A/N: we're back to Akio's Point of View!! Your comments, votes and reads are very much appreciated! Sorry for grammatical Errors and Typos. Enjoy reading :>>
Akio's P.O.V
Kanina pa kami tulala dito. Ni walang gusto mag salita. Isang opisyal ng SSG ang natagpuang patay sa hagdan. Ang nasaklap pa ay nawawala ang ilang bahagi ng kayang katawan.
Huminga ako ng malalim. Kanselado ang lahat ng klase dahil sa nangyari. I look at Millian. Kanina pa siya di mapatahan. Her Bestfriend is now gone.
Ni ako ay di makapaniwala sa nangyari. Sabi nila naiwan raw si Lacy sa opisina dahil may marami daw itong ginagawa.
Natagpuan rin ng mga pulis ang kanyang cellphone na basag na basag at di na gumagana. Malamang ay nahulog niya ito. Gusto kong lumapit sa pinangyarihan ngunit bawal ang estudyante roon.
Tinapik tapik ni Eiji ang balikat ko. Tumingin ako sa knaya at tumango. Umalis na kami. Sa paligid maririnig mo ang mga bulungan tungkol sa nangyari. Ang iba ay naaawa, ang iba naman ay natatakot.
Maski ako ay natatakot na rin dahil sa nangyayari. Maaring mamaya na naman ay merong mangyayari.
" Naawa ako kay Lacy, parang noong nakaraan lang" Cloud said.
"We will never gonna know if it's our time" tumingin ako kay Eiji seryosong seryoso niya itong sinabi. Napabuntong hininga ako. This should stop. Kahit anong gawin ng school ay ganon parin.
Sa tingin ko ay wala sa labas ang killer. Kundi nandito mismo nasa paligid lang siya. Naalala ko si Millian naawa ako sa kanya. I don't how it feels to lost a best friend but I'm sure it hurt so much. Parang ka na ring nawalan ng isang miyembro ng pamilya mo.
Dumiretso na sina Cloud at Eiji sa room nila. Habang ako ay naglalakad lakad parin sa school ayaw ko pang bumalik sa kwarto. Baka mabagot lang ako doon. Hindi ko na siya nakikita. Wala rin siya dito.
Napansin kong nagsisitakbuhan ang mga ibang estudyante s a kabilang building. Sinundan ko sila para malaman kung ano bang nangyayari. Maraming akong nadatnan na estudyante. Sinundan ko ang Tingin nila. No.
Si Jenny anong ginagawa niya sa Rooftop? Si Jenny ay isa sa mga kaklase naming tahimik. Kung kakausapin mo siya ay tango lang ang makukuha mo mula sa kanya.
Pero heto siya ngayon nasa rooftop. Napansin ko na wala siya sa katinuan. Anong nangyayari? Unti unti siya humhakbang papunta sa dulo ng rooftop. Walang sinuman ang gustong lumapit sa kanya. Hanggang limang palapag ang gusali na ito at malamang kung sinuman ang mahuhulog sa rooftop ay siguradong patay agad.
Naghihiyawan ang kanyang mga kaibigan. Mas rumarami na ang mga tao dito. Andito na rin ang iba sa mga guro. Nakatingin parin ako sa taas. Nakakinis dahil wala akong magawa. Para siyang sinasaniban naka ngiti ito at diretsong naglalakad ng paunti unti.
Mas kinagulat namin dahil may hawak itong maliit na baril. Tumatawa siyang itinutok ito sa kanyang ulo. Umiiyak na ang kanyang kaibigan nagmamawakaawang huwag niya itong gagawin ngunit patuloy parin ito sa kanyang ginagawa.
Hanggang sa narating niya ang dulo ng rooftop. Isang hakbang nalang at mahuhulog na siya nakatutok parin sa kanya ang hawak niyang baril. Pero bigla siyang huminto at yumuko.
Ibinaba niya ang hawak niya baril sht. Bakit siya umiiyak ng dugo? Kitang kita ko, dugo talaga. Humarap uli siya peto umaagos parin ang dugo mula sa kanyang mga mata. Pinutok niya ang baril. Natamaan ang kanyang kaliwang mata at nahulog siya mula sa rooftop mabilis ang kanyang pagkahulog.Napakalakas ng tunog noong bumagsak siya sa gitna ng napakaraming tao. Nauna ang kanyang paa sa pagbasak maririnig mo ang malakas na pagkaputol ng kanyang buto. Napaiwas ng tingin ang iba. Gulat na gulat ako sa nangyayari.
Tumagos ang buto niya sa paa. Sht. Ang sakit non! Umagos ang dugo mula sa kanya. Sigurado akonh bali bali ang kanyang buto.
Tumabi ang ilang estudyante dahil dumating si Dean. Halatang halata ang frustration sa kanyang mukha. Sunod sunod ang mga namamatay. Una si Lacy pangalawa ay si Jenny na ipinutok ang baril sa kanyang ulo.
"ALL STUDENTS PROCEED TO YOUR ROOM NOW!" utos nito. Pero ayaw paring umalis ng mga kaibigan ni Jenny. Maski ako ay di maka alis sa kinatatayuan ko. I think I need to see her.
Naguguluhan nako sa nangyayari.Bakit feeling ko may nangyayaring di ko alam. Bakit parang hindi Jenny yun. Alam, kong wala siya sa tamang pag iisip kanina. It's like, Someone's controlling her.
Nagsimula na akong maglakad. Sana mahanap ko siya. Ang dami kong tanong sa isip ko. Yung tungko sa sulat at ang mga pagpatay.
*********
Nalibot ko na ang buong eskwelahan. Naiingat ako dahil sa mga naglilibot na guards sa school para masiguradong ang lahat ng estudyante ay nasa kanya kanya nang kwarto.
Tanging mga opisyal nalang dito sa school ang aking nakikita. Nandoon parin ang ngayon malamig na bangkay ni Jenny.
"Mukhang nagsisimula nanaman siya" sumilip ako mula sa punong pinagtataguan ko. Naglalakad ngayon pabalik si Dean. Teka, bakit kasama niya ang Librarian? At anong ibig sabihin niya sa nagsisimula nanaman ?
" Impossible yun. Patay na siya. Matagal na siyang patay" sagit ni dean. Ngunit tumawa lang ang Librarian at umiling iling.
"Mag isip ka ng mabuti" sabi nito at humiwalay na ng daan.Anong pinagsasabi nila? Sinong matagal na patay?
"Only you can see me"
Bigla nalang pumasok sa utak ko ang mga katagang iyon. Hindi maari, baka mali lang ang naririnig ko hindi pwede..tumakbo ako sa isang building kung saan nakapwesto ang lumang laboratory...

BINABASA MO ANG
DARK SECRETS
Mystery / ThrillerYou really don't know what's the real face behind the mask of every people you've met.