Katatapos lang namin sumayaw ni Millian. Di ko mabilang kung ilang beses ko ba natapakan ang paa niya. Nakaupo ako ngayon sa table namin nagpaalam si Millian na pupunta lang sa Comfort Room para mag ayos.
Tumingin ako sa paligid di parin tumitigil sa pagsasayaw ang iba. Mukhang enjoy na enjoy talaga sila. Napansin kong parang may nakatayo sa sa bintana isiningkit ko ang mga mata ko para makita ko ito. She was there standing, it's Sidyne di ako pwedeng magkamali. She's holding her doll. Hanggang ngayon di parin ako nag sisink sa utak ko ang pinagsasabi niyang kapatid niya raw ito.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanya. Baka gusto niya lang manood. Nauhaw ako kaya tumayo ako at naglakad papunta sa pwesto ng mga inumin. I don't drink wine. Ayoko ang lasa. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng juice nang biglang dumilim ang paligid.
May narinig akong pagsigaw nabitawan ko ang baso ko, nabasag ito sa sahig. Tumakbo ako patungo kung saan nanggaling ang malakas na sigaw. Nakipagsiksikan ako sa mga tao.
Si Ma'am Jellie may hawak itong isang malaking kutsilyo. Saan niya ito nakuha. Pangiti ngiti ito sa amin sak bigla bigla nalang tumatawa. Wala siya sa sarili niya marami nang natatakot sa kanya. Iniwasiwas niya ang kutsilyo at patuloy ang pagtawa ilang saglit lang ay tumigil ito may mga luhang pumatak sa sahig galing ito sa kanya. Unti unti niyang iniangat ang kutsilyo at itunutok sa sarili niya. Napahakbang ako para pigilan siya ngunit may humarang sakin na mga kamay. It was Eiji's arm.
"It's too dangerous, baka ikaw pa ang mapatay niya" kalamado nitong wika. Wait what? Hihintayin nalang namin na magpakamat siya. Bigla lumakas ang sigawan. Itinusok nito ang kutsilyo sa kanyang bunganga sagad sagad ito hanggang tumagos sa kanyang leeg. Tumalsik ang napakaramig dugo mula sa mga taong nakapalibot sa kanya. Walang tigil ang pagtalsik ng ganyang dugo, hinugot niya muli ito at nagpagewang gewang ang kanyang katawan. Marami nang umiiyak sa loob ng hall dahil sa takot.
Itinaas niya muli ang kutsilyo at itunusok sa kanyang dibdib muli itong tumagos sa kanyang ginawa at tsak niya ibinaba. Para niyang hinati ang kanyang katawan. Mas lalong bumulwak ang napakaraming dugo mula sa kanya. Hinugot niya muli ito, no one dares to come after her.
Lahat ng tao dito ay balot na balot sa takot dahil sa nangyayari. Marami ang naguguluhan. Maski ako ay di ko rin naiintindihan kung bakit siya nagkaka ganyan.
Akala ko ay itutusok niyang muli ang kutsilyo sa kanyang kawan ngunit itinapon niya ito sa pwesto ni Lacy na halos maniyak ngiyak sa kanyang nakita, napasigaw ito ng malakas. Nakita kong bumagsak si ma'am Jellie nagsuka ito ng napakaraming dugo.
Pagkatapos niyang bumagsak ay nagsitakbuhan ang mga tao palabas ng hall.
Pinatabi kami ng mga opisyal ng eskwelahan. Di nagtagal ay pianalabas na nila kami. Habang palabas ay tumingin ko sa bintana. Andoon parin siya nakatayo. Habang palayo ay di ko inalis ang titig ko mula dito. Parang di ito gumagawalaw mula sa kanyang puwesto. What is she doing?
*********
Andito kami ngayon sa room ko. Kanina pa nagsasalita si Cloud tungkol sa nangyari.
"Grabe talaga, intense para akong nanood ng live na thriller movie" aniya.
Di ito pinapanain ni Eiji. Nakafocus ito sa binbasa niyang pinahiram kong libro. Napag iaip isip kong matulog nalang gabi narin. Dito na rin magpapalipas ng gabi sina Eiji. Yun ang sabi ni Cloud. Naligo muna ako bago ako nagbihis sumunod naman si Cloud sa banyo. Nagbabasa parin si Eiji. Mukhang balak niyag tapusin ito ng kalahating gabi lang.
Nagbihis nako at umupo sa aking kama. Naalala ko si Millian. Pagkatapos niyang magpa alam sakin na mag aayos lang sa Comfort room ay di ko na ito nakita pa. Bigla akong kinabahan para sa kanya. Kaya mabilis kong kinuha ang aking cellphone at nagtext. Pero naalala ko wala pala akong mber sa kanya. Kaya tumayo muli ako mula sa pagkakaupo sa kama at tinungo si Eiji.
Ayoko sana itong istorbohin at baka magalit pero kailangan ko talaga ng number ni Millian. Nag aalala ako dito at baka kung napano na.
Nagulat ako ng bigla niyang iniabot sa akin ang kanyang cellphone. Patuloy parin siya sa kanyang pagbabasa. Kinuha ko na ito at hinanap ang number ni Millian. Bumalik nako sa kama ko. Naabutan kong tulog na si Cloud sa kabilang sulok ng kama ko. Tsk.
30 minutes na simula nong tinext ko siya pero di parin nagrereply. Di ako mapakali ay tinawagan ko na ito ilang beses ko itong inulit pero di niya sinasagot ang mga tawag ko. Damn.
Naramdaman kong parang nauhaw ako kaya tumungo ako papuntang water despenser at uminom. Naalala ko siya. Biglang tumunog ang cellphone ko may nag message. Si Millian, nasa kawarto na niya daw ito at matutulog na. Nakahinga ako ng maayos dahil sa nabasa ko pero di ko parin maiwasan ang magtanong sa isipan ko kung saan nga ba siya nagpunta.
Bukas ay malamang ito nanaman ang usapan ilang araw palang noong may natagpuan kaming bangkay sa may hagdan ngayon naman ay ang pagpapakamatay ng isang guro. Something's wrong, I can feel it. May mali sa nangyayari. Masaya naman si Ma'am Jellie noong nakausap ko siya kanina.
Habang nagiisip di ko namamalayang kusa na palang tumitiklop ang aking mga mata dahil sa pagod.
BINABASA MO ANG
DARK SECRETS
Mystery / ThrillerYou really don't know what's the real face behind the mask of every people you've met.