DARK SECRETS 6

8 1 0
                                    

Third Person's P.O.V

Magalalakad si Lacy. Siya ang kasalukuyang  Secretay ng SSG sa paaralan nila. Kailangan niyang maihatid ang mga papeles na kanyang hawak kay Mr. Sy. SSG faculty adviser.

Habang naglalakad ay may nakakasalubong siyang mga estudyante, binabati siya ng mga ito. Iginagalang ng mga estudyante dito ang mga estudyanteng may matataas na posisyon gaya niya. Sa bawat bati ng ibang estudyante ay nginingitian niya lang ito. Medyo excited na ito sa pagpunta sa room ni Mr. Sy dahil alam niyang sa mga iras na ito ay andun si Akio. Napangiti siya sa kanyang naiisip. Matagal na niya itong gusto simula noong lumipat ito. Walang araw siyang pinapalampas upang masulyapan ito. She even wrote a love letter for Akio.

Naglalakad ito paakyat ng parang may naramdaman itong parang may tumulo sa kanayang ulo. Ngunit di niya ito pinansin at baka tulo lamang ito ng ulan. Naka dalawa pang hakbang siya sa hagdan at may tumulo ulit sa kanyang noo. Malapot ito kulay pula. Iginalaw niya ang kanyang kamay at inihaplos ito sa kanyang noo, kung saan ito ay natuluan tsaka ibinaba. Doon niya napagtanto na dugo pala ito. Napalaki ang kanyang mga mata. Ialang sigundo pa at may tumulo muli. Tumingala ito para makita kung saan ito nagmumula.

Nabitawan niya ang lahat ng kanyang mga dala. Halos umiyak ito sa kanyang nakita, napasigaw ito ng napakalakas.

Isang estudyante ang nakasabit sa hawakan ng hadan gamit ang kanyang necktie. Tirik ang mga mata nito at medyo nakabukas ang kanyang bunganga. May malaki itong hati sa kanyang tiyan dahilang para makita ang kanyang mga lamang loob nagsisilabasan ang mga ito at  punong puno ng mga dugo. Nakatusok sa kanyang leeng ang matulis na bahagi ng isang payong tagos na tagos ito.

*********

Akio's P.O.V

Napakalakas ng aming narinig na sigaw sa baba nasa hagdan ito. Agad naman itong nakatawag ng pansin ni Mr, Sy, ang aming lecturer. Sinabayan ko ito sa pagtakbo pababa.

Pagkababa namin ay naabutan namin si Lacy na mangiyak ngiyak. Nalaglag niya lahat ng kanyang dala. Punong puno rin ng mga dugo ang kanyang kamay at mukha. Napansin kong nakatingin ito sa itaas niya malapit sa direksyon namin. Dahilan para sundan ko ang tingin niya sh*t.

Isang lalaking estudyante ang karumaldumal na isinabit ang kanyang katawan sa hawakan ng hagdan gamit ang kanyang necktie. Agad na tumawag ang ang aming Lecturer ng mga pulis gamit ang kanyang Cellphone.

Rumarami narin ang mga estudyanteng lumalapit samin. Si Lacy ay pinapatahan parin ni Millian. Tumingin ako sa paligid, wala na siya. Ilang minuto pa ay dumating na ang principal upang paalisin ang ibang mga estudyante. Nang dumating na ang mga pulis ay wala na rin akong nagawa kundi ang umalis sa pinangyarihan.

*******

Abala ang lahat ng mga estudyante sa parating na School Year End party na magganap bukas. Maagang nagdeklara ang Academy na walang klase dahil magkakaroon daw ng pagpupulong ang mga guro.

Nakapatong ngayon ang aking ulo sa lamesa ng aking upuan . Wala akong planong magpunta doon. Isang linggo mula noong matagpuan ni Lacy ang isang bamgkay ng estudyante na galing sa ibang strand. Mukhang nakalimutan narin ito ng lahat.

Even Lacy. Iniangat ko ang aking ulo tinitigan ko sila habang nakikipagusap sa iba kong kaklase na parte rin ng School Council. Nakikitawa narin ito. Ayon kay Cloud ay ilang araw din itong si makausap ng maayos. Mabuti naman at okay na siya ngayon. Mukhang napansin niya na nakatingin ako sa direksyon nila. Ngumiti ito sa akin at kumaway, napatingin rin sa akin ang iba kong kaklase na kasalukuyan niyang kausap ngayon. Ngumiti ron ako at kinawayan siya bilang tugon.

Lumapit sakin ang dalawang ugok kong mga kaklase.

"Yow, akio may nagyaya na ba sayo?" Si Eiji.

"Wala pa, at kahit meron man di parin talaga ako pupunta"

" Bakit? Bro, pagisipan mong ito. Once every school year lang ito ginaganap. Sayang naman kung di ka pupunta"  sermon ni Cloud.

"I'll think of it"

"Dapat lang dahil ang mga ganyang pagkakataon di sinasayang, sinasamantala yan"

" Cloud has a point"

Ialng oras rin nila akong kinukulit na sumali. Para sakin wala na akong panahon para sa mga iyan. Sekreto kong iniimbistigahan ang pagkamatay ni Nurse Judith at ni Angelo. Hanggang ngayon wala parin ako clue kung sino ang suspect masayado aiyang malinis at brutal magtrabaho. Who are you?

Tumunog na ang bell at nagsilabasan na ang mga estudyante sa kanilang Classroom. Nagpaalam nang mauuna na si Cloud at Eiji sa Canteen. Medyo tinatamad pa akong tumayo.

Ilang minuto rin at napadesisyonan ko nang tumayo mula sa aking pagkakaupo. Kinuha ko ang aking bagpack at nagsimula nang maglakad palabas sa classroom.

Sa aking paglalakad ay nakita ko ulit siya. Pumasok ito sa pintuan ng isang abandonadon kwarto sa building na ito. Sumunod ako dito at lumapi sa pintuan. Anong gingawa niya dito. Napansin ko ang isang karatola na nakadikit sa pintuan.

"WARNING! DON'T ENTER WITHOUT ANY PERMISSION "

Ewan ko pero kusang gumalaw ang aking mga kamay at binuksan ito. Luckily it was open. Pumasok ako sa loob nito. Maraming nakakalat na bubog at aparatos. Masasabi kong isa itong lumang labaratory. Medyo madilim dito.

" I already warned you not to be closed with me"

DARK SECRETS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon