DARK SECRETS 13

3 0 0
                                    

Nagsisidatingan na ang mga ibang estudyante. Unti unti nang napupuno ang bawat upuan. I stared at the door. Ni minsan ay di ko pa siya nakitang pumasok dito. Nahanap na kaya niya yung laruan niya?

Bigla nalang tumahimik ang lahat dahil sa pagpasok ni Principal. Ganito lagi ang nangyayari kapag dumadating si Dean at Principal, but this time si Principal lang ang pumasok mula sa pintuan.

Dirediretso siyang naglakad. Hanngang marating ang podium. " Good evening"

Bati nito sa amin. We greet him back in unison. Ang lahat ng may matataas na posisyon dito sa School ay lubos na iginagalang ng mga estudyante.

" I'm sure alam niyo na ang nangyaring pagpatay sa limang estudyante last night"

Biglang nagbulungan ang mga estudyante. Umingay ang hall dahil sa bulungan.

"Quite!"  Saway niya. Pero di parin tumitigil ang bulungan.

" I SAID QUITE!" buong awtoridad nito sinabi. Tumigil na sila at napaharap kay Principal.

"So as I was saying, dahil sa mga nangyayari these past days. The school will be closed for the public"

Nag simula nanamang magbulungan ang mga estudyante. Ang ilan ay tutol dito. Nagsisimula nanamang umingay.

"QUITE!"

Nabalot ng katahimikan ang dining hall. " Pansamantala nating isasara ang school sa publiko.Hindi pwedeng makapasok ang kung sino sino dito hanggat di natin naayos ang gulong nangyayari dito understand? No outsiders allowed they might cause chaos. That's all. You can start your dinner now"

Matamlay na kumakain ang iba. Nagsimula narin akong kumain ngunit unti lang dahil busog pa ako sa kinain ko kanina.

*********

" What the Hell? Bakit pati mga magulang?"  Tanong ko kay Eiji at Cloud. Nakausap ko kasi sina Mama kanina pagkatapos mag dinner ay tumawag sila. They promised they will be here tomorrow.

Dati-rati ay may makikita kang mga bisita ng mga estudyante dito tuwing weekdays at weekend. Para din naman daw sa amin to para sa kaligtasan namin pero paano kung nasa loob mismo ng eskwelahan ang killer? Hindi kayang akyatin ng mga taga labas ang school tuwing gabi napakatayog ng mga harang nito mula sa labas may mga guards rin sa magkabilaang gate. Kung wala kang kilala dito ay di ka pwedeng pumasok.

Malamang matitigil rin ang pagcompete ng school sa sports at iba pa. Kilala rin ang school na ito dahil sa mga naiproproduce nitong matatalino na ngayon ay successful  at kilala nang mga personalidad.

Napaupo ako sa kama ni Cloud habang sila naglalaro ng X-box. Wrong timing naman. Namimiss ko na sila Mama.

"BOOM! YOU LOSER! AKIO THE BIRTHDAY BOY,IT'S YOUR TURN!"

sigaw sakin Cloud. Mapapansin mo sa mukha ni Eiji ang pagkainis. Ang mga ito talaga maglalaro tapos mag aaway. Iniabot sakin ni Eiji ang control.

"PAHIRAPAN NIYO NAMAN AKO!"

"Tsk. Hangin bro"

Nagsimula na kaming maglaro. Noong una ay lamang siya sakin may paalam alam pa siyang magpapatalo na daw siya kasi Birthday ko pero naging seryoso ito nang biglq ko siyang nalamangan nakailang mura rin ito. Di daw siya papatalo but at last natalo ko siya.

" Madaya! Dinaya moko bro!"

"Di mo lang matanggap" napangisi ako sa pambabara ni Eiji sa kanya.

Tumingin ako sa wallclock nila mag nanine o'clock na. Malapit na ang monitoring ng bawat kwarto. Kaya nagpaalam nako at bumalik na sa kwarto ko. Hinahamon pa ako ni Cloud noong aalis na ako pero tinanggihan ko ito. Babawi daw siya sa susunod. Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

Nakarating ako sa kwarto. Tumingin ulit ako sa orasan. Tumingin ako sa aking bintana. Nagsisimula na nga silang maglibot para masiguradong walang lalabas ng kani kanilang kwarto. Nilagyan na rin nila ng gurds ang ground floor ng bawat dorm.

Pumunta akong CR para maligo muna bago matulog. Sigurado akong matatagalan pa sila sa paglilibot. Saglit lang ako naligo at nagbihis agad. Hum8ga ako sa kama at binuksan ang Cellphone ko. Nagbabaka sakaling nagtext sina mama pero wala akong narecieve ni isa.

Alam na kaya nila ang mga nagyayari dito? Huminga ako ng malalim pinatay ang cellphone ko. Sinubukan kong ipikit ang mata ko pero di pa ata sila handang matulog. Tinitigan ko ang kisame. Naalala ko si Sidyne kung saan saan yun nagsusuot baka wala pa siya sa kwarto niya. Sa tagal ko dito at sa tagal ko na siyang kinakausap ay di ko parin alam kung saan ito tumutuloy ng gabi hindi ko ito nakita maghapon. Siguro ay hinahaap niya si seraphina ang kanyang manika.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko ngunit ayaw talaga nitong matulog. Tumayo ako at nangalkal sa bookshelf ko na pwedeng basahin. May napansin akong parang may maliit n drawer sa baba nito. Ngayon ko lang ito napansin. Lumuhod ako para buksan ito.

May laman itong mga notebook. Kinuha ko ang flashlight ko at binuksan ang isa sa mga notebook. Bigo ako dahil wala pala itong laman. Ibinalik ko na ito at sinunod ang iba. May unting sulat ang ibang pahina. Hula ko ay sulat kamay ito ng usang lalaki halos magkaparehas kami ng pagsusulat. Siguro ay pagmamay ari ito ng dating estudyante na dito natutulog.

It's all about chemicals. Formulas and etc. May mga nakasulat din dito kung paano gumawa ng lason gamit ang ibat ibang halaman. Mukhang mahilig ito mag experiment. Naabot ko hanggang  sahuling pahina. May isang letra doon ang nakasulat. Ang ibang letrang katabi nito ay malabo na.

'S'

Siguro ay may kinalaman  ito sa nakasulat. Ibinalik ko na ito pero may nahulog na papel narinig ko ang  mga yapak  ng sapatos parating dito  kaya nagmadali  na akong ibalik ito at humiga  sa kama  pinatay  ang flashlight . Hindi ko na inisip ang papel na nahulog mula sa notebook na iyon at natulog na.



DARK SECRETS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon