Natapos ang misa. Dumeretso ang lahat sa dining hall para kumain.
Katahimikan ang namayani sa dining hall noong dumating si Dean.
Nagsimula nalang ako sa pagkain. Kanina ko pa iniisip kung itutuloy ko ba ang iniisip kong tumakas mula sa dorm at pumunta sa lumang laboratory at doon mag imbistiga. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko kung paano nagkaroon doon ng dugo. Alam kong dugo talaga yun.
Sigurado ako.
Hindi ko na hinintay sina Cloud at Eiji sa paglabas sa dining hall. Iniisip ko parin kung paano kaya ako makakatakas mula sa mga guard at nagmomonitor sa amin.
Mabilis ang aking paglalakad. Napahinto ako ng may nabunggo ako. May mga nalaglag itong gamit. "I'm sorry"
Tinulungan ko siyang magpulot ng mga gamit niyang nahulog. Iniayos niya ang malaki niyang salamin. "O-okay l-lang" sagot niya na parang gulat na gulat. Pag abot ko sa kanya ng mga gamit niya ay agad na siya naglakad. Tinitigan ko siya habang naglalakad palayo sakin. Weird. Para siyang nakakita ng multo.
"Wanna come with me?"
Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Bigla bigla nalang siyang lumilitaw kung saan saan. Hindi kaya siya yung nakita nong estudyante kanina kaya siya nagmamadaling umalis? Or maybe not.
"Saan?"
" somewhere..."
Sabi nito at nagsimula na sa paglalakad. Dali dali ko aiyang sinundan. Walang nakakapansin sa amin. No parang walang nakakakita sa amin. I don't really believe in magic. Nakakabaliw.
Napansin kong malayo na siya. Kaya tumakbo ako. Nasa oval na pala kami. "Wait!" Habol ko sa kanya pero di parin siya tumitigil.
Nagulat ako ng tumigil siya sa isang masikip na daan. Ewan ko kung saan ito papunta. Pumasom ito dito. Lumakas ang hangin bigla akong napayakap sa sarili ko pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad.
"Where are we going?"
"Do you really want to know everything?"
"Huh? What do you mean"
Napakadilim ng paligid. Halos wala akong makita. Naramdaman ko siyang naglakad palapit sa akin. May dala pala siyang flashlight. Binuksan niya ito kaya medyo nakakakita nako ngayon.
"What are we doing here?"
May itunuro ito. Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang nakaturo sa isang banda. Sh*t d*nm. May mga dugong umaagos sa pader. San ito nanggaling?
"What you're seeing now is not happening"
May narinig akong mga sigaw sa paligid. Sigaw na parang nagmamaka awa. Sigaw ng mga pinapatay. Mga ibat ibang boses. Napatakip ako sa aking tainga.
"Stop.." i said ayaw ko nang marinig ang mga ito. "STOP"
napaluhod ako masyado nang maraming bises ang naririnig ko sa aking ulo.Bigla itong tumigil. Narinig kong nabitawan niya ang kanyang flashlight. Pero nakikita ko parin ang pagtulo ng mga dugo sa nagtataasang mga pader.
Kinakabahan ako sa mga nangyayari what is this? Anong nagyayari? May narinig akong tumatawa. Tumingin ako sa kanya at...
At may hawak itong kutsolyo punong puno ito ng dugo dahan dahan itong lumalapit sa akin. No. No. Gusto kong tumayo pero nanghihina ang aking mga paa. Napapaatras nalang ako sa bawat hakbang niya palapit sa akin. Itinaas niya ang kanyang hawak na kutsilyo gusto ko nang sumigaw.Para makahingi ng tulong. Hinawakan nito ang leeg ko...
Nagising akong humihingal. That was a very bad dream. Napa upo ako mula sa pagkakahiga. Sa pag iisip ko kanina ay di ko nanalayang nakatulog na pala ako, ni hindi na ako nakaligo at nakapagbihis.
Tumayo ako mula sa kama at dumeretso sa banyo. Naghilamos ako tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Umiling iling ako sa aking iniisip.
Napagdesisyonan kong maligo muna nang mahismasmasan ako. Pagkatpos ko ay nagbihis na. Uminom ako ng tubig. Hanggang ngayon di parin nawawala sa isip ko si Sidyne bakit may hawak aiyang kutsilyo? Bakit niya ako papatayin?
Humugot ako ng malalim na hininga. Bumalik nako sa higaan at muling tumitig sa kisame. Ginulo ko ang buhok ko. Kahit anong pilit kong matulog ay bumabalik sa isip ko ang napaginipan ko. Muli akong tumayo at kumuha ng libro sa bookshelf.
Parang may natapakan akong papel. Tumingon ako sa aking paa kung saan may natapakan akong papel. Teka, naaalala ko ito. Ito yung nahulog ko sa notebook na nakita ko sa drawer. Buti at nandito pa ito. Binuksan ko ang lampshade at humiga ulit.
Iniipit ko ito sa librong binabasa ko. Mamaya ko nalang ito ibabalik sa notebook. Tumingin ako sa oras. Mag hahating gabi na pala. Ngunit di parin ako inaantok. Wow, just great lunes pa pala bukas. Great.
Humikab ako ng ilang beses pero di parin talaga kayang pumikit at matulog ng aking mga mata. Medyo sumasakit na ang aking mga mata dahil sa pagbabasa tanging ang lampshade lang ang aking ilaw. Pag binukasan ko ang aking ilaw ay mapapansin ng guard sa baba na gising pa ako.
Nakakalahati ko na ang librong binabasa ko. Buti nalang pala at nag dala ako ng mga libro ko. Nagagamit ko ito bilang time killer lalo na ngayon. Sa muling buklat ko ng pahina ng librong aking binabasa ay nahulog muli ang papel. Kinuha ko ito mula sa pagkakahulog. Napanain kong may nakasulat sa harap nito.
Parang pamilyar ang sulat kamay na ito. Parang kilala ko ang nagsulat dito. Pero hindi parin ako sigurado, kaparehas na kaparehas nito ang sulat kamay ng nagpapadala sakin ng mga sulat sa locker ko.
Dahan dahan ko itong ibinuklat. Malapit na itong masira. Masyado na itong luma kay dahan dahan lang ang paghawak ko baka mapunit ito. Sa isang parte ng sulat ay parang isang tulo ng dugo.
BINABASA MO ANG
DARK SECRETS
Mystery / ThrillerYou really don't know what's the real face behind the mask of every people you've met.