang akoako. Masyado niyang kinakareer ang pagsunod ka Eiji. Ibinaling ko ang tingin ko sa isang upuan.  Andoon siya mag isa nagsusulat. Sa tuwing makikita ko siya ay kung hindi to nakatitig sa ulap ay nagsusulat uto sa kanyang notebook.

"What do you think Aki?"  Nakatingin parin ako dito. Dumaan rin sa isip ko dati na bigyan ito ng notebook dahil mukhang sira sira na ang kanyang ginagamit.

"AKIO?"

Malakas na tawag sakin ni Cloud. Di ko napansin na kinakausapa niya pala ako?

"Sabi na. Nagsasayang lang ako ng laway"

"Huh? Can you repeat it?"

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kabilang lamesa ngunit wala na ito. Tumingin ako sa pintuan at nakita siyang naglalakad palabas.

"Sino ba yang tinitignan mo?"

Bumaling ako sa kanya. "Nothing, nasan na tayo uli?"

Nagkwento sa akin si Cloud. About doon sa bagong patakaran ng school na magsisimula na bukas. Mas naging mahigpit sila sa sekyuridad ng mga estudyante.

" That's okay. It's for us anyway"

"You have a point" sabi nito at uaktong parang nagiisip. Maya maya ay dumating na si Eiji. Pagod na pagod. Nagpaalam si Cloud na bibili lang ng makakain gutom na raw siya. Tahimik lang kami ni Eiji hanggang sa dumating si Cloud at nagsimula nanaman siyang dumadal. Naikwento niya rin na hinahanap ni Jayji si Eiji kanina. Which makes Eiji irritated. Natawa nalang ako sa kanya.

DARK SECRETS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon