Lahat sila ay tapos ng naghagis ng bulaklak sa kabaong niya na nasa may baba ng lupa. Tumayo na ako at naglakad palapit, bumuntong hininga ako ng malalim.
"Ayumi baby, ayokong isipin na talagang wala ka na. Ayoko dito magtapos lahat lahat sa atin, alam mo kasabay ng paglibing mo ay paglibing din ng puso ko. Hindi dito magtatapos ang kwento natin, alam kong darating ang araw ay magkikita ulit tayo. Ang hirap maniwala na hindi na kita makakasama, Hintayin mo ako diyan baby ha? mahal na mahal na mahal kita. I'll cherish and treasure our memories together, This ain't a goodbye... Hanggang sa muli mahal ko." Inihagis ko na ang hawak kong bulaklak. Unti-unti nilang tinatabunan ng lupa ang kabaong niya.Ayokong tumingin, mas pinili kong ipikit na lang ang mga mata ko.
"Let's go anak, umuwi na tayo"
"dito muna ako dad, I want to be alone..."
Bumuntong hininga muna siya bago magsalita.
"Okay. Hihintayin ka na lang ng driver natin, siya na ang maghahatid sa 'yo pauwi." tumango lang ako bilang sagot. Tinapik niya muna ang balikat ko bago umalis.
-RaeasyPark
